Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 19—Ang Pagbabalik sa Canaan
Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 34; 35; 37.
Sa pagtawid sa Jordan, “dumating si Jacob na payapa sa bayan ng Sichem, na nasa lupain ng Canaan.” Genesis 33:18. Ang panalangin ng patriarka sa Betel, na siya ay dalhin ng Dios na payapa sa sarili niyang lupain, ay tinugon. Siya'y nanirahan sa lambak ng Sichem. Dito si Abraham, mahigit ng isang taon ang nakalilipas, unang nanirahan at nagtayo ng una niyang dambana sa Lupang Pangako. Dito ni Jacob “binili ang pitak ng lupa na pinagtayuan ng kanyang tolda, sa kamay ng mga anak ni Hamor, na ama ni Sichem, ng isang daang putol na salapi. At siya'y nagtindig doon ng isang dambana, at tinawag niyang El-elohe-Israel.” (Talatang 19, 20)—“Dios, ang Dios ni Israel.” Tulad ni Abraham, si Jacob ay nagtayo sa tabi ng kanyang tolda ng isang dambana para sa Panginoon, tinatawagan ang mga kaanib ng kanyang sambahayan sa paghahain sa umaga at sa hapon. Dito rin siya humukay ng balon na makalipas ang isang libo at pitong daang taon, ay dumating ang Anak ni Jacob at Tagapagligtas, at sa tabi noon, sa pamamahinga sa kainitan ng katanghaling tapat, Kanyang pinagsabihan ang Kanyang mga namamanghang tagapakinig tungkol sa “balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.” Juan 4:14. MPMP 240.1
Ang paninirahan ni Jacob at ng kanyang mga anak sa Sichem ay nagwakas sa karahasan at pagdanak ng dugo. Ang nag-iisang anak na babae ng sambahayan ay nadala sa kahihiyan at kalungkutan, dalawang kapatid na lalaki ang nasangkot sa kasalanan ng pagpatay, isang bayan ang humantong sa pagkawasak at maramihang pagpatay, sa paghihigand sa kasamaang ginawa ng isang padalos-dalos na kabataan. Ang simula ng humantong sa kakila-kilabot na naging bunga ay ang ginawa ng anak na babae ni Jacob, na lumabas “upang tingnan ang mga anak na babae ng lupaing yaon,” nangahas sa pakikisalamuha sa mga hindi kumikilala sa Dios. Siya na naghahanap ng kasiyahan kasama ng mga walang pagkatakot sa Dios ay inilalagay ang kanyang sarili sa kinaroroonan ni Satanas at nag-aanyaya sa kanya ng mga tukso. MPMP 240.2
Ang mapandayang kalupitan ni Simeon at ni Levi ay pinagalitan; sa ginawa pa nilang iyon sa mga taga Sichem sila ay nakagawa ng isang malaking kasalanan. Maingat nilang inilihim kay Jacob ang kanilang panukala, at ang balita tungkol sa kanilang paghihiganti ay pumuno sa kanya ng takot. Sa sama ng loob sa panlilinlang at karahasan ng kanyang mga anak, ay kanyang sinabi, “Ako'y inyong binagabag, na pinapaging mapagtanim ninyo ako sa mga tumatahan sa lupain:... at akong may kaunting tao, ay magpipisan sila laban sa akin, at ako'y sasaktan nila; at lilipulin ako at ang aking sambahayan.” Subalit ang kalungkutan at pagkamuhi niya sa madugo nilang ginawa ay nahahayag sa kanyang mga pananalita kung saan, halos limampung taon na ang nakalilipas, kanya iyong binanggit, samantalang siya ay nasa banig ng kamatayan sa Ehipto: “Si Simeon at si Levi ay magkapatid; mga armas na marahas ang kanilang mga tabak. Oh kaluluwa ko, huwag kang pumasok sa kanilang payo; sa kanilang kapisanan, ay huwag kang makiisa, kaluwalhatian ko.... Sumpain ang kanilang galit, sapagkat mabagsik.” Genesis 49:5-7. MPMP 241.1
Si Jacob ay nakadama ng dahilan upang magkaroon ng lubhang pagkapahiya. Kalupitan at kasinungalingan ay nahayag sa pagkatao ng dalawa niyang anak. Mayroong mga diyus-diyusan sa kampamento, at nakapasok ang pagsamba sa mga diyus-diyusan maging sa sarili niyang sambahayan. Ano ang gagawin ng Panginoon sa kanila, hindi ba Niya sila iiwan sa kagalitan ng mga kalapit nilang mga bansa? MPMP 241.2
