Ang mga GAWA ng mga APOSTOL
Sa Pintuan ng Templo
Ang mga alagad ni Kristo ay may malalim na pagkadama ng kanilang kakulangan, at may kababaan at panalanging isinama nila ang kanilang kahinaan sa Kanyang lakas, ang kanilang kawalang muwang sa Kanyang karunungan, ang kanilang kawalang karapatan sa Kanyang katuwiran, ang kanilang karukhaan sa Kanyang di mauubos na kayamanan. Napalakas at nabigyang kasangkapan, hindi sila nagatubiling humayo sa paglilingkod sa Panginoon. AGA 45.1
Maikling panahon matapos bumaba ang Banal na Espiritu, at agad matapos ang maningas na panalangin, nakita nina Pedro at Juan, sa pagtungo sa templo upang sumamba, sa pintuang Maganda ang isang lumpo, apatnapu ang gulang, na mula sa pagsilang, ay nakaranas ng kirot at kapansanan. Ang taong kulang-palad na ito ay nagnais na makita si Jesus, upang siya ay mapagaling; datapuwat walang lakas, at malayo sa mga dakong pinaglingkuran ng dakilang Manggagamot. Ang kanyang mga pagsamo sa wakas ay nagturo sa ilang kaibigang pasanin siya upang dalhin sa pintuan ng templo, ngunit pagdating doon, ay nalaman niya na Siya na tangi niyang pag-asa ay malupit na pinatay. AGA 45.2
Ang kabiguan niya ay kumuha ng awa nilang nakakaalam kung gaano katagal na hinangad niyang mapagaling ni Jesus, at sa bawat araw ay dinadala siya sa templo, upang ang mga daraan doon ay mahabag at kahit paano ay bigyan siyang may kalinga. Sa pagdaan ni Pedro at Juan, siya ay humingi ng palimos. Tiningnan siyang may habag ng mga alagad, at sinabi ni Pedro, “Tumingin ka sa amin. At siya ay sumunod sa kanilang atas, na umaasang tatanggap ng kaloob nila. At sinabi ni Pedro, pilak at ginto ay wala ako.” Nang ilahad ni Pedro ang kanyang karukhaan, ang mukha ng lumpo ay nanlumo; ngunit naging masigla nang magpatuloy na magsabi ang alagad, “Datapuwat ang nasa akin ay ipagkakaloob ko sa iyo: Sa pangalan ni Jesu-Cristo ng Nasaret bumangon ka at lumakad. AGA 45.3
“At kanyang hinawakan siya sa kanang kamay, at siya’y tumayo: at nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios. At nakita ng buong bayang siya’y lumalakad, at nagpupuri sa Dios: At nangaldlala nila na siya nga ang nauupo at nagpapalimos sa Pintuang Maganda ng templo: at sila’y nangapuspos ng panggigilalas at pamamangha sa nangyari sa kanya.” AGA 46.1
“At samantalang siya’y nakahawak kay Pedro at kay Juan, ay nagsitakbong sama-sama sa kanila ang buong bayan sa tinatawag na portiko ni Solomon na lubhang nanggigilalas.” Namangha sila na ang mga alagad ay makagagawa ng milagrong katulad ng ginawa ni Jesus. Ngunit narito ang lalaking ito, apatnapung taong lumpo, ngunit ngayon ay nagdiriwang sa lubos na paggamit ng kanyang mga paa, ligtas sa kirot, at magalak sa pananampalataya kay Jesus. AGA 46.2
Nang makita ng mga alagad ang pagkamangha ng mga tao, nagtanong si Pedro, “Bakit kayo namamangha dito? at bakit kayo nakatinging mataman sa amin, na parang sa aming sariling kabanalan o kapangyarihan ay pinalakad namin ang taong ito?” Tiniyak niya sa kanilang ang pagpapagaling ay naganap sa pangalan at sa pamamagitan ng kabutihan ni Jesus ng Nasaret, na ibinangon ng Dios mula sa mga patay. Ang pananampalataya sa Kanyang pangalan ang nagpalakas sa taong ito, na inyong nakikiata at nakildlala: oo, ang pananampalatayang sa pamamagitan Niya ay nagbigay sa taong ito ng sakdal na pagpa-pagaling sa paningin ninyong lahat.” AGA 46.3
