Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

76/76

Apendiks

Nota 1. (Pahina 304). Sa utos ng pagpapalaya sa Israel, ang Panginoon ay nagsabi kay Faraon, “Ang Israel ay Aking anak, Aking panganay:... Pahintulutan mong ang Aking anak ay yumaon, upang siya'y makapaglingkod sa Akin.” Exodo 4:22, 23. Ang mang-aawit ay nagsaad sa atin kung bakit iniligtas ng Dios ang Israel mula sa Ehipto: “Kanyang inilabas ang Kaniyang bayan na may kagalakan, at ang Kanyang hirang na may awitan. At ibinigay Niya sa kanila ang mga lupain ng bayan na pinakaari: Upang kanilang maingatan ang kanyang mga palatuntunan, at sundin ang Kanyang mga kautusan.” Awit 105:43-45. Dito'y nalaman nating ang mga Hebreo ay hindi nakapaglingkod sa Dios sa Ehipto. MPMP 901.1

Sa Deuteronomio 5:14, 15 masusumpungan natin ang tanging pagdidiin sa bahagi ng ikaapat na utos na ang mga aliping lalaki at aliping babae ay nagpahinga, at ang Israelita ay pinagwikaan na alala- hanin na siya ay naging alipin sa lupain ng Ehipto. Ang wika ng Panginoon, “Ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalaki ni babae, ni ang iyong aliping lalaki ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalaki at babae ay makapag- pahingang gaya mo. At iyong alalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Ehipto, at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan ng isang makapangyarihang kamay at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo ng Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng Sabbath.” Sa Exodo 5:5 ay ating nalaman na ginawa ni Moises at ni Aaron na “pinapagpahinga sila sa mga atang sa kanila.” MPMP 901.2

Sa ganitong mga bagay ay maari nating sabihing ang Sabbath ay isa sa mga bagay na hindi nila napaglingkuran ang Dios sa Ehipto; at nang si Moises at Aaron ay dumating na may mensahe ng Dios (Exodo 4:29-31), ay sinikap nila ang pagbabago, na nakadagdag lamang sa mga pang-aapi. Ang mga Israelita ay iniligtas upang mai- ngatan ang mga utos ng Panginoon, kabilang ang ikaapat na utos, at ito'y naglagay sa kanila ng karagdagang kapanagutan, upang mahig- pit na ingatan ang lahat ng mga utos. Kaya't sa Deuteronomio 24:17, 18, ang tungkol sa pagkakaligtas sa kanila mula sa Egipto ay binang- git sa paglalagay sa kanila sa ilalim ng tanging kapanagutan na mag- pakita ng kagandahang-loob sa balo at sa walang ama: “Huwag mong ililiko ang matuwid ng taga ibang bayan, ni ng ulila; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing balo: Kundi aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Ehipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon: kaya't iniuutos Ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito.” MPMP 901.3

Nota 2. (Pahina 321). Na ang mga salot ay nangyari upang alisin ang tiwala ng mga Ehipcio sa kapangyarihan at pagsasanggalang ng kanilang diyus-diyusan, at pinalabas na ang mga diyos na ito ay nagpapahirap sa kanilang mananamba, ay makikita sa pag-aaral ng relihiyon ng Egipto. Ang ilang halimbawa ay magpapakita ng bagay na ito. MPMP 902.1

Ang unang salot, ang pagiging dugo ng tubig sa ilog Nilo at lahat ng lagusan ng tubig na naging dugo (Exodo 7:19), ay iniumang laban sa pinagmumulan ng pananatili ng Ehipto. Ang ilog Nilo ay iginaga- lang ng may kabanalan ng relihiyon ng Ehipto, at sa maraming dako ang mga sakripisyo ay isinasagawa sa Nilo tulad ng sa diyos. MPMP 902.2

