Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Kabanata 65—Ang Kagandahang-loob ni David
Ang kabanatang ito ay batay sa 1 Samuel 22:20- 23; 23 hanggang 27.
Makalipas ang napakalupit na pagpatay sa mga saserdote ng Panginoon, “isa sa mga anak ni Ahimelech na anak ni Ahitob na nagngangalang Abiathar ay tumanan, at tumakas na sumunod kay David. At isinaysay ni Abiathar kay David na pinatay na ni Saul ang mga saserdote ng Panginoon. At sinabi ni David kay Abiathar, Ta- lastas ko nang araw na yaon na si Doeg na Idumeo ay naroon, na kanyang mnay na sasaysayin kay Saul: ako'y naging kadahilanan ng kamatayan ng lahat ng mga tao sa sambahayan ng iyong ama. Matira kang kasama ko, huwag kang matakot; sapagkat siya na umuusig ng aking buhay ay umuusig ng iyong buhay: sapagkat kasama kita ay maliligtas ka.” MPMP 784.1
Hinahabol pa rin ng hari, si David ay walang masumpungang lugar na may kapahingahan o kaligtasan. Sa Keila iniligtas ng kanyang matapang na grupo ang bayan mula sa pananakop ng mga Filisteo, subalit hindi sila ligtas doon, maging sa kalagitnaan ng bayan na kanilang iniligtas. Mula sa Keila sila ay nagtungo sa ilang ng Ziph. MPMP 784.2
Sa panahong ito, na lubhang kakaunti lamang ang naliliwanagang dako sa landas ni David, siya ay pinagalak na magkaroon ng hindi inaasahang pagdalaw ni Jonathan, na nakaalam kung saan siya nagkukubli. Mahahalaga ang mga sandaling ginugol ng dalawang magkaibigang ito samantalang sila ay magkasama. Isinalaysay nila ang iba't ibang mga karanasan nila, at pinasigla ni Jonathan ang puso ni David, na sinabi, “Huwag kang matakot: sapagkat hindi ka masusumpungan ng kamay ni Saul na along ama; at ikaw ay magiging hari sa Israel, at ako'y magiging pangalawa mo; at nalalamang gayon ni Saul na aking ama.” Samantalang kanilang pinag-uusapan ang mga kahangahangang pakikitungo ng Dios kay David, ang hinahabol na pugante ay lubhang napasigla. “At silang dalawa ay nagti- panan sa harap ng Panginoon: at si David ay tumahan sa gubat, at si Jonathan ay umuwi sa kanyang bahay.” MPMP 784.3
Makalipas ang pagdalaw ni Jonathan, pinasigla ni David ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng mga awit ng pagpuri, sinasabayan ang kanyang tinig ng kanyang alpa samantalang siya'y umaawit ng: MPMP 785.1
“Sa Panginoon ay nanganganlong ako:
Ano't inyong sasabihin sa aking kaluluwa,
Tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok?
Sapagkat narito, binalantok ng masama ang busog,
Kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting,
Upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso.
Kung ang mga patibayan ay masira,
Anong magagawa ng matuwid?
Ang Panginoon ay nasa Kanyang banal na templo,
Ang Panginoon, ang Kanyang luklukan ay nasa langit;
Ang kanyang mga mata ay nagmamalas, ang kanyang mga talukap
mata ay nagmamasid sa mga anak ng mga tao.
Sinusubok ng Panginoon ang matuwid;
Ngunit ang masama at ang umiibig ng pangdadahas
ay kinapopootan ng kanyang kaluluwa.” Mga Awit 11:1-5.