Samantalang si Jacob ay gano'ng nakayuko dahil sa kaguluhan, siya ay inutusan ng Panginoon na maglakbay tungo sa Betel. Ang kaisipan tungkol sa lugar na ito ay nagpaalaala sa patriarka hindi lamang ng kanyang pangitain tungkol sa mga anghel at sa mga pangako ng Dios tungkol sa kanyang habag, kundi pad ng panata na kanyang ginawa doon, na ang Panginoon ang magiging Dios niya. Kanyang ipinasya na bago magtungo sa banal na lugar na iyon ang kanyang sambahayan ay kinakailangang maging malaya sa lahat ng karamihan ng pagsamba sa mga diyus-diyusan. Kung kaya't siya ay nag-utos sa lahat ng naninirahan sa kampamento, “Ihiwalay ninyo ang mga diyos ng iba na nangasa inyo, at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot: at tayo'y magsitindig, at umakyat sa Betel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, at sumaakin sa daan na aking nilakaran.” MPMP 241.3
Puno ng damdaming isinalaysay ni Jacob ang kasaysayan ng una niyang pagtungo sa Betel, nang iwan niya ang tolda ng kanyang ama na mag-isang maglalagalag, sa pagtakas para sa kanyang buhay, at kung paanong ang Panginoon ay napakita sa kanya sa pangitain sa gabi. At samantalang sinasariwa niya ang mga kahanga-hangang pakikitungo ng Dios sa kanya, ang sarili niyang puso ay napalambot, at ang kanya ring mga anak ay nakilos ng isang nakapagpapabagong kapangyarihan; kanyang nakuha ang pinakamabisang paraan upang ihanda sila na sumama sa pagsamba sa Dios sa kanilang pagdating sa Betel. “At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang kakaibang diyos na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.” MPMP 242.1
Ang Dios ay lumikha ng takot sa mga naninirahan sa lupain, upang hindi nila gawing ipaghiganti ang maramihang pagpatay sa Sichem. Ang mga manlalakbay ay nakarating sa Betel na hindi naaano. Dito ay muling napakita ang Dios kay Jacob at sinariwa sa kanya ang pangako ng tipan. “At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipag-usapan sa kanya ng Dios, haliging bato.” MPMP 242.2
Sa Betel, si Jacob ay tinawagan upang tangisan ang pagkamatay ng isa na matagal na naging marangal na kaanib ng sambahayan ng kanyang ama—ang yaya ni Rebecca, si Debora, na sumama kay Rebecca mula sa Mesopotamia hanggang sa lupain ng Canaan. Ang presensya ng matandang ito ay naging napakahalaga kay Jacob kaugnay ng kanyang kabataan, lalong lalo na sa kanyang ina na ang naging pagmamahal sa kanya ay matindi at kagiliw-giliw. Si Debora ay inilibing ng may pagpapahayag ng malaking kalungkutan na ang encina na sa silong noon ay naroon ang pinaglibingan sa kanya ay tinawag na “encina ng pananangis.” Hindi kinakailangang baliwalain na ang ala-ala sa kanyang buhay ng matapat na paglilingkod at ang pananangis para sa kaibigang ito ng sambahayan ay naibilang sa karapat-dapat upang maingatan sa salita ng Dios. MPMP 242.3
Mula sa Betel iyon ay dalawang araw lamang ng paglalakbay patungo sa Hebron, subalit iyon ay naghatid kay Jacob ng mabigat na paghapis sa pagkamatay ni Raquel. Dalawang pitong taon ng paglilingkod alang-alang sa kanya, at dahil sa kanyang pagmamahal ang paglilingkod na iyon ay naging pawang magagaan. Kung paanong ang pagmamahal na iyon ay naging malalim at nananatili, ay nahayag nang makalipas ang mahabang panahon, samantalang si Jacob sa Ehipto ay malapit nang mamatay, at si Jose ay dumating upang dalawin ang kanyang ama, at ang matandang patriarka, sa pagtingin sa sarili niyang nakalipas na buhay, ay nagsabi, “At tungkol sa akin, nang ako'y dumating mula sa Padan, si Raquel ay namatay sa akin sa lupain ng Canaan sa daan, nang kulang pa ng kaunti upang dumating sa Ephrata: at aking inilibing siya roon sa daan ng Ephrata.” Genesis 48:7. Sa pansambahayang kasaysayan ng kanyang mahaba at magulong buhay ang pagkawala lamang ni Raquel ang naalaala. MPMP 242.4