Malinaw na nagsalita ang mga alagad tungkol sa dakilang kasalanan ng mga Judio sa pagtanggi at pagpatay sa Prinsipe ng buhay; ngunit sila’y maingat upang hindi maitaboy ang mga nalaldnig tungo sa kawalang pag-asa. “Tinanggihan ninyo ang Banal at ang Matuwid,” ang wika ni Pedro, “at pinili pa ang isang mamamatay tao na ibigay sa inyo; at pinatay ninyo ang Prinsipe ng buhay, na ibinangon ng Dios mula sa mga patay; na nasaksihan din ninyo,” “At ngayon, mga kapatid, alam kong dahilan sa kawalang kaalaman ay nagawa ninyo ito, katulad din ng inyong mga pinuno. Datapuwat ang mga bagay, na ipinakita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng Kanyang mga propeta, na si Kristo ay magdurusa, ay Kanyang tinupad.” Inihayag niya na ang Banal na Espiritu ay tumatawag sa kanila upang magsisi at mahikayat, at tiniyak sa kanila na walang pag-asa sa kaligtasan maliban sa kahabagan Niya na kanilang ipinako sa krus. Tanging sa pananampalataya sa Kanya na ang kanilang mga kasalanan ay patatawarin. AGA 46.4
“Kaya nga mangagsisi kayo, at mangagbalik loob,” ang kanyang panawagan, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahan mula sa harapan ng Panginoon.” AGA 47.1
“Kayo ang mga anak ng mga propeta, at ng tipang ginawa ng Dios sa inyong mga magulang, na sinasabi kay Abraham, At sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng mga angkan sa lupa. Sa inyo unang-una, nang maitindig na ng Dios ang Kanyang Anak na si Jesus, ay sinugo Niya upang kayo’y pagpalain, sa pagtalikod ng bawat isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan.” AGA 47.2
Sa ganito ay ipinangaral ng mga alagad ang pagkabuhay na maguli ni Kristo. Marami sa nakikinig ang naghihintay lamang sa ganitong patotoo, at nang marinig na, ay nanampalataya. Ibinalik sa kanilang alaala ang mga salita ni Kristo, at sila ay tumayong kasama nilang tumanggap ng ebanghelyo. Ang binhing itinanim ng Tagapagligtas ay tumubo at nagbunga. AGA 47.3
Nang sila’y nangagsasalita pa sa bayan, “ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang puno sa templo, at ang mga Saduceo, palibhasa’y totoong nangabagabag sapagkat tinuruan nila ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang pagkabuhay na mag-uli sa mga patay.” AGA 47.4
Matapos mabuhay mag-uli si Kristo, ipinakalat ng mga saserdote ang kasinungalingang ang Kanyang katawan ay ninakaw ng mga alagad habang ang mga guwardiyang Romano ay natutulog. Hindi nakapagtatakang sila ay nanlumo nang marinig si Pedro at Juan na nangangaral sa pagkabuhay mag-uli Niyang kanilang pinaslang. Ang mga Saduceo higit sa lahat ay lubhang nagimbal. Ang kanilang pangunahing doktrina ay nasa panganib, at ang kanilang karangalan ay nakataya. AGA 47.5
Mga bagong hikayat sa pananampalataya ay mabilis na dumami, at ang mga Pariseo at Saduceo ay nagkaisa na kung ang mga bagong gurong ito ay hindi pipigilan, ang kanilang mga impluwensya ay higit na nasa panganib kaysa noong si Jesus ay narito pa sa lupa. Sa gayon, ang kapitan ng templo, sa tulong ng ilang Saduceo, ay hinuli si Pedro at Juan, at ibinilanggo, sapagkat huli na ng araw na iyon na sila ay litisin pa. AGA 47.6