MPMP 785.2
Ang mga Zipheo, na sa kanilang mga rehiyon si David ay nagtungo mula sa Keila, ay nagpasabi kay Saul sa Gabaa na alam nila kung saan nagtatago si David, at kanilang ituturo sa hari ang kanyang kinaro- roonan. Subalit si David, nang mababalaan tungkol sa kanilang mga panukala, ay lumipat sa ibang kalalagyan, na humanap ng mapagtata- guan sa mga bundok sa pagitan ng Maon at ng Patay na Dagat. MPMP 785.3
At muli ang pahayag ay pinarating kay Saul, “Narito, si David ay nasa ilang ng En-gaddi. Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalaki sa buong Israel, at yumaong inusig si David at ang kanyang mga lalaki sa mga bundok ng maiilap na kambing.” Si David ay mayroon lamang kasamang anim na raang mga lalaki, samantalang si Saul ay sasalakay laban sa kanya na may isang hukbo na may tatlong libo. Sa isang nakakubling yungib ang anak ni Isai at ang kanyang mga lalaki ay naghintay sa pagpatnubay ng Dios kung ano ang dapat gawin. Samantalang si Saul ay pumapanhik sa mga bundok, siya ay lumihis, at pumasok na mag-isa, sa yungib na pinag- tataguan ni David at ng kanyang grupo. Nang ito ay makita ng mga lalaki ni David iginiit nila sa kanilang pinuno na patayin si Saul. Ang katotohanan na ngayon ang hari ay nasa kanilang kapangyarihan na ay iniisip nila na isang malinaw na katibayan na ibinigay mismo ng Dios ang kanilang kaaway sa kanilang kamay, upang kanilang ma- patay siya. Si David ay tinuksong panghawakan ang ganitong pana- naw sa bagay na iyon; subalit ang tinig ng konsensya ay nagsalita sa kanya, na nagsasabi, “Huwag mong galawin ang pinahiran ng langis ng Panginoon.” MPMP 785.4
Ang mga lalaki ni David ay hindi pa rin makapayag na iwanan si Saul na mapayapa, ipinaalala nila sa kanilang pinuno ang mga salita ng Dios, “Narito, aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, at iyong gagawin sa kanya kung ano ang mabutihin mo. Nang magkagayo'y tumindig si David at pinutol na lihim ang laylayan ng balabal ni Saul.” Ngunit makalipas iyon ay sinaktan siya ng kanyang konsensya, sapagkat sinira niya ang kasuutan ng hari. MPMP 786.1
Si Saul ay tumindig at lumabas mula yungib upang ipagpatuloy ang kanyang paghahanap, nang isang tinig ang kanyang narinig na nagpamangha sa kanyang mga mata, na nagsasabi, “Panginoon ko na hari.” Siya ay lumingon upang tingnan kung sino ang nagsasalita sa kanya, at kanyang nakita! iyon ay ang anak ni Isai, ang lalaki na matagal na niyang ninanasang mapasa ilalim ng kanyang kapangyarihan upang kanyang mapatay. Si David ay yumuko sa hari, kinikilala siya bilang kanyang panginoon. Nang magkagayon ay nagsalita siya kay Saul ng ganitong mga pananalita “Bakit ka nakikinig sa mga salita ng mga tao, na nagsasabi, Narito, pinagsisikapan kang saktan ni David? Narito, nakita ngayon ng iyong mga mata kung paanong ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay laban sa aking Panginoon; sapagkat siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon. Bukod dito'y iyong tingnan, ama ko, oo, tingnan mo ang laylayan ng iyong balabal sa aking kamay sapagkat sa pagputol ko ng laylayan ng iyong balabal ay hindi kita pinatay, talastasin mo at tingnan mo na wala kahit kasamaan o pagsalangsang man sa aking kamay, at hindi ako nagkasala laban sa iyo, bagaman iyong pinag-uusig ang aking kaluluwa upang kunin.” MPMP 786.2
Nang marinig ni Saul ang pananalita ni David siya ay nanliit at walang ibang magawa kundi tanggapin ang katotohanan noon. Ang kanyang kalooban ay lubhang nakilos nang kanyang mabatid kung paanong siya ay lubos nang napailalim sa kapangyarihan ng lalaki na sinisikap niyang patayin. Si David ay tumindig sa harap niya na batid ang kawalan ng pagkakasala. May napalambot na espiritu, si Saul ay biglang nagsalita, “Ito ba ang iyong tinig, anak kong David? At inilakas ni Saul ang kanyang tinig, at umiyak.” At kanyang sinabi kay David, “Ikaw ay lalong matuwid kaysa akin: sapagkat ikaw ay gu- manti sa akin ng mabuti, samantalang ikaw ay aking ginantihan ng kasamaan.... Sapagkat kung masumpungan ng isang tao ang kanyang kaaway, pababayaan ba niyang yumaong mabuti? Kaya't gantihan ka nawa ng Panginoon ng mabuti dahil sa iyong ginawa sa akin sa araw na ito. At ngayo'y narito, talastas ko na ikaw ay tunay na magiging hari, at ang kaharian ng Israel ay matatatag sa iyong kamay.” At si David ay nakipagtipan kay Saul na kung iyon ay maganap kanyang pakikitunguhan ng mabuti ang sambahayan ni Saul, at hindi papawiin ang kanyang pangalan. MPMP 786.3
Batid ang ginawa ni Saul sa nakalipas, si David ay hindi maaaring magtiwala sa paniniyak ng hari, ni makaasa na ang nagsisisi niyang kalagayan ay matagal na magpapatuloy. Kaya't nang si Saul ay umuwi sa kanyang tahanan si David ay nanatili sa matibay na mga tanggulan sa mga bundok. MPMP 787.1