Ang ikalawang salot ay nagdala ng mga palaka sa buong Ehipto, Exodo 8:6. Ang mga palaka ay sagrado sa mga Ehipcio at isa sa kanilang mga diyos. Si Heka, ay may ulong palaka na diyos na iniisip na nakakalalang. Nang ang mga palaka, sa sanhi ng utos ni Moises, ay dumami ng dumami na anupa't pinuno ang Ehipto mula sa isang dulo hanggang sa kabilang dulo, ang mga Ehipcio ay nagtaka kung bakit sa halip na tulungan sila ni Heka ay pinahihirapan pa sila na sumasamba sa kanya. Sa ganitong paraan, ang mga Ehipcio ay hindi lamang pinarusahan ng ikalawang salot, at sinaksihan din ang pagla- pastangan sa kanila, sa palagay nila, ng isa sa kanilang mga diyos (Exodo 9:3), na marami ang kumakatawan sa makapangyarihang mga diyos ng Ehipcio. Sa pagbanggit lamang ng ilan, ang bakang Apis ay itinalaga kay Ptah, ang ama ng lahat ng mga diyos, ang baka ay sagrado kay Hathor, isa sa mga higit na sinasambang babaeng diyosa ng Nilo, samantalang ang kambing ay kumakatawan sa ilang mga diyos gaya ni Khnemu, at ang may ulong kambing na si Amen, na siyang punong diyos ng Ehipto sa panahon ng Bagong Imperio. Kaya nga, ang sakit na pumatay sa mga hayop na itinalaga sa kanilang mga diyos ay nagpakita sa mga Ehipcio ng pagkawalang kabuluhan ng kanilang mga diyos sa harapan ng Dios ng kinamumuhiang mga Hebreo. MPMP 902.3

Ang ika-siyam na salot (Exodo 10:21) ay nagbigay ng matinding dagok sa isa sa mga dakilang diyos ng Ehipto, ang diyos na araw na si Ra, na nagpapatuloy na sinasamba nang una pang kapanahunan sa kasaysayan ng bansa. Sa isang bansang halos hindi na nakakakita ng alapaap sa himpapawid, ang araw ay kinikilala na hindi nagkukulang ng kapangyarihan na nagbibigay ng init, liwanag, buhay, at paglago sa buong sanlibutan. Bawat haring Ehipcio ay ipinapalagay ang kanyang sariling “anak ni Ra,” at dala ito sa kanyang titulo. Noong si Amen ng Thebes ay naging punong-diyos ng Ehipto nang ikala- bing-walong siglo, ang kapangyarihan ng diyos na araw na si Ra ay kinikilala na napakadakila, na anupa't nagkaroon ng kompromiso na pinagsama ang Amen at Ra upang magkaroon ng isang diyos— Amen-Ra. Makaraan ang ilang taon pagkatapos ng Exodo, nang si Ikhnaton ay ipairal ang isang dalawahang-diyos, ang nanatili lamang na diyos ay si Aton, ang mukha ng araw. Sa pagkakita kung paano kasidhi ang pagsamba sa araw sa relihiyon ng Ehipto, at kung paanong ang diyos na araw na si Ra ay kinilalang dakila, si Amen-Ra, o Aton ay sinasamba, mauunawaan nating ito'y nangyari sa pagtatapos ng labanan sa pagitan ng Dios ng mga Hebreo at ang Kanyang kala- bang Ehipcio. MPMP 903.1

Gayon din ang ikasampung salot, ang pagpatay ng mga panganay (Exodo 12:29), ay pinupuntirya ang isang diyos, at yaon ang hari, na ipinalalagay na si Horus, ang anak ni Osiris. Bilang puno ng bansang Nilo, siya'y tinatawag ng kanyang pinamumunuan na “ang mabuting diyos.” Kaya ang huling salot ay pinutungan ng kapangyarihan ng kapangyarihan ng Dios ng mga Hebreo. Hanggang sa ngayon ang mga diyos na may hawak na kapangyarihan ng kalikasan sa mga Ehipto ay hiniya ng kinamumuhiang Dios ng mga Hebreong alipin, na pinagwikaan minsan ni Faraon ng,“Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang Kanyang tinig, upang pahintulutan kong yumaon ang Israel? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahi- hintulutang yumaon ang Israel.” Exodo 5:2. MPMP 903.2

Nota 3. (Pahina 332). Sa Genesis 15:13 ay mababasa natin na ang Panginoon ay nagsabi kay Abraham, “Tunay na pakatalastasin mo, na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.” Ang talatang ito'y nagbabangon ng tanong kung ang 400 taon ay tumutukoy sa panahon ng kapighatian o pagkaalipin o magkalakip, at kung ano ang kaugnayan ng 400 taon sa 430 taon ng Exodo 12:40, 41, at Galacia 3:16, 17. MPMP 904.1