Ang mga kaaway ng mga alagad ay hindi na kailangan pang kum- binsihin tungkol sa pagkabuhay na muli ni Jesus. Ang mga ebidensya ay napakalakas upang isantabi. Gayunman, ay tinigasan nila ang kanilang mga puso, na tumangging magsisi sa kalunos-lunos na kasalanang nagawa sa pagpapatay kay Jesus. Saganang ebidensya tungkol sa katotohanan ng sinalita ng mga alagad na sila ay nangungusap sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay nabigay sa mga pinuno ng Judea, ngunit matigas na nilabanan nila ang katotohanan. Si Kristo ay dumating hindi sa paraang inaasahan nila, gayong sa ilang pagkakataon ay kumbinsido silang Siya ang Anak ng Dios, gayunman ay sinakal nila ang kombiksyong ito, at ipinako Siya sa krus. Sa kahabagan ay nagkaloob pa sa kanila ang Dios ng ebidensya, at ngayon naman ay pagkakataon upang sila ay bumaling sa Kanya. Nagsugo Siya ng mga alagad upang sabihin sa kanilang pinatay nila ang Prinsipe ng buhay, at sa malagim na paratang na ito ay may kasamang panawagan sa pagsisisi. Ngunit panatag sa sariling katuwiran, ang mga gurong Judio ay tumangging tanggapin na ang mga lalaking nagpaparatang sa kanila na nagpapatay kay Jesus ay nagsasalita sa direksyon ng Banal na Espiritu. AGA 47.7
Matatag sa landas ng paglaban kay Kristo, ang bawat pagtanggi ng mga saserdote ay naging dagdag na pampalakas loob upang lumaban pa. Ang kanilang pagiging suwail ay lalong tumindi. Hindi sapagkat hindi sila maaaring sumuko; maaari, ngunit ayaw nila. Hindi sapagkat sila ay nagkasala at dapat ngang mamatay, hindi lamang sapagkat pinatay nila ang Anak ng Dios, na sila ay inihiwalay na sa kaligtasan; kundi sapagkat nagpalakas sila upang lumaban sa Dios. Patuloy na tinanggihan nila ang liwanag, at sinakal ang kombiksyong taglay ng Banal na Espiritu. Ang impluwensyang gumagawa sa mga anak ng pagsuway ay nasa kanila, umaakay sa kanilang abusuhin ang taong sa pamamagitan nila ay gumagawa ang Dios. Ang kasamaan ng kanilang mga intensyon ay umigting pa sa bawat magkakasunod na paglaban sa Dios at sa pabalitang ipinagkatiwala sa mga alagad na ihayag sa kanila. Sa bawat araw, sa kanilang pagtangging magsisi, sinariwa ng mga lider na Judio ang kanilang paghihimagsik, sa paghahanda lamang na anihin ang kanilang inihahasik. AGA 48.1
Ang galit ng Dios ay hindi lamang ibinibigay dahilan sa ayaw magsisi sa mga kasalanang nagawa, kundi sapagkat, sa panawagan ng pagsisisi, ay pinipili pang tumanggi, at inuulit ang mga kasalanan ng paglaban sa liwanag na ipinagkakaloob sa kanila. Kung ang mga lider na Judio ay napasakop lamang sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu na magbigay kombiksyon, sila sana ay napatawad; ngunit sila ay matigas sa hindi pagsuko. Sa katulad na paraan, ang makasalanan, sa patuloy na paglaban, ay naglalagay sa sarili sa dakong hindi na siya maaabot pa ng Banal na Espiritu. AGA 48.2