Ang pagkagalit laban sa mga lingkod ng Dios na iniibig noong mga sumasang-ayon sa kapangyarihan ni Satanas ay napapalitan paminsan-minsan ng pagkadama ng pakikipagkasundo at kaluguran, subalit ang pagpapalit na iyon ay hindi palaging napapatunayang tumatagal. Matapos na ang mga taong may masamang pag-iisip ay makagawa at makapagsalita ng masasamang mga bagay sa mga lingkod ng Panginoon, ang pagkabatid na sila ay nakagawa ng pagkakamali minsan ay natatanim ng malalim sa kanilang isip. Ang Espiritu ng Panginoon ay nakikipagpunyagi sa kanila, at kanilang pinagpapa- kumbaba ang kanilang mga puso sa harap ng Dios, at sa harap noong ang impluwensya ay sinisikap nilang kitilin, at maaaring mag- bago ang kanilang pakikitungo sa kanila. Subalit sa muling kanilang tanggapin ang mga mungkahi ng isang masama, ang dating pagdududa ay nagpapanibagong sigla, ang dating pagkagalit ay napupukaw, at sila'y bumabalik sa dating gawain na kanilang pinagsisisihan. Muli silang nagsasalita ng masama, nagpaparatang at nanunuligsa sa pinakamapait na paraan doon mismo sa kanilang pinagpahayagan ng kanilang pinakamapagpakumbabang pagpapahayag. Maaaring ma- gamit ni Satanas na may higit na kapangyarihan ang mga gano'ng kaluluwa kapag ang gano'n ang nangyari kaysa sa dati, sapagkat sila'y nagkakasala sa ibayo pang liwanag. MPMP 787.2
“At namatay si Samuel; at nagpipisan ang buong Israel, at tinag- huyan siya, at inilibing siya sa kanyang bahay sa Rama.” Ang pag- kamatay ni Samuel ay itinuring sa Israel na isang hindi na maaaring maibalik na pagkawala. Isang dakila at mabuting propeta at isang tanyag na hukom ang nahulog sa kamatayan, at ang kalungkutan ng bayan ay malalim at nadadama ng puso. Mula sa kanyang pagkabata patuloy si Samuel na lumakad sa harap ng Israel sa katapatan ng kanyang puso; bagaman si Saul ay kinilalang hari, si Samuel ay nagkaroon ng ibayong makapangyarihang impluwensya kay Saul, sapagkat ang kanyang tala ay isang may katapatan, pagkamasunurin, at pagtatalaga. Mababasa natin na siya ay naging hukom sa Israel ng buong buhay niya. MPMP 787.3
Samantalang pinaghahambing ng bayan ang landas ni Saul at ni Samuel, nakita nila ang kanilang pagkakamali sa pagnanasa ng isang hari upang sila'y huwag maiba sa mga bansa sa palibot nila. Marami ang tumingin na may pagkabahala sa kalagayan ng lipunan, na mabilis na nahahaluan ng kawalan ng pagka maka-Dios at kawalan ng kabanalan. Ang halimbawa ng kanilang hari ay lumilikha ng isang laganap na impluwensya, at angkop lamang na ang Israel ay mag- dalamhati na si Samuel, ang propeta ng Panginoon, ay patay na. MPMP 788.1
Nawala sa bayan ang tagapagtatag at pangulo ng mga banal na paaralan, subalit hindi lamang iyon. Nawala siya na nakasanayan ng mga taong puntahan dala ang kanilang malalaking mga suliranin— nawala ang isa na walang patid na namamagitan sa Dios alang-alang sa pinakamabuting kapakanan ng bayan. Ang mga pagdalangin ni Samuel ay nagbigay ng pagkadama ng kaligtasan; sapagkat “malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.” Santiago 5:16. Nadama ngayon ng mga taong bayan na sila'y itinatakwil ng Dios. Ang hari ay kaunti na lamang ay sira na ang ulo. Ang katarungan ay naging masama. Ang kaayusan ay pinalitan ng pagkakagulo. MPMP 788.2
Ang bayan noon ay pinahihirapan ng panloob na paglalabanan, nang ang tahimik, at may pagkatakot sa Dios na mga payo ay tila kailangang kailangan, na binigyan ng Dios ang kanyang matandang lingkod ng kapahingahan. Mapait ang naging pagmumuni-muni ng mga taong bayan samantalang kanilang pinagmamasdan ang kanyang matahimik na pahingahang dako, at inaalala ang kanilang kahangalan sa pagtanggi sa kanya bilang kanilang pinuno; sapagkat nagkaroon siya ng gano'n na lamang kalapit na pakikipag-ugnayan sa Langit na tila kanyang binibigkis ang buong Israel sa trono ni Jehova. Si Samuel ang nagturo sa kanila na magmahal at sumunod sa Dios; subalit ngayong siya ay patay na, nadama ng mga taong bayan na sila'y naiwan na sa kahabagan ng isang hari na napalakip kay Satanas, at magpapahiwalay sa taong bayan mula sa Dios at sa Langit. MPMP 788.3
Si David ay hindi maaaring makadalo sa paglilibing kay Samuel, napighati siya ng lubos at may pagmamahal na tulad sa isang tapat na anak na napipighati sa isang iniibig na ama. Alam niya na ang pag- kamatay ni Samuel ay kumitil sa isa pang nakapipigil sa mga gina- gawa ni Saul, at nakadama siya ng higit na kakaunting kaligtasan kaysa na ng ang propeta ay nabubuhay pa. Samantalang ang buong pansin ni Saul ay nasa pagtangis sa pagkamatay ni Samuel, sinaman- tala ni David ang pagkakataon upang magtungo sa isang dako na may higit na kaligtasan; kaya't siya ay tumakas tungo sa ilang ng Paran. Dito niya kinatha ang ika-isang daan at dalawampu at ika dalawampu't isang mga awit. Sa malungkot na kasukalang ito, batid na ang propeta ay patay na, at ang hari ay kanyang kaaway, ay kanyang inawit: MPMP 789.1
“Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon,
Na gumawa ng langit at ng lupa.