Bago siya namatay si Raquel ay nagsilang ng ikalawang anak na lalaki. Sa kanyang pag-agaw buhay kanya siyang pinangalanang Benoni, “anak sa aking paghihirap.” Subalit tinawag siya ng kanyang amang Benjamin, “anak ng aking kanang kamay,” o “aking lakas.” Si Raquel ay inilibing sa lugar na kanyang kinamatayan, at isang batong pinakaalaala ang itinayo doon. MPMP 243.1
Sa daan patungo sa Ephrata isa pang madilim na krimen ang dumungis sa sambahayan ni Jacob, na naging sanhi upang si Ruben, ang panganay na anak, ay maging di karapat-dapat sa mga karapatan at karangalan ng pagkapanganay. MPMP 243.2
Sa wakas si Jacob ay nakararing sa dulo ng kanyang paglalakbay, “kay Isaac na kanyang ama, sa Mamre,... na siyang Hebron, na doon tumahan si Abraham at si Isaac.” Dito siya ay nanirahan hanggang sa mga huling taon ng buhay ng kanyang ama. Para kay Isaac, may sakit at bulag, ang mabait na mga pagtingin ng anak niya na matagal na nawala ay naging kaaliwan sa mga taon ng kanyang kalungkutan at pagluluksa. MPMP 243.3
Si Jacob at si Esau ay nagtagpo sa banig ng kamatayan ng kanilang ama. Dati ay inaasahan ng mas nakatatandang kapatid ang pagka- kataong ito upang makapaghiganti, subalit ang kanyang damdamin ay nagkaroon ng malaking pagbabago. At si Jacob, na kontento na sa espirituwal na pagpapala ng pagkapanganay, ay iniwan sa mga nakatatandang kapatid ang pagmamana ng kayamanan ng kanilang ama—ang tanging pagpapala na hinangad ni Esau at pinahalagahan. Wala na silang alitan sa isa't isa bunga ng paninibugho o galit, gano'n pa man sila ay naghiwalay. Si Esau ay nagtungo sa malapit sa bundok ng Seir. Ang Dios na mayaman sa pagpapala, ay nagbigay kay Jacob ng mga kayamanan sa lupa, bukod sa nakahihigit na pagpapala na kanyang ninasa. Ang mga pag-aari ng dalawang magkapatid “ay to- toong napakalaki para sa kanila na tumahang magkasama at ang lupain na kanilang pinaglalakbayan ay hindi makaya sila, sapagkat napakarami ang kanilang hayop.” Ang paghihiwalay na ito ay sang- ayon sa panukala ng Dios para kay Jacob. Sapagkat ang magkapatid ay may malaking pagkakaiba tungkol sa pananampalataya na pangre- lihiyon, mas makabubuti para sa kanila ay manahang magkahiwalay. MPMP 243.4
Si Esau at si Jacob ay kapwa naturuan sa pagkilala sa Dios, at kapwa sila malaya upang lumakad sa pagsunod sa Kanyang mga utos upang maging kalugod-lugod sa Kanya; subalit hindi sila parehong nagpasya upang sumunod. Ang dalawang magkapatid ay lumakad sa magkaibang landas, at ang kanilang landas ay patuloy na higit pang magkakalayo. MPMP 244.1
Hindi ayon sa sariling kagustuhan ng Dios ang si Esau ay masarahan sa labas ng pagpapala ng kaligtasan. Ang mga kaloob ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ni Kristo ay walang bayad para sa lahat. Walang pagpili liban sa sariling pagpili sa kapahamakan. Inihayag ng Dios sa Kanyang salita ang mga kundisyon kung paanong ang bawat kaluluwa ay maaaring makabilang sa mga pinili para sa buhay na walang hanggan—ang pagsunod sa Kanyang mga utos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo. Pinili ng Dios ang isang pagkatao na sumasang-ayon sa Kanyang kautusan, at sino mang makaaabot