Kinabukasan matapos mapagaling ang lumpo, sina Anas at Caifas, at mga pangunahin sa templo, ay nagtipon upang litisin ang mga bilanggong dadalhin sa kanila. Sa silid ding iyon at sa harap ng ilang mga taong naroroon, may kahihiyang tinanggihan ni Pedro ang kanyang Panginoon. Ito ay malinaw na nagbalik sa isipan niya nang siya ay maharap na sa paglilitis. Ngayon ay pagkakataon niya upang tubusin ang kanyang kaduwagan. AGA 49.1
Silang naroon at naalaala ang naging bahagi ni Pedro sa paglilitis ng kanyang Panginoon, ay napasigla sa isipang ngayon ay maaari nang matakot si Pedro ng pagkabilanggo o kamatayan. Ngunit ang Pedrong nagkaila kay Jesus sa oras ng Kanyang pinakadakilang pangangailangan ay biglain at umaasa sa sarili, kakaiba sa Pedrong iniharap sa Sanhedrin upang litisin. Mula nang siya ay mahulog siya ay nahikayat na. Hindi na siya mayabang at mapagmataas, kundi maamo at walang pagtitiwala sa sarili. Siya ay puspos ng Banal na Espiritu, at sa tulong ng kapangyarihang ito siya ay may pasyang alisin ang batik ng kanyang pagtalikod sa pamamagitan ng pagpaparangal sa pangalang minsan ay kanyang ikinaila. AGA 49.2
Hanggang noon ay sinikap ng mga saserdoteng huwag banggitin ang pagkapako at pagkabuhay ni Jesus. Ngunit ngayon, upang matupad ang kanilang adhikain, napilitan silang magtanong sa pinaratangan kung paanong ang taong lumpo ay napagaling nila. “Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan, ginawa ninyo ito?” tanong nila. AGA 49.3
May banal na tapang at sa kapangyarihan ng Espiritu ay walang takot na nagpahayag si Pedro: “Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesu-Kristong taga Nasaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na mag-uli sa mga patay, dahil sa Kanya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. Siya ang bato na itinakwil ninyong mga nagtatayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” AGA 49.4
Ang matapang na depensang ito ay nagpagitla sa mga lider na Judio. Inakala nilang ang mga alagad ay matatakot at maguguluhan kapag dinala na sa Sanhedrin. Sa halip, ang mga saksing ito ay nangungusap tulad ng pagsasalita ni Kristo, may kapangyarihang magpatahimik sa mga kaaway. Walang bahid na takot sa tinig ni Pedro sa paghahayag tungkol kay Kristo, “Ito ang batong niwalang kabuluhan ninyong tagapagtayo, na ngayon ay naging panulok na bato.” AGA 50.1
Si Pedro ay gumamit ng mga salitang alam ng mga saserdote. Ang mga propeta ay nagsalita tungkol sa batong itinakwil; at si Kristo na rin, minsan sa harap ng mga saserdote at pinuno, ay naghayag: “Kailanman baga’y hindi ninyo nabasa sa mga Kasulatan, Ang batong itinakwil ng nangagtayo ng gusali, ang siya ring ginawang pangulo sa panulok: ito’y mula sa Panginooon-, at ito’y kagila-gilalas sa harap ng ating mga mata? Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Aalisin sa inyo ang kaharian ng Dios, at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga. At ang mahulog sa ibabaw ng batong ito ay madudurog: datapuwat sinumang kanyang malagpakan, ay pangangalating gaya ng alabok.” Mateo 21:42-44. AGA 50.2
Habang nakikinig ang mga saserdote sa walang takot na pangungusap ng mga alagad, “nakikilala nila sila, na sila ay nakasama ni Jesus.” AGA 50.3