Hindi Niya titiising ang paa mo'y makilos:
Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi iidlip:
Narito, siyang nag-iingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man....
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan:
Kanyang iingatan ang iyong kaluluwa.
Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok
Mula sa panahong ito at sa magpakailan man.” Mga Awit 121:2-8.
MPMP 789.2
Samantalang si David at ang kanyang mga tauhan ay nasa ilang ng Paran, iningatan nila mula sa pamiminsala ng mga magnanakaw ng mga tupa at mga kambing ng isang mayamang lalaki na ang panga- lan ay Nabal, na mayroong malawak na kayamanan sa rehiyong iyon. Si Nabal ay isang inanak ni Caleb, subalit ang kanyang pagkatao ay bastos at kuripot. MPMP 789.3
Panahon noon ng paggugupit ng balahibo ng tupa, panahon ng pagiging mapagtanggap. Si David at ang kanyang mga tauhan ay nasa lubhang pangangailangan ng mga pagkain; at ayon sa kaugalian noong mga panahong iyon, ang anak ni Isai ay nagsugo ng sampung mga kabataang lalaki tungo kay Nabal, pinag-utusan silang batiin siya sa ngalan ng kanilang panginoon; at kanyang idinagdag: “Ganito ang sasabihin ninyo sa kanya na nabubuhay na maginhawa, kapaya- paan nawa ang sumaiyo, at kapayapaan nawa ang sumaiyong sam- bahayan, at kapayapaan nawa ang suma lahat ng iyong tinatangkilik. At ngayo'y aking narinig na ikaw ay nagpapagupit ng balahibo ng tupa; at ang iyong mga pastor nga ay nasa sa amin, at hindi namin inano sila, o nagkulang man ng anomang bagay sa kanilang buong panahon na kanilang ikinaroon sa Carmelo*. Tanungin mo ang iyong mga bataan at kanilang sasaysayin sa iyo: kaya't makasumpong nawa ng biyaya sa iyong mga mata ang mga bataan; sapagkat kami ay naparito sa mabuting araw: isinasamo ko sa iyo, na ibigay mo ang anomang masumpungan mo sa iyong kamay, sa iyong mga lingkod, at sa iyong anak na kay David.” MPMP 789.4
Si David at ang kanyang mga tauhan ay naging tulad sa isang bakod na tagapag-ingat sa mga pastor at mga kawan ni Nabal; at ngayon ang mayaman na lalaking ito ay hinihilingang magbigay inula sa kanyang kasaganahan ng ilang tulong para sa mga panganga- ilangan noong mga nakagawa sa kanya ng ganon kalaking pagliling- kod. Si David at ang kanyang mga tauhan ang maaari sanang kumu- ha na lamang mula sa mga tupa at mga kambing, subalit hindi nila ginawa iyon. Kumilos sila sa isang tapat na paraan. Ang kanilang kagandahang-loob ay bale wala kay Nabal. Ang sagot na ipinabalik niya kay David ay nagpapahayag ng kanyang pagkatao: “Sino si David? at sino ang anak ni Isai? maraming mga bataan ngayon sa mga araw na ito na nagsisilayas bawat isa sa kanyang panginoon. Akin nga bang kukunin ang aking tinapay at ang aking tubig, at ang aking hayop na aking pinatay dahil sa aking mga manggugupit, at aking ibibigay sa mga tao na hindi ko nakikilala kung taga saan?” Nang ang mga kabataang mga lalaki ay nagsibalik na walang dala at isinaysay ang pangyayari kay David, siya ay napuno ng galit. Ipi- nag-utos niya sa kanyang mga tauhan para sa isang pakikipagsagupaan; sapagkat kanyang ipinagpasyang parusahan ang lalaki na nagkait sa kanya ng kanyang karapatan, at nang-insulto pa. Ang padalus-dalos na pagkilos na ito ay higit na katugma ng likas ni Saul kaysa kay David, subalit kailangan pa ring matutunan ng anak ni Isai ang liksyon ng pagpapasensya sa paaralan ng kahirapan. MPMP 790.1
Isa sa mga lingkod ni Nabal ang nagmadaling nagtungo kay Abigail, ang asawa ni Nabal, matapos na kanyang mapaalis ang mga tauhan ni David, at sinabi sa kanya kung ano ang nangyari. “Narito,” wika niya, “si David ay nagsugo ng mga sugo mula sa ilang upang bumati sa ating panginoon; at kanyang tinanggihan. Ngunit ang mga lalaki ay napakabuti sa amin, at hindi kami sinaktan, o nagkulang man na anomang bagay habang kami ay nakikisama sa kanila, nang kami ay nasa mga parang: Sila'y naging kuta sa amin sa gabi at araw gayon din sa buong panahong aming ikinaroon sa kanila, sa pag-aalaga ng mga tupa. Ngayon nga'y iyong alamin at dilidilihin kung ano ang iyong gagawin; sapagkat ang kasamaan ay ipinasya na laban sa ating panginoon, at laban sa kanyang buong sambahayan.” MPMP 790.2