Ang pangungusap sa Exodo 12:40 na, “ang pakikipamayan nga ng mga anak ni Israel, na ipinakikipamayan nila sa Ehipto, ay apat na raan at tatlong pung taon,” ay nagbibigay ng isipang ang mga Israelita, mula sa pagpasok ni Jacob sa Ehipto hanggang sa Exodo, ay nakagugol ng 430 taon sa bansa ng Nilo. Na ang isipang ito ay hindi wasto ay maliwanag sa kinasihang paliwanag ni Pablo sa Galacia 3:16, 17, na ang 430 taon ay sinasaklaw ang panahon ng pakikipagti- pan ng Dios kay Abraham hanggang ang kautusan ay naganap sa Sinai. Waring tinutukoy ni Pablo ang unang pangako ng Dios kay Abraham nang siya'y tawagin sa Haran. Genesis 12:1-3. Sa pana- hong yaon nagsimula ang 430 taon, nang si Abraham ay 75 taong gulang (kapitulo 12:4), samantalang ang 400 taon ng hula ng Genesis 15:13 ay nagpasimula pagkaraan ng tatlumpung taon, nang si Abraham ay 105 taon at ang kanyang anak na si Isaac ay limang taon (kapitulo 21:5). Sa panahong yaon si Ismael na “ipinanganak ayon sa laman ay nag-usig sa ipinanganak ayon sa Espiritu” (Galacia 4:29; Genesis 21:9-11), na pasimula ng kapighatian ng binhi ni Abraham na magpapatuloy hanggang sa Exodo. Si Isaac ay hindi lamang nagkaroon ng kabagabagan sa kanyang kapatid na si Ismael, kundi gayun din sa mga Filisteo (Genesis 26:15, 20, 21); si Jacob ay itinakas ang kanyang buhay mula kay Esau (Genesis 27:41-43), at mula kay Laban pagkatapos (Genesis 31:21), at pagkatapos ay muling nasa panganib kay Esau (Genesis 32:8); si Jose ay ipinagbili sa pagkaalipin ng kanyang mga kapatid (Genesis 37:28), at ang mga anak ni Israel ay inapi ng mga Ehipcio ng maraming taon (Exodo 1:14). MPMP 904.2

Mula sa pagkatawag kay Abraham hanggang sa pagpasok ni Jacob sa Ehipto ay 215 taon, na siyang kabuuan ng (1) sa pagitan ng dalawampu't limang taon sa pagkatawag kay Abraham at pagkapa- nganak kay Isaac (Genesis 12:4; 21:5), (2) anim na pung taon nama- magitan sa kapanganakan ni Isaac at Jacob (Genesis 25:26), at (3) ang gulang ni Jacob sa panahon ng kanyang pagpasok sa Ehipto (Genesis 47:9). Ito'y nag-iiwan ng 215 taon ng 430 taon ng aktuwal na panahon ng ginugol ng mga Hebreo sa Ehipto. Kaya nga ang 430 taon ng Exodo 12:40 ay nagsasama ng pananatili ng mga patriarka sa Canaan at gayun din sa Ehipto. Mula sa panahon ni Moises, ang Palestina ay bahagi ng imperio ng Ehipto, hindi kataka-taka na ma- sumpungan ang isang may-akda sa panahong yaon na isama ang Canaan sa terminong “Ehipto.” Ang mga tagasalin ng Septuagint, sa pagkaalam na ang 430 taon ay kasama ng pananatili ng mga patriarka sa Canaan, ay idiniin ang puntong ito sa pagsasaad ng: “At ang pananahan ng mga anak ni Israel, samantalang sila'y nananahan sa lupain ng Ehipto at sa lupain ng Canaan, ay apat na raan at tatlumpung taon.” Ang karagdagang pagpapatibay ng pagpapakahulugan ng 430 taon na ibinigay sa itaas ay masusumpungan sa hula na ang ikaapat na lahi ng mga pumasok sa Ehipto ay iiwanan ito (Genesis 15:16), at ang katuparan ay nakatala sa Exodo 6:16-20. MPMP 904.3