Tungkol sa mga alagad matapos ang pagbabagong anyo ni Kristo, ay nasulat sa pagtatapos ng kahanga-hangang tanawing ito na “wala silang nakita, liban kay Jesus lamang.” Mateo 17:8. “Si Jesus lamang”— sa mga salitang ito ay makikita ang lihim ng buhay at kapangyarihang nagtala ng kasaysayan ng maagang iglesia. Nang unang marinig ng mga alagad ang mga salita ni Kristo, nadama nila ang pangangailangan sa Kanya. Naghanap sila, nasumpungan nila, sila ay sumunod sa Kanya. Kasama sila Niya sa templo, sa hapag kainan, sa kabundukan, sa bukirin. Sila ay mga mag-aaral na kasama ang guro, sa bawat araw ay tumatanggap sa Kanya ng mga liksyong may walang katapusang katotohanan. AGA 50.4
Matapos pumanhik sa langit ang Tagapagligtas, ang pagkadama ng banal na presensya, puspos ng pag-ibig at liwanag, ay nasa kanila pa rin. Ito ay personal na presensya. Si Jesus, na Tagapagligtas, na lumakad at nakipag-usap at nanalanging kasama nila, na nagsalita ng pag-asa at kaginhawahan sa kanilang mga puso, ay kinuha sa langit habang ang pabalita ng kapayapaan ay nasa Kanyang mga labi pa. Sa pagtanggap sa Kanya ng karuwahe ng mga anghel, nadinig nila ang Kanyang mga salita, “Narito, Ako ay sasainyong palagi, hanggang sa katapusan.” Mateo 28:20. Pumanhik Siya sa langit sa anyo ng tao. Alam nilang Siya ay nasa harapan ng trono ng Dios, ang kanilang kaibigan at Tagapagligtas pa rin; na ang Kanyang mga malasakit ay di nagbabago; na sa walang hanggan ay kabilang Siya sa nagdurusang sangkatauhan. Alam nilang Kanyang inihaharap sa Dios ang mga kabutihan ng Kanyang dugo, ipinakikita ang Kanyang nasugatang kamay at paa na alaala ng halagang ibinayad Niya para sa Kanyang mga tinubos; at ang isipang ito ang nagpalakas sa kanila upang tiisin ang kahihiyan sa Kanyang pangalan. Ang kanilang pagkakasanib sa Kanya ay higit na matibay ngayon kaysa nang Siya ay naritong personal sa lupa. Ang liwanag at pag-ibig at kapangyarihan ng nananahang Kristo ay nagningning sa kanila, anupa’t ang taong nagmamasid ay namangha. AGA 50.5
Inilagay ni Kristo ang Kanyang tatak sa mga salita ni Pedro. Katabi ng alagad, bilang saksi, ay nakatayo ang lalaking mahimalang pinagaling. Ang anyo ng taong ito, ilang oras lamang ay lumpo, ngunit ngayon ay naibalik sa lubos na kalusugan, ay nagdagdag bigat sa patotoo ng mga salita ni Pedro. Mga saserdote at pinuno ay natahimik. Hindi nila matanggihan ang mga pangungusap ni Pedro, gayunman ay desidido pa ring patigilin ang pagtuturo ng mga alagad. AGA 51.1
Ang putong na milagro ni Kristo—ang pagbabangon kay Lazaro— ang nagtatak ng kapasiyahan ng mga saserdote na alisin si Jesus sa mundo at ang Kanyang mga kahanga-hangang gawa, na mabilis na sumisira ng kanilang impluwensya sa bayan. Naipako nila Siya; ngunit ngayon ay narito ang isang katibayang hindi nila napigil ang mga paggawa ng milagro sa Kanyang pangalan, o sa paghahayag ng mga katotohanang Kanyang ipinangaral. Ang pagpapagaling na ito ng lumpo at ang pangangaral ng mga alagad ay nagbigay sa Jerusalem ng pagkatigatig at kasiglahan. AGA 51.2