sa pamantayan ng Kanyang kautusan ay makapapasok sa kaharian ng kaluwalhatian. Si Kristo Mismo ay nagsabi, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay.” Juan 3:36. “Hindi ang bawat nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay pa- pasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Mateo 7:21. At sa Apocalipsis ay Kanyang sinabi, “Mapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.” Apocalipsis 22:14. Tungkol sa kaligtasan ng tao sa wakas, ito ang natatanging pagpili na inihahayag sa salita ng Dios. MPMP 244.2
Ang bawat kaluluwa na gagawa para sa sarili niyang kaligtasan na may pagkatakot at panginginig ay pinipili. Pinipili ang nagsusuot ng sandata at makikipagbaka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya. Pinipili yaong nangagpupuyat sa pananalangin, mag- sasaliksik sa mga Kasulatan, at lalayo sa tukso. Pinipili yaong magkakaroon ng pananampalatayang nagpapatuloy, at magiging masunurin sa bawat salita na nagmumula sa bibig ng Dios. Ang mga kaloob ng kaligtasan ay walang bayad para sa lahat; ang mga ibunubunga ng pagtubos ay magiging kasiyahan noong mga sasang- ayon sa mga kundisyon. MPMP 244.3
Tinanggihan ni Esau ang mga pagpapala ng tipan. Kanyang pinahalagahan ang mga bagay sa lupa ng higit sa espirituwal na pagpapala, at kanyang tinanggap yaong kanyang ninanais. Iyon ay sarili niyang pagpili kung kaya siya ay napalayo sa bayan ng Dios. Pinili ni Jacob ang pamana ng pananampalataya. Kanyang sinikap na makamtan iyon sa pamamagitan ng iba't ibang paraan, pandaraya, at kasinungalingan; subalit pinahintulutan ng Panginoon na isagawa ng kanyang kasalanan ang pagtatama noon. Gano'n pa man sa lahat ng mapapait na karanasan niya noong mga huli niyang mga taon, si Jacob ay hindi lumihis sa kanyang layunin ni itinanggi ang kanyang pinili. Natutunan niya na sa pamamagitan ng paggamit ng sariling kakayanan at gawa upang makamtan ang pagpapala, siya ay naki- kipaglaban sa Dios. Mula noong gabing iyon ng pakikipagbuno sa tabi ng Jaboc, si Jacob ay naging isang bagong tao. Ang pagtitiwala sa sarili ay nabunot na. Mula noon ang dating pagiging tuso ay hindi na nakita. Kapalit ng katusuhan at panlilinlang, ang kanyang buhay ay naghayag ng kasimplihan at katotohanan. Natutunan niya ang simpleng pagtitiwala sa Makapangyarihang Bisig, at sa gitna ng pagsubok at paghihirap siya ay yumuko sa mapagpakumbabang pagsuko sa kalooban ng Dios. Ang mababang elemento ng pagkatao ay napuksa ng apoy, ang tunay na ginto ay napino, hanggang sa ang pananampalataya ni Abraham at ni Isaac ay nahayag na hindi nadidiliman kay Jacob. MPMP 245.1
Ang kasalanan ni Jacob, at ang sumunod na mga pangyayari doon, ay hindi nabigo sa paghahatid ng impluwensya para sa masama— isang impluwensyang naghahayag ng mapait na bunga noon sa buhay ng kanyang mga anak. Samantalang ang mga anak na lalaking ito ay nagsisilaki sila ay nagkaroon ng malalang kasalanan. Ang mga bunga ng pagkakaroon ng maraming asawa ay nahayag sa sambahayan. Ang matinding kasamaang ito ay nakahilig sa pagtuyo ng mismong mga bukal ng pag-ibig, at ang impluwensya noon ay nakapagpapahina sa pinakabanal na relasyon. Ang paninibugho ng bawat ina ay nagpa- pait sa ugnayan ng sambahayan, ang mga anak ay lumaking palaaway at nayayamot sa pamamahala, at ang buhay ng ama ay nadiliman ng kaligaligan at kalungkutan. MPMP 245.2