Hindi na tinanong ang kanyang asawa ni sinabi sa kanya ang kanyang layunin, si Abigail ay kumuha ng sasapat na mga pagkain, na nang maisakay sa mga asno, na kanyang pinauna na dala ng kanyang mga lingkod, at siya ay humayo rin upang salubungin ang grupo ni David. Nakasalubong niya sila sa isang nakukubliang dako sa isang burol. “At nang makita ni Abigail si David, ay nagmadali siya, at lumunsad sa kanyang asno, at nagpatirapa sa harap ni David at yu- mukod sa lupa. At siya'y nagpatirapa sa kanyang mga paa at nagsabi, Mapasa akin, panginoon ko, mapasa akin ang kasamaan: at isinasamo ko sa iyo na iyong papagsalitain ang iyong lingkod sa iyong pakinig.” Nagsalita si Abigail kay David na may mabuting paggalang na tila siya ay nagsasalita sa isang may koronang hari. Si Nabal ay nanlilibak na nagsabing, “Sino si David?” subalit siya ay tinawag ni Abigail na, “aking panginoon.” Sa pamamagitan ng may mabuting loob na mga pananalita sinikap niyang amuin ang kanyang galit na damdamin, at nakiusap siya sa kanya alang-alang sa kanyang asawa. Walang anumang pagmamarangya o pagmamalaki, subalit puspos ng karunungan at ng pag-ibig ng Dios, ipinahayag ni Abigail ang tindi ng kanyang pagtatalaga sa kanyang sambahayan; at nilinaw niya kay David na ang hindi mabuting ginawa ng kanyang asawa ay hindi isang pananadya laban sa kanya bilang isang pangsariling lantarang paghamak, kundi pawang isang silakbo ng isang hindi masaya at isang makasariling likas. MPMP 791.1
“Ngayon nga, panginoon ko, buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, yamang ikaw ay pinigil ng Panginoon sa pagbububo ng dugo, at sa paghihiganti mo ng iyong sariling kamay, kaya nga ang iyong mga kaaway at yaong mga umuusig ng kasamaan sa aking panginoon ay maging gaya ni Nabal.” Hindi ni Abigail inangkin ang karangalan na napigil -si David sa kanyang biglaang layunin, sa halip ay ibinigay sa Dios ang karangalan at ang papuri. At nang magkaga- yon ay kanyang ipinagkaloob ang kanyang maraming mga pagkain bilang isang handog tungkol sa kapayapaan sa mga tauhan ni David, at nakiusap pa rin na tila siya mismo ang dahilan ng galit ng pinuno. MPMP 791.2
“Isinasamo ko sa iyo,” wika niya, “na iyong ipatawad ang pag- kasalangsang ng iyong lingkod: sapagkat tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sambahayan na tiwasay, sapagkat ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagbabaka ng Panginoon; at ang kasamaan ay hindi masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong mga araw.” Ipinahiwatig ni Abigail ang daan na dapat sundin ni David. Dapat niyang ipagbaka ang pagbabaka ng Panginoon. Hindi siya dapat maghiganti para sa kanyang sarili, bagaman siya ay inuusig na tila isang traydor. At kanyang ipinagpatuloy: “Bagaman bumangon ang isang lalaki upang habulin ka, at usigin ang iyong kaluluwa, gayon ma'y ang kaluluwa ng aking panginoon ay mananatili sa talian ng buhay na kasama ng Panginoon mong Dios.... At mang- yayari, pagka nagawa ng Panginoon ang ayon sa lahat ng mabuti na Kanyang sinalita tungkol sa iyo, at Kanyang naihalal ka na prinsipe sa Israel; na ito'y hindi magiging kalumbayan sa iyo o kutob man ng loob sa aking panginoon, maging ikaw ay nagbubo ng dugo sa walang kabuluhan, o gumanti ng sa kanyang sarili ang aking panginoon: at pagka gumawa ang Panginoon ng mabuti sa aking panginoon, alalahanin mo nga ang iyong lingkod.” 1 Samuel 25:29-31. MPMP 792.1
Ang mga pananalitang ito ay maaaring manggaling lamang sa mga labi ng isa na nakibahagi sa karunungang nagmumula sa itaas. Ang pagka maka-Dios ni Abigail, tulad sa halimuyak ng isang bulaklak, ay pumailanglang na lahat ng kusa sa mukha sa pananalita at sa kilos. Ang Espiritu ng Anak ng Dios ay nananahan sa kanyang puso. Ang kanyang pagsasalita, na may panghalina, at puspos ng kagandahang loob at kapayapaan, ay nagpapailanglang ng isang makalangit na impluwensya. Lalong mabuting damdamin ang sumapit kay David, at siya ay kinilabutan nang kanyang isipin ang magiging mga bunga ng kanyang biglaang layunin. “Mapalad ang mga mapagpayapa: sapagkat sila'y tatawaging mga anak ng Dios.” Mateo 5:9. Sana ay marami pa ang tulad sa babaeng ito ng Israel, na magpapaamo sa galit na damdamin, hahadlang sa mga mapusok na mga simbuyo ng damdamin, at susugpo sa malalaking mga kasamaan sa pamamagitan ng mga salitang mapayapa at may mahusay na ginagamit na karu- nungan. MPMP 792.2