Upang takpan ang kanilang kagulumihanan, iniutos ng mga saserdote at pinuno na ilabas ang mga alagad, upang sila ay makapagsanggunian. Nagkaisa silang walang saysay kung tatanggihan nila ang pagpapagaling sa lumpo. Magalak sana nilang mapagtatakpan ang bagay na ito sa pamamagitan ng kasinungalingan; datapuwat ito ay imposible sapagkat naganap ang pagpapagaling sa ilalim ng sikat ng araw, sa harapan ng maraming tao, at nakarating na sa kaalaman ng libong katao. Nadama nilang ang paggawa ng mga alagad ay dapat sugpuin kung hindi ay magkakaroon ng maraming alagad si Jesus. Ang kanilang kahihiyan ang susunod dito; sapagkat sila ay malalantad na may kasalanan sa pagpatay sa Anak ng Dios. AGA 51.3
Ngunit sa kabila ng kanilang naising wasakin ang mga alagad, hindi naman nila magawa ang higit sa pagbabanta sa mga alagad na sila ay parurusahan kung magpapatuloy pa sa pagsasalita o paggawa sa pangalan ni Jesus. Muling tinawag sa harapan ng Sanhedrin, ang mga alagad ay inutusang huwag nang magsalita pa o magturo sa pangalan ni Jesus. Ngunit sumagot si Pedro at Juan: “Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makining muna sa inyo kaysa Dios, inyong hatulan. Sapagkat hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig.” AGA 52.1
Magalak sanang pinarusahan ng mga saserdote ang mga lalaking ito sa kanilang hindi maldlos na katapatan sa kanilang banal na pagkatawag, ngunit natakot sila sa bayan; “sapagkat lahat ng tao ay lumuwalhatd sa Dios sa mga bagay na nagawa.” Kung kaya’t, sa paulit-ulit na babala at pananakot, ang mga alagad ay pinalaya. AGA 52.2
Habang sina Pedro at Juan ay nakapiit, ang ibang alagad ay nanalanging walang patid, dahilan sa alam nila ang kasamaan ng mga Judio, at nangangamba silang ang kalupitang ipinakita kay Kristo ay maulit. Agad matapos na pakawalan ang mga alagad, ay hinanap nila ang ibang mga alagad at iniulat sa kanila ang bunga ng paglilitis. Gano’n na lamang ang kagalakan ng mga mananampalataya. “Nangagkaisang itaas nila ang kanilang tinig sa Dios, at nangagsabi, Oh Panginoon, Ikaw na gumawa ng langit, at ng lupa, at ng dagat, at ng lahat ng nangasa mga yaon: na sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na Iyong lingkod, ay sinabi Mo, Bakit nangagalit ang mga Gentil, at nagsipaghawak ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan? Nagsitayong handa ang mga hari sa lupa, at ang mga pinuno ay nangagpisan-pisan laban sa Panginoon, at laban sa Kanyang Pinahiran. Sapagkat sa katotohanan sa bayang ito’y laban sa Iyong banal na lingkod na si Jesus, na Siya Mong pinahiran, ang dalawa ni Herod at ni Poncio Pilato, kasama ang mga Gentil, at ng mga bayan ng Israel, ay nangagpisan-pisan, upang gawin ang anumang naitakda na ng Iyong kamay at ng Iyong pasya upang mangyari. AGA 52.3
“At ngayon, Panginoon, tingnan Mo ang kanilang mga banta: at ipagkaloob Mo sa Iyong mga alipin, na salitain ang Iyong salita ng buong katapangan, samantalang Iyong iniuunat ang Iyong kamay upang magpagaling; at upang mangyari nawa ang mga tanda at mga kababalaghan sa pangalan ng Iyong banal na si Jesus.” AGA 53.1
