Masayang Pamumuhay
Masayang Pamumuhay
Ang Aklat na Ito
Ang mga salaysay tungkol sa Dakilang Guro na isinasalaysay sa tomong ito ay naglalarawan ng praktikal, tuwirang mga aral sa mga karaniwang tagpo, mga layunin, at mga pangyayari sa buhay—ang pastor ng mga tupa, ang tagapagtayo, ang magsasaka, ang silid-hukuman, ang kasalan, ang maybahay (asawang-babae), ang manlalakbay. MP 7.1
Ang mga salaysay na ito na sagana sa mga patnubay na makatutulong sa lantay na pag-iisip at masayang pamumuhay, ay buong dilag na nailarawan ng may-akda sa mga tagpo na may kaugnayan sa kasalukuyan. MP 7.2
Angaw-angaw na mga pamumuhay ang napayaman, sa di mabilang na pagkakalimbag sa napakaraming mga wika ng tomong ito, sa pamagat na Christ's Object Lessons. Sa kaakit-akit at tanyag na anyo nito, at sa malaki't malawakang pamumudmod, ito ay nakatakdang magakay sa mga bumabasa nito sa malalim, lalong makahulugang mga karanasan sa masayang pamumuhay-Kristiyano. Ang mga bilang ng pahinang sinaklungan sa ibaba ng limbag na ito ay tumutukoy sa orihinal na limbag sa wikang Ingles. MP 7.3
Ang Tagapaglimbag