Mayroong isa, na gano'n pa man, ay nagkaroon ng kakaibang pagkatao—ang panganay na anak ni Raquel, si Jose, na ang kakaibang personal na kagandahan ay tila naghahayag ng panloob na kagandahan ng pag-iisip at ng puso. Dalisay, maliksi, at masayahin, ang bata ay naghahayag ng pagiging masikap sa kabutihan at katatagan. Nakikinig siya sa mga sinasabi ng kanyang ama, at iniibig niya ang sumunod sa Dios. Ang mga katangian na sa dakong huli ay makikita sa kanya sa Ehipto—kahinahunan, katapatan, at pagkamakatotohanan—ay naha- hayag na sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Sapagkat ang kanyang ina ay patay na, naging mahigpit ang kanyang pag-ibig sa kanyang ama, at ang puso ni Jacob ay nagkaroon ng pagkakatali sa anak na ito ng kanyang katandaan. “Minahal nga ni Israel si Jose ng higit kaysa lahat niyang anak.” MPMP 246.1
Subalit maging ang pag-ibig na ito ay magiging sanhi ng suliranin at kalungkutan. Naging wala sa lugar ang pagpapahayag ng pag-ibig kay Jose, at ito ay naging sanhi ng paninibugho ng iba niyang mga anak. Samantalang nasasaksihan ni Jose ang masasamang ugali ng kanyang mga kapatid, siya ay lubos na nalungkot; sinubukan niyang tumutol ng mahinahon sa kanila subalit lumikha lamang iyon ng higit pang pagkagalit at pagdaramdam. Hindi niya matiis ang nakikita silang nagkakasala laban sa Dios, kung kaya inihayag niya ang bagay na iyon sa kanyang ama, umaasang ang kanyang awtoridad ay maka- pagbabago sa kanila. MPMP 246.2
Sinikap ni Jacob iwasan ang pagpukaw sa kanilang galit sa pamamagitan ng dahas o kalupitan. Puspos ng damdamin kanyang inihayag ang kanyang kahilingan sa kanyang mga anak, at nakiusap sa kanila na bigyang galang ang mapuputi niyang buhok, at huwag dudungisan ang kanyang pangalan, at higit sa lahat huwag lalapas- tanganin ang Dios sa pamamagitan ng gano'ng pagbabaliwala sa Kanyang mga utos. Nahiya sapagkat ang kanilang kasamaan ay nala- man, ang mga kabataang lalaki ay nagmukhang nagsisisi, subalit kanila lamang pinagtakpan ang tunay nilang nadadama, na lalong pina- pait ng pagkakabunyag na ito. MPMP 246.3
Ang di mahusay na pagkakaloob ng ama kay Jose ng isang mamahaling damit, o tunika, na pangkaraniwang isinusuot ng mga kinikilalang tao, para sa kanila ay tila naging katibayan ng kanyang pagtatangi, at naging sanhi ng kanilang pag-iisip na may layunin siyang baliwalain ang mga mas nakatatanda niyang mga anak upang ipagkaloob ang karapatan ng pagkapanganay sa anak ni Raquel. Ang masama nilang iniisip ay naragdagan pa nang isinaysay sa kanila ng bata ang kanyang napanaginip. “Narito,” ang sabi niya, “tayo'y nagtatali ng mga bigkis ng trigo sa bukid, at, narito, na tumindig ang aking bigkis, at tumuwid din naman at, narito, ang inyong mga bigkis ay napasa palibot at yumukod sa aking bigkis.” MPMP 246.4
“Maghahari ka ba sa amin? o papapanginoon ka sa amin?” ang galit na pahayag ng kanyang mga kapatid sa pagkainggit. MPMP 247.1
Di pa nagtatagal siya ay nagkaroon muli ng isa pang panaginip, na halos gano'n din, na kanya ring isinaysay: “Narito, ang araw at ang buwan at ang labing isang bituin ay yumukod sa akin.” Ang panaginip na ito ay kaagad pinakahulugan din na gaya noong una. Ang ama na naroon din, ay nagsalita sa isang nagsasaway na paraan—“Anong panaginip itong iyong napanaginip? Tunay bang ako at ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay yuyukod sa lupa sa harap mo?” Sa kabila ng kanyang mabibigat na salita, si Jacob ay naniwala na ang Panginoon ay nagpapahayag ng hinaharap ni Jose. MPMP 247.2