Ang isang natalagang buhay Kristiano ay laging nagbibigay ng liwanag at aliw at kapayapaan. Ito ay nakikilala sa kadalisayan, ka- paraanan, kapayakan, at pagiging kapakipakinabang. Iyon ay kiniki- los ng hindi makasariling pag-ibig na nagpapabanal sa impluwensya. Iyon ay puspos ni Kristo, at nag-iiwan ng bakas ng liwanag saan man magtungo ang may taglay nito. Si Abigail ay isang matalinong taga- pagsansala at tagapayo. Napawi ang matinding galit ni David sa ilalim ng kapangyarihan ng kanyang impluwensya at pangangatu- wiran. Siya ay napaniwala na siya ay tumatahak sa isang hindi mabu- ting landas at hindi niya napigilan ang sarili niyang espiritu. MPMP 793.1
May mapagpakumbabang puso na tinanggap niya ang pagsansala, ayon sa sarili niyang mga pananalita, “Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob; at sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo.” Mga Awit 141:5. Nagbigay siya ng pasasalamat at pagpapala sapagkat kanya siyang pinayuhan sa katuwiran. Marami ang kapag sinansala, ay nag-aakalang kapuri-puri kung kanilang ta- tanggapin ang pagsansala na hindi nagagalit; subalit kakaunti la- mang ang tumatanggap ng pagsansala na may pusong nagpapasala- mat at nagpapala doon sa nagliligtas sa kanila mula sa paggawa ng masama. MPMP 793.2
Nang si Abigail ay umuwi kanyang nasumpungan si Nabal na may mga panauhin at nasa pagkakagalak sa isang malaking piging, na ginawa nilang isang tagpo ng paglalasingan. Hindi niya isinaysay hanggang kinaumagahan ang naganap sa pakikipagtagpo niya kay David. Si Nabal nga ay may duwag na puso; at nang kanyang mabatid kung paanong muntik na siyang inihatid ng kanyang kahangalan sa isang biglang pagkamatay, siya ay nagmukhang hinampas ng paralisis. Sa takot na baka ituloy pa rin ni David ang panukala niyang maghiganti, siya ay napuno ng malaking takot, at siya ay nabuwal at nawalan ng pakiramdam. Makalipas ang sampung araw siya ay namatay. Ang buhay na ibinigay sa kanya ng Dios ay naging sumpa lamang sa sanlibutan. Sa kalagitnaan ng kanyang pagkakagalak at mga kasiyahan, ay sinabihan siya ng Dios ng tulad sa Kanyang sinabi sa talinhaga tungkol sa mayamang lalaki, “Hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa.” Lucas 12:20. MPMP 793.3
Makalipas iyon ay pinakasalan ni David si Abigail. Siya ay may- roon nang isang asawa, subalit ang kaugalian ng mga bansa noong kanyang kapanahunan ang sumira sa kanyang pagpapasya at nakaim- pluwensya sa kanyang ginawa. Maging ang mga dakila at mabubu- ting mga lalaki ay nagkamali sa pagsunod sa mga kaugalian ng sanlibutan. Ang mapait na bunga ng pagkakaroon ng maraming asawa ay lubhang nadama sa buong panahon ng buhay ni David. MPMP 794.1
Makalipas ang pagkamatay ni Samuel, si David ay nagkaroon ng ilang kapayapaan sa loob ng ilang buwan. At muli siyang nagtungo sa matataliimik na mga dako ng mga Zipheop; subalit ang mga kaaway na ito, sa pag-asang makakapagbigay lugod sa hari, ay nagsabi sa kanya kung saan nagtatago si David. Ang kaalamang ito ay pumukaw sa demonyong damdamin na natutulog sa dibdib ni Saul. Minsan pa ay ipinatawag niya ang kanyang mga kawal at pinangunahan sila sa pag-usig kay David. Subalit ang mga kaibigang mga tiktik ay nagbi- gay alam sa anak ni Isai na siya ay muling hinahanap ni Saul; at kasama ang kaunti sa kanyang mga tauhan, si David ay nagsimulang alamin kung saan naroon ang kanyang kaaway. Gabi noon, nang maingat sa pagsulong, sila ay nakarating sa kampamento, at nakita sa harap nila ang mga tolda ng hari at ng kanyang mga lingkod. Walang nakakakita sa kanila, sapagkat ang kampo ay matahimik sa pag- kakatulog. Tinawag ni David ang kanyang mga kaibigan upang sumama sa kanya sa pinaka kalagitnaan ng kanilang mga kalaban. Bilang tugon sa kanyang tanong na, “Sinong lulusong na kasama ko kay Saul sa kampamento?” si Abisai ay mabilis na sumagot, “Ako'y lulusong na kasama mo.” MPMP 794.2