Nota 4. (Pahina 373). Ang mga Israelita, sa kanilang pagsamba sa gintong guya, ay nagpanggap na sinasamba nila ang Dios. Kaya nga si Aaron, nang pasimulan ang pagsamba sa diyus-diyusan, ay nag- saad, “Bukas ay isang kapistahan kay Jehova,” Minungkahi nilang sambahin ang Dios, gaya ng pagsamba ng mga Ehipcio kay Osiris, gaya ng kahambing na larawan. Ngunit hindi matatanggap ng Dios ang gayong paglilingkod. Bagaman hinahandog sa Kanyang pangalan, ang araw na diyos, at hindi si Jehova, ang tunay na paksa ng kanilang pagsamba. MPMP 905.1

Ang pagsamba kay Apis ay sinasamahan ng pinakamahalay na gawain at itinatala ng kasulatan na ang pagsamba sa guya ng mga Israelita ay sinasamahan ng anyo ng pagsamba ng mga pagano. Ating mababasa, “At sila'y bumangong maaga nang kinabukasan, at nag- handog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at umi- nom, at tumindig upang magkatuwa, at maglaro.” Exodo 32:6. Ang salitang Hebreong “maglaro” ay taglay ang paglalarong lumulundag, kumakanta at sumasayaw. Ang pagsasayaw tangi na sa mga Ehipcio ay may kalaswaan at mahalay. Ang salitang “kasamaan” sa susunod na talata, na sinasabi, “Ang bayan na Iyong inilabas sa lupain ng Ehipto, ay pinasama ang kanilang sarili,” ay tulad din ng ginamit sa Genesis 6:11, 12, na ating nabasa na ang lupa ay sumama, “sapagkat pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Nagpapaliwanag ito ng masidhing galit ng Dios, at kung bakit ninasa Niyang puksain ang tao kara-karaka. MPMP 905.2

Nota 5. (Pahina 389). Ang Sampung Utos ay siyang mga “tipan” na binabanggit ng Dios nang iminungkahi ang pakikipagtipan sa Israel, Kanyang sinabi, “Kung susundin ninyo ang Aking tinig at iingatan ang Aking tipan,” at iba pa, Exodo 19:5. Ang Sampung Utos ay tinaguriang “tipan” ng Dios bago nagkaroon ng pakikipagtipan sa Israel. Hindi ito mga pakikipagkasundong ginawa sa Israel, kundi bagay na ipinapaganap sa kanila ng Dios. Kaya ang Sampung Utos —Tipan ng Dios—ang siyang naging batayan ng tipan sa pamamagitan Niya at ng Israel. Ang Sampung Utos sa kanyang kabuuan ay “lahat ng mga salitang ito,” na tumutukoy sa tipang ginawa. Tingnan ang Exodo 24:8. MPMP 906.1

Nota 6. (Pahina 418). Kung ang handog sa kasalanan ay ihain para sa saserdote o sa buong kapulungan, ang dugo ay dinadala sa banal na dako at iwiniwisik sa harap ng tabing at inilalagay sa sungay ng ginintuang dambana. Ang taba ay sinusunog sa dambana ng handog na susunugin sa dambana at ang katawan ng handog ay susunugin sa labas ng kampo. Tingnan ang Levitico 4:1-21. MPMP 906.2

Kung magkataon na ang handog ay para sa isang puno o isa sa mamamayan, ang dugo ay hindi inaalis sa banal na dako, ngunit ang laman ay kakanin ng saserdote, gaya ng utos ng Dios kay Moises, “Ang saserdoteng maghandog niyaon dahil sa kasalanan ay kakain niyaon: sa dakong banal kakanin, sa looban ng tabernakulo ng ka- pisanan.” Levitico 6:26. Tingnan rin ang Levitico 4:22-35. MPMP 906.3

Nota 7. (Pahina 432). Na Siyang nagpahayag ng kautusan, na tu- mawag kay Moises sa bundok at nakipag-usap sa kanya, ay ang ating Panginoong Jesu-Kristo na sa pamamagitan Niya ang lahat ng bagay, ay maliwanag sa mga sumusunod na talata: MPMP 906.4