Dumalangin ang mga alagad na higit na kalakasan ay mapasa kanila sa gawain ng ministeryo; sapagkat nakita nila na haharap sila sa mga katulad na kalabang nakaharap ni Kristo nang Siya ay nasa lupa pa. Habang ang nagkakaisang panalangin ay pumapaitaas sa pananampalataya, ang tugon ay dumating. Ang dakong kanilang kinaroroonan ay nayanig, at sila ay muling pinagkalooban ng Banal na Espiritu. May mga pusong puno ng tapang, nagpatuloy sila sa paghahayag ng salita ng Dios sa Jerusalem. “May dakilang kapangyarihang sumaksi ang mga alagad sa pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus,” at pinagpala ng Dios sa kahanga-hangang paraan ang kanilang pagsisikap. AGA 53.2
Ang simulaing tinatayuan ng mga alagad na walang kinatatakutan noong, bilang tugon sa utos na sila ay huwag nang magsalita sa pangalan ni Jesus, kanilang sinabi, “Kung matuwid sa paningin ng Dios na makinig sa inyo kaysa sa Dios, kayo ang humatol,” ay siya ring paninindigan ng mga tagapagtaguyod ng Repormasyon. Nang ang mga prinsipeng Aleman ay nagkatipon sa Diet of Spires noong 1529, iniharap ang utos ng emperador na nagsisildl sa kalagayang relihiyoso, at nagbabawal sa pagkakalat ng lahat ng mga doktrinang reporma. Sa tingin ay mayuyurakan ang pag-asa ng sanlibutan. Tatanggapin ba ng mga prinsipe ang utos na ito? Ang liwanag ba ng ebanghelyo ay ipagkakait sa kanilang nasa kadiliman pa? Mga makapangyarihang isyu para sa sanlibutan ay nakataya. Silang tumanggap ng repormang pananampalataya ay nagtipon, at ang nagkakaisang pasya ay, “Tanggihan natin ang utos na ito. Sa mga bagay ng konsyensya ang mayorya ay walang kapangyarihan.”—Merle D’ Aubigne’, History of the Reform/nation, aklat 13, kabanatang 5. AGA 53.3
Ang simulaing ito ay dapat na matatag nating panghawakan ngayon. Ang bandila ng katotohanan at kalayaang pangrelihiyon na itinaas ng mga nagtatag ng iglesiang ebanghelika at ng mga saksi ng Dios sa mga siglong lumipas ay naisalin na sa ating mga palad. Ang kapanagutan sa dakilang kaloob na ito ay nakasalalay sa kanilang pinagpala ng Dios ng karunungan ng Kanyang salita. Dapat na tanggapin natin ang salitang ito na pinakamataas na otoridad. Dapat nating kilalanin ang pamahalaan ng tao bilang itinatalaga ng Dios, at ituro ang pagsunod dito bilang banal na tungkulin, sa loob ng kanyang lehitimong katayuan. Ngunit kapag ang mga pag-aangkin nito ay laban sa pag-aangkin ng Dios, sa Dios tayo susunod sa halip na sa tao. Ang salita ng Dios-ay dapat makilalang higit na mataas sa lahat ng batas ng tao. Ang “Ganito ang wika ng Panginoon” ay di dapat ilagay sa isang tabi para sa “Ito ang salita ng iglesia” o “Ito ang salita ng estado.” Ang korona ni Kristo ay dapat itaas sa ibabaw ng mga putong ng mga hari sa lupa. AGA 53.4
Hindi tayo hinihilingang labanan ang mga otoridad. Ang ating mga salita, nakasulat man o nakatitik, ay dapat na maingat na isaalangalang, upang hindi tayo malagay sa dakong nakaulat na tayo ay laban sa batas at kaayusan. Hindi tayo dapat magsalita o gumawa ng bagay na walang kabuluhang magsasara ng ating landas. Hahayo tayo sa pangalan ni Kristo, nagbabadya ng katotohanang naipagkatiwala sa atin. Kung tayo ay pagbawalan ng taong gumawa ng gawaing ito, masasabi nating tulad ng mga alagad noon. “Kung matuwid sa paningin ng Dios na kami ay maldnig sa inyo kaysa sa Dios, kayo ang humatol. Sapagkat wala kaming magagawa kundi magsalita ng mga bagay na aming nakita at narinig.” AGA 54.1