Samantalang ang bata ay nakatayo sa harap ng kanyang mga kapatid, ang kanyang kagandahan ay niliwanagan ng Espiritu ng Inspirasyon, hindi mapigil ang kanilang paghanga; subalit hindi nila pinili ang talikuran ang masasama nilang gawain, at kinapootan nila ang kada- lisayang sumusumbat sa kanilang kasalanan. Ang espiritung katulad ng kumikilos kay Cain ay nagsisindi sa kanilang mga puso. MPMP 247.3
Ang mga magkakapatid ay kinakailangang magtungo sa iba't ibang lugar upang makatagpo ng mapagpapastulan sa kanilang mga alagang hayop, at malimit sila ay sama-samang wala sa kanilang tahanan sa loob ng maraming buwan. Matapos ang mga pangyayaring kasasaysay pa lamang, sila ay nagtungo sa lugar na binili ng kanilang ama sa Sichem. llang panahon ang lumipas na walang balitang dumarating tungkol sa kanila, at ang ama ay nagsimulang mag-aalala, dahil sa dati nilang ginawang kalupitan sa mga taga Sichem. Kung kaya't sinugo niya si Jose upang hanapin sila, at hatiran siya ng balita tungkol sa kanilang kalagayan. Kung alam lamang ni Jacob ang tunay na damdamin ng kanyang mga anak kay Jose, di sana'y hindi niya hina- yaang mag-isa lamang siyang ipinagkatiwala sa kanila; subalit ito ay maingat nilang inilihim. MPMP 247.4
Taglay ang isang masayang puso, si Jose ay humiwalay sa kanyang ama. Wala sa kanilang nakababarid kung ano mangyayari bago sila magkitang muli. Nang, makalipas ang kanyang mahaba at nag-iisang paglalakbay, si Jose ay nakarating sa Sichem, ang kanyang mga kapatid at ang kanilang mga alagang hayop ay wala doon. Sa pagtatanong tungkol sa kanila, siya ay itinuro sa Dotan. Siya ay nakapaglakbay na ng limampung milya, at ngayon ay may karagdagan pang labin limang milya sa harap niya, subalit siya ay nagmamadaling nagpatuloy, kinakalimutan ang kanyang kapaguran sa pag-iisip na kanyang mai- ibsan ang pag-aalala ng kanyang ama, at makatatagpo ang kanyang mga kapatid, na, sa kabila ng kanilang di mabuti, ay kanya pa ring minamahal. MPMP 248.1
Nakita siya ng kanyang mga kapatid na dumarating; subalit walang pag-iisip tungkol sa mahaba niyang nilakbay upang sila'y makatagpo, ng kanyang kapaguran at pagkagutom, at kanyang karapatan para sa kanilang pagtanggap at pang-kapatid na pag-ibig, ang makapag- papalambot ng kapaitan ng kanilang galit. Ang pagkakita sa tunika, na naghahayag ng pag-ibig ng kanilang ama, ay pumuno sa kanila ng silakbo ng galit. “Narito, dumarating itong mapanaginipin,” sigaw nila sa pagkutya. Inggit at paghihiganti, na matagal na nilang ikinukub- li, ang ngayon ay kumikilos sa kanila. “Atin siyang patayin,” ang wika nila, “at siya'y ating itapon sa isa sa mga balon, at ating sasabihin, Sinakmal siya ng isang masamang hayop; at ating makikita kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip.” MPMP 248.2
Kanila na sanang isinakatuparan ang kanilang panukala kung hindi dahil kay Ruben. Umurong siya sa pakikilahok sa pagpatay sa kanyang kapatid, at nagmungkahing si Jose ay itapong buhay sa isang balon, at doon ay iwan upang mamatay; palihim na layunin, gano'n pa man, ang iligtas siya at ibalik sa kanyang ama. Sa pagsang-ayon ng lahat sa panukalang ito, si Ruben ay umalis, sa pangamba na baka hindi niya makontrol ang kanyang damdamin, at ang tunay niyang layunin ay mabunyag. MPMP 248.3
Si Jose ay lumapit, di iniisip ang ano mang panganib, at nasisiyahan na ang layunin ng matagal niyang paghahanap ay nasumpungan; subalit sa halip na ang inaasahan niyang pagbati, siya ay natakot sa mga galit at mapaghiganting pagtingin sa kanyang nakita. Siya ay hinawakan at ang kanyang damit ay pinunit mula sa kanya. Mga pag- uyam at pagbabanta ang naghayag ng isang panukala ng pagpatay. MPMP 248.4