Nakukublian ng malalim na mga anino ng mga burol, si David at ang kanyang kasama ay pumasok sa kampamento ng kaaway. Samantalang kanilang inaalam ang tiyak na bilang ng mga kaaway, sila ay nakarating kay Saul na natutulog, ang kanyang sibat ay nakatusok sa lupa, at isang banga ng tubig sa kanyang ulunan. Sa tabi niya ay nakahiga si Abner, ang kanyang punong kawal, at sa buong palibot nila ay ang mga sundalo, na mahimbing ang tulog. Itinaas ni Abisai ang kanyang sibat at sinabi kay David , “Ibinigay ng Dios ang iyong kaaway sa iyong kamay sa araw na ito: Ngayon nga'y isinasamo ko sa iyo, na bayaan mong tuhugin ko siya ng sibat sa lupa sa isang saksak, at hindi ko pagmamakalawahin.” Naghintay siya sa mga salitang nagpapahintulot; ngunit narinig ng kanyang tainga ang mga pana- nalitang pabulong: “Huwag mong patayin siya: sapagkat sinong mag- uunat ng kanyang kamay laban sa pinahiran ng Panginoon at mawa- walan ng sala?...Buhay ang Panginoon, ang Panginoon ay siyang sasakit sa kanya; o darating ang kanyang kaarawan upang mamatay; o siya'y lulusong sa pagbabaka, at mamamatay. Huwag itulot ng Panginoon na aking iunat ang aking kamay laban sa pinahiran ng langis ng Panginoon: ngunit ngayo'y iyong kunin, isinasamo ko sa iyo, ang sibat na nasa kanyang ulunan, at ang banga ng tubig, at tayo'y yumaon. Sa gayo'y kinuha ni David ang sibat at ang banga ng tubig sa ulunan ni Saul; at sila'y umalis, at walang nakakita o na- kaalam man, o nagising man ang sinoman: sapagkat sila'y pawang mga tulog; sapagkat isang mahimbing na pagkatulog ang inihulog sa kanila ng Panginoon.” Kay daling napapahina ng Panginoon ang pinakamakapangyarihan, naaalisan ng mabuting pag-iisip ang pinakamarunong, at nalilito ang kahusayan ng pinakamapagmasid! MPMP 794.3
Nang si David ay nasa isang ligtas nang dako mula sa kampamento siya ay tumindig sa tuktok ng isang burol at sumigaw ng may malakas na tinig sa bayan at kay Abner, na nagsasabi, “Hindi ka ba matapang na lalaki? at sinong gaya mo sa Israel? bakit nga hindi mo binantayan ang iyong panginoon na hari? sapagkat pumasok ang isa sa bayan upang patayin ang hari na iyong panginoon. Ang bagay na ito na iyong ginawa ay hindi mabuti. Buhay ang Panginoon, kayo'y marapat na mamatay, sapagkat hindi ninyo binantayan ang inyong panginoon, ang pinahiran ng langis ng Panginoon. At ngayo'y tingnan ninyo kung saan nandoon ang sibat ng hari, at ang banga ng tubig na nasa kanyang ulunan. At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi, Ito ba ang tinig mo, anak kong David? At sinabi ni David, aking tinig nga, panginoon ko, Oh hari. At kanyang sinabi, Bakit hinahabol ng aking panginoon ang kanyang lingkod? sapagkat anong aking ginawa? o anong kasamaan ang nasa aking kamay? Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na dinggin ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kanyang lingkod.” Ang pag-amin ay muling namutawi sa mga labi ng hari, “Ako'y nagkasala: bumalik ka, anak kong David: sapagkat hindi na ako gagawa ng masama sa iyo, sapagkat ang aking buhay ay mahalaga sa iyong mga mata sa araw na ito: narito, ako'y nagpakamangmang, at ako'y nagkamali ng di kawasa. At sumagot si David at nagsabi, Tingnan mo ang sibat, Oh hari! paparituhin mo ang isa sa mga bataan upang kunin.” Bagaman si Saul ay nangako na, “hindi na ako gagawa ng masama sa iyo,” hindi ni David inilagay ang kanyang sarili sa kanyang kapangyarihan. MPMP 797.1
Ang ikalawang pagkakataon na ito ng paggalang ni David sa buhay ng hari ay lumikha ng higit pang malalim na impresyon sa pag-iisip ni Saul at naghatid sa kanya sa isang higit na mapagpakumbabang pagkilala sa kanyang pagkakamali. Siya ay namangha at napasuko sa pagpapahayag ng gano'ng kabaitan. Nang mawawalay na mula kay David, si Saul ay nagpahayag, “Pagpalain ka, anak kong David: ikaw ay gagawa na makapangyarihan, at tunay na ikaw ay mananaig.” Subalit ang anak ni Isai ay walang pag-asa na ang hari ay matagal na mananadli sa ganitong kalagayan ng pag-iisip. MPMP 798.1