“Ngunit sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa Kanya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa Kanya; at isa lamang Panginoon, si Jesu-Kristo, na sa pamamagitan Niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan Niya.” 1 Corinto 8:6. “Ito yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kanya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin.” Gawa 7:38. Ang Anghel na ito'y Anghel ng pakikisama ng Dios (Isaias 63:9), ang Anghel na kinaroroonan ng pangalan ng dakilang Jehova (Exodo 23:20-23). Ang pangungusap na ito ay tumutukoy sa Anak ng Dios. MPMP 906.5

Muli: Si Kristo ay tinatawag na Salita ng Dios. Juan 1:1-3. Ga- noon ang tawag sa Kanya sapagkat ibinigay ang pahayag sa Kanya sa tao sa lahat ng kapanahunan sa pamamagitan ni Kristo. Ang Kanyang Espiritu ang inspirasyon sa mga propeta. 1 Pedro 1:10, 11. Ipinahayag Siya sa kanila bilang Anghel ni Jehova, ang Kapitan ng hukbo ng Panginoon, si Mikael ang Arkanghel. MPMP 907.1

Nota 8. (Pahina 713). Bumabangon ang katanungan, at ngayon ay pinagtatalunan. Kung ang teokrasya ay mabuti sa panahon ng Israel, bakit hindi ang isang teokrasyang pamahalaan ay magiging kasing- buti sa ating kapanahunan? Ang tugon ay madali: MPMP 907.2

Ang teokrasya ay hango ang kanyang kapangyarihan kapag-daka sa Dios. Ang pamahalaan ng Israel ay tunay na teokrasya. Tunay na yaon ay pamahalaan mula sa Dios. Sa pagliliyab ng halaman, ay inatangan ng Dios si Moises na patnubayan ang Kanyang bayang lumabas sa Ehipto. Sa pamamagitan ng mga tanda at kababalaghan at makapangyarihang milagro na naparami, ay hinango ng Dios ang Israel mula sa Ehipto at pinatnubayan sila sa ilang, at katapus-tapu- san sa Lupang Pangako. Doon ay pinamahalaan sila sa pamamagitan ng mga Hukom “hanggang kay Samuel na propeta,” na sa kanya, nang siya ay bata pa, nagsalita ang Dios, at ipinahayag ng Dios ang Kanyang kalooban. Sa panahon ni Samuel, ang bayan ay nagnasang magkaroon sila ng hari. Ito'y pinahintulutan, at pinili ng Dios si Saul, at pinahiran ni Samuel siyang hari ng Israel. Binigo ni Saul na sundin ang kalooban ng Dios, at sa pagtanggi niya sa salita ng Dios, ay itinakwil siya ng Dios sa pagiging hari at sinugo si Samuel upang pahiran si David na hari ng Israel; at natatag ng Dios ang trono ni David magpakailanman. Nang si Salomon ay humalili sa kaharian na kahalili ni David na kanyang ama, nakaulat: “Nang magkagayo'y naupo si Salomon sa luklukan ng Panginoon na pinaka hari na kahalili ni David na kanyang ama.” 1 Cronica 29:23. Ang trono ni David ay trono ng Panginoon, at si Salomon ay lumuklok sa trono ng Panginoon na bilang hari ng kaharian ng Dios sa lupa. Ang pagka- kasunod mula sa trono ni David papunta kay Zedekias na napailalim sa hari ng Babilonia, at siyang pumasok sa pakikipagtipan sa harap ng Dios na may katapatan na nagbibigay ng paglilingkod sa hari ng Babilonia. Nguni't sinira ni Zedekias ang kasunduan at sinabi ng Dios sa kanya: MPMP 907.3

“Ikaw, oh masama na nasugatan ng ikamamatay, na prinsipe sa Israel, na ang kaarawan ay dumating, sa panahon ng parusang pinakawakas; Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ilapag mo ang tiara, at alisin mo ang putong; ito'y hindi na mangyayari pa uli; itaas mo ang mababa at ibaba mo ang mataas. Aking ititiwarik, ititiwarik, ititiwarik: ito rin nama'y hindi na mangyayari uli, hanggang sa dumating yaong may matuwid ng Kanya; at aking ibibigay sa Kanya.” Ezekiel 21:25-27. Tingnan rin ang Kapitulo 17:1-21. MPMP 908.1