Ang kanyang mga pakiusap ay hindi pinakinggan. Siya ay ganap na nasa kapangyarihan ng mga galit na lalaking iyon. Walang awang hinila-hila siya tungo sa isang malalim na balon, at siya'y inihulog nila doon, at sa pagkatiyak na siya'y wala ng ano pa mang paraan upang makatakas mula doon, ay kanilang iniwan siya doon upang mamatay sa gutom, samantalang sila ay “nagsiupo upang kumain ng tinapay.” MPMP 249.1
Subalit ang ilan sa kanila ay hindi mapalagay ng husto; hindi nila madama ang kanilang inaasahang ikasisiya mula sa kanilang pag- hihiganti. Di nagtagal isang grupo ng mga manlalakbay ang nakitang dumarating. Yaon ang isang pangkat ng mga Ismaelita mula sa ibayo ng Jordan, na magtutungo sa Ehipto dala ang kanilang mga kalakal. Ngayon ay iminungkahi ni Juda na ipagbili ang kanilang kapatid sa mga mangangalakal na ito sa halip na siya ay iwanan nila upang mamatay. Samantalang inaalis nila siya sa kanilang mga landas, hindi sila magkakasala ng pagpatay sa kanya; “sapagkat,” ipinilit niya, “siya'y ating kapatid, atin ding laman.” Sa mungkahing ito ang lahat ay sumang-ayon, at si Jose ay mabilis na inalis mula sa balon. MPMP 249.2
Samantalang nakikita niya ang mga mangangalakal ang kakilakilabot na katotohanan ay napasa sa kanya. Ang maging isang alipin ay isang kapalaran na higit pang kinatatakutan kaysa kamatayan. Sa isang hapis na takot siya ay nakiusap sa isa't isa sa kanyang mga kapatid, subalit walang saysay. Ang ilan ay nakilos sa kaawaan subalit sa takot sa pag-uyam ay nanahimik na lamang; nadama ng lahat na huli na ang lahat upang umurong pa. Kung si Jose ay maliligtas, tiyak na iuulat niya sila sa kanilang ama, na hindi palalampasin sa kanilang kalupitan sa paborito niyang anak. Sa pagmamatigas ng kanilang mga puso laban sa kanyang mga pakiusap, ay ibinigay nila siya sa kamay ng mga mangangalakal na di kumikilala sa Dios. Ang grupo ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, at di nagtagal nawala na sa kanilang paningin. MPMP 249.3
Si Ruben ay bumalik sa balon, subalit si Jose ay wala doon. Sa pagkabahala at pagsisisi sa sarili ay pinunit niya ang kanyang damit, at hinanap ang kanyang mga kapatid, na sinasabi, “Wala ang bata; at ako, saan ako paroroon?” Sa pagkabatid ng nangyari kay Jose, na imposible na ngayon ang mabawi pa siya, si Ruben ay napilitang sumangayon sa iba sa pagsisikap na pagtakpan ang kanilang kasalanan. Nagpatay ng isang lalaking kambing, kanilang inilubog ang tunika ni Jose sa dugo noon, at dinala sa kanilang ama, na nagsasabi sa kanya na kanilang nakita iyon sa parang, at kanilang ipinangangamba na iyon ay sa kanilang kapatid. “Kilalanin mo ngayon,” wika nila, “kung tunika ng iyong anak o hindi.” Pinangambahan nila ang mangyayari sa tagpong ito, subalit hindi sila handa sa makabagbag damdaming kalungkutan, ang ganap na pagtakas sa kalungkutan, na napilitang masaksihan nila. “Siya ngang tunika ng aking anak,” wika ni Jacob, “sinakmal siya ng isang masamang hayop; si Jose ay walang pagsalang nilapa.” Walang saysay na sinikap ng kanyang mga anak na siya ay aliwin. “Hinapak ni Jacob ang kanyang mga suot, at kanyang nilagyan ng magaspang na damit ang kanyang mga balakang, at tinangisang maraming araw ang kanyang anak.” Ang panahon ay tila di makapaghahatid ng pagkawala sa kanyang kalungkutan. “Lulusong akong tatangis sa aking anak hanggang sa Sheol,” ang iyak niya sa kawalan ng pag-asa. Sa takot sa kanilang nagawa, ang mga kabataang lalaki ay itinago pa rin sa kanilang mga puso ang kaalaman tungkol sa kanilang kasalanan, na maging sa kanilang mga sarili ay tila napakalaki. MPMP 249.4