Ang kaharian ay napailalim sa Babilonia. Nang lumagpak ang Babilonia, at humalili ang Medo-Persia, ito'y bumagsak sa unang pagkakataon. Nang bumagsak ang Medo-Persia at hinalinhan ng Gresia, ito'y muling bumagsak na ikalawa. Nang magbigay daan ang Imperyo ng Gresia sa Roma, ay bumagsak sa ikatlo. At pagkatapos ay sinabi ng salita, “Ito'y mawawala na, hanggang Siyang may kara- patan ay dumating, at ibibigay Ko sa Kanya.” Sino Siya na may karapatan? “Tatawagin mo ang Kanyang pangalang Jesus. Siya'y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataastasan: at sa Kanya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na Kanyang ama: at Siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang Kanyang kaharian.” Lucas 1:31-33. At sa- mantalang Siya'y naririto bilang “isang Propeta,” Anak ng kalum- bayan at sanay sa kapighatian, nang gabing Siya'y ipagkanulo, Siya rin sa Sarili ang nagpahayag, “Ang Aking kaharian ay hindi sa sanli- butang ito.” Kaya ang trono ng Panginoon ay inalis sa sanlibutang ito at “mawawala na, hanggang Siyang may karapatan ay dumating,” at ito'y ibibigay sa Kanya. At ang panahong yaon ay ang katapusan ng sanlibutan, at ang pasimula ng “sanlibutang darating.” MPMP 908.2

Sa labindalawang alagad ay sinabi ng Tagapagligtas, “Kayo'y ini- halal Kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa Akin ng Aking Ama, upang kayo'y magsikain at magsiinom sa Aking dulang sa kaharian Ko; at kayo'y magsisiupo sa mga luklukan, na inyong huhukuman ang labingdalawang angkan ni Israel.” Lucas 22:29, 30. Sa ulat ni Mateo sa pangako ni Kristo sa labindalawa, naunawaan nating ito'y matutupad: “Sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng Kanyang kaluwalhatian, kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.” Mateo 19:28. Sa talinghaga ng mga talento si Kristo ay sinasagisagan ang Kanyang sarili na isang mahal na tao na “naparoon sa isang malayong lupain, upang tumanggap ng isang kaharian ukol sa Kanyang sarili, at magbalik.” Lucas 19:12. At Siya rin ang nagsabi kung kailan Siya luluklok sa Kanyang kaluwalhatian: “Pagparito ng Anak ng tao na nasa Kanyang kaluwalhatian, na kasama Niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok Siya sa luklukan ng Kanyang kaluwalhatian: At titipunin sa harap Niya ang lahat ng mga bansa.” Mateo 25:31,32. MPMP 908.3

Sa panahong ito ang revelador ay tumitingin sa hinaharap nang kanyang sabihin, “Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Kristo: at Siya'y maghahari magpakailan pa man.” Apocalipsis 11:15. Ang kaugnay na talata ay malinaw na tumutukoy kung kailan ito mangyayari: “nangagalit ang mga bansa, at dumating ang Iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa Iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa Iyong pangalan, maliit at malalaki; at upang ipahamak Mo ang mga nagpapahamak ng lupa.” Talatang 18. Ito ang panahon ng huling paghuhukom, ang gantingpala ng mga matuwid, at ang parusa ng masama na ang kaharian ni Kristo ay itatayo. Kung ang lahat ng sumalungat sa pamamahala ni Kristo ay malipol, ang kaharian ng lupang ito ay magiging kaharian ng Panginoon at ni Kristo. MPMP 909.1

Kung gayon si Kristo ang maghahari, “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.” Apocalipsis 19:16. “At ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, magbibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastasan.” At “ang mga banal ng Kataastasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y mag- pakailan-kailan man.” Daniel 7:27, 18. MPMP 909.2

Hanggang sa panahong yaon ang kaharian ni Kristo ay hindi mai- tatatag sa lupang ito. Ang Kanyang kaharian ay hindi sa lupang ito. Ang Kanyang mga taga-sunod ay magsusulit sa kanilang sarili “taga- ibang bayan at manglalakbay sa lupa.” Wika ni Pablo, “Ang ating pagkamamamayan ay nasa langit, mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Kristo.” Hebreo 11:13; Filipos 3:20. MPMP 910.1

Samantalang ang kaharian ng Israel ay lumipas na, hindi kailan- man ibinigay ng Dios ang karapatan sa kaninumang tao ni kalipunan ng mga tao na isagawa ang Kanyang batas. “Akin ang paghihiganti; Ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Roma 12:19. Ang pamahalaang sibil ang may kinalaman sa kaugnayan ng tao sa tao, nguni't wala silang anumang kinalaman sa tungkulin na bumabangon sa kaugnayan ng tao sa Dios. MPMP 910.2

Maliban sa kaharian ng Israel, walang pamahalaang sumipot sa lupa na ang Dios sa pamamagitan ng mga kinasihang mga tao na nagpalakad ng pamahalaan. Sa panahong may mga taong sinikap na magtayo ng pamahalaang tulad ng Israel, ay kanilang kinuha sa kanilang sarili, na isalin sa kanilang sarili ang pagsunod sa kautusan ng Dios. Kinuha nila ang karapatan na saklawin ang konsyensya, at sa gayon inari ang kagustuhan ng Dios. MPMP 910.3

Sa huling pagsasala ng kasalanan, samantalang ang kasalanang laban sa Dios ay dinadalaw ng pansamantalang kaparusahan, ang hatol na iginagawad ay hindi lamang sa banal na kapahintulutan kundi sa Kanyang sariling kautusan. Ang mga mangkukulam ay kailangang patayin. Ang nangangalunya ay gayon din. Ang paglapastangan sa banal na bagay ay kailangang patayin. Mga buong bansang may mga diyus-diyusan ay kailangang lipulin. Ngunit ang pagsasagawa ng mga kaparusahang ito ay Siya ang nag-uutos, na nababasa ang puso ng mga tao, na nalalaman ang sukat ng kanilang kasalanan, at Siyang nakikitungo sa Kanyang nilalang na may karunungan at kahabagan. Kung ang tao, na may kahinaan at pagnanasa, ay sikaping gawin ang gayong gawain, hindi kailangan ang argumento upang ipakita ang pintong nakabukas sa walang pagpigil na pagkawalang katarungan at kalupitan. Ang pinakamasama at hindi makataong kasalanan ay maga- ganap at lahat ng mga ito ay sa banal na pangalan ni Kristo. MPMP 910.4

Sa mga batas ng Israel na nagpaparusa ng kasalanang laban sa Dios, ang mga argumento ay iniharap upang patunayan ang tungkulin ng pagpaparusa sa gayong kasalanan sa ating kapanahunan. Lahat ng taga-usig ay isinasagawa ito upang bigyang katuwiran ang kanilang gawa. Ang alituntunin ng Dios ay ibinigay sa tao ang karapatang supilin ang konsyensya ay siyang saligan ng kataksilan ng relihiyon at pag-uusig. Ngunit ang lahat ng nangangatuwiran ng gayon ay hindi nakikita ang bagay na tayo ay nabubuhay ngayon sa ibang kapama- halaan, na higit na naiiba sa panahon ng Israel; na ang kaharian ng Israel ay isang uri ng kaharian ni Kristo, na hindi maitatatag hanggang sa Kanyang ikalawang pagparito; at ang tungkulin na nauukol sa Kanyang kaugnayan sa Dios ay hindi dapat gampanan o isagawa ng kapangyarihan ng tao. MPMP 910.5

Nota 9. (Pahina 720). Tungkol sa pagkilala sa Ramah ni Samuel sa Ramah ni Benjamin, sinaad ni Dr. Edersheim: “Ang dalawang pun- tong ito ay waring matatag: Ang tahanan ni Saul ay sa Gibeah, at una niyang natagpuan si Samuel sa Ramah. Ngunit kung gayon, halos hindi makapangyayari, dahil sa 1 Samuel 10:2, sa pagkilala ng Ramah ni Samuel sa Ramah ni Benjamin, o ipalagay ito na moder- nong Neby Samuel, apat na milya sa hilagang kanluran ng Jerusalem.” MPMP 911.1