Si David ay nawalan na ng pag-asang muli pang makakasundo si Saul. Tila tiyak na siya ay mahuhulog na biktima sa masamang panu- kala ng hari, kaya't nagpasya siya na muling magkubli sa lupain ng mga Filisteo. Kasama ang anim na raang mga lalaki na nasa ilalim ng kanyang pag-uutos, siya ay nagtungo kay Achis, ang hari ng Gath. MPMP 798.2
Ang kaisipan ni David na tiyak na tutuparin ni Saul ang kanyang panukalang pumatay ay nabuo na walang payo mula sa Dios. Maging samantalang noong si Saul ay nagpapanukala at nagsisikap na patayin siya, ang Panginoon ay gumagawa upang mapasa kay David ang kaharian. Isinasakatuparan ng Dios ang Kanyang mga panukala, ba- gaman sa mata ng tao ang mga iyon ay nakukublihan ng kahiwagaan. Hindi ng tao mauunawaan ang mga paraan ng Dios; at sa pagtingin sa mga paniniyak na ipinapahintulot ng Dios na sumapit sa kanila bilang mga bagay na laban sa kanila, at para lamang sa kanilang ikapapahamak. Sa gano'ng paraan si David ay tumingin sa mga pangyayari, at hindi sa mga pangako ng Dios. Nag-alinlangan siya na siya ay mapupunta pa sa trono. Ang mahabang mga pagsubok ay nagpahina sa kanyang pananampalataya at inubos ang kanyang pagpapasensiya. MPMP 798.3
Hindi pinapupunta ng Dios si David sa mga Filisteo para sa pag- sasanggalang, sa pinakamapait na kaaway ng Israel. Ang bansang ito ay magiging isang pinakamasamang kaaway niya hanggang sa kahu- lihan, at gayon pa man kailangang pumunta siya sa kanila upang tulungan siya sa panahon ng kanyang pangangailangan. Sapagkat wala nang lahat ang pagtitiwala kay Saul at doon sa mga naglilingkod sa kanya, inihulog niya ang kanyang sarili sa habag ng mga kaaway ng kanyang bayan. Si David ay isang matapang na heneral, at napa- tunayan ang kanyang sarili na isang matalino at matagumpay na mandirigma, subalit siya ay gumawa ng laban sa sarili niyang ika- bubuti nang siya ay magtungo sa mga Filisteo. Siya ay hinirang ng Dios upang itindig ang kanyang sagisag sa lupain ng Juda, at ang kakulangan ng pananampalataya ang umakay sa kanya upang iwan ang kanyang lugar ng tungkulin na walang tagubilin mula sa Panginoon. MPMP 798.4
Ang Dios ay nalapastangan sa pamamagitan ng hindi paniniwala ni David. Si David ay kinatatakutan ng mga Filisteo ng higit kaysa kay Saul at ng kanyang mga hukbo; at sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang sarili sa ilalim ng pagsasanggalang ng mga Filisteo, ipinahayag ni David sa kanila ang kahinaan ng sarili niyang bayan. Sa gano'ng paraan ay pinasigla niya ang mga hindi humuhupang mga kaaway na ito upang mang-api sa Israel. Si David ay pinahiran upang tumindig sa pagtatanggol sa bayan ng Dios; at hindi ng Dios nais na ang Kanyang mga lingkod ay magpapasigla sa mga masama sa pamamagitan ng paghahayag ng kahinaan ng Kanyang bayan o sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagpapabaya sa kanilang kapakanan. Higit pa doon, ang kanyang mga kapatid ay nagkaroon ng pag-iisip na siya ay nagtungo sa mga hindi kumikilala sa Dios upang maglingkod sa kanilang mga diyos. Sa pamamagitan ng ginawang ito ay nagbigay siya ng dahilan upang maliin ang pagkaunawa sa kanyang mga layunin, at marami ang nagkaroon ng hindi magandang kaisipan tungkol sa kanya. Ang bagay na ninanais ni Satanas na kanyang gawin ay nakaakay sa kanya upang gawin; sapagkat sa paghanap ng mapag- kukublihan sa kalagitnaan ng mga Filisteo, si David ay nagbigay ng dahilan upang magkaroon ng malaking kagalakan sa mga kaaway ng Dios at ng Kanyang bayan. Hindi tinalikuran ni David ang kanyang pagsamba sa Dios ni itinigil niya ang kanyang pagtatalaga sa kanyang gawain; subalit kanyang isinakripisyo ang kanyang pagtitiwala sa Kanya alang-alang sa pangsarili niyang kaligtasan, at sa gano'ng paraan ay binahiran ang matuwid at tapat na likas ng Dios na ipinag-uutos ng Dios na mapasa Kanyang mga lingkod. MPMP 799.1
Si David ay malugod na tinanggap ng hari ng mga Filisteo. Bahagi ng kainitan ng pagtanggap na ito ay dahil sa siya ay hinahangaan ng hari at isang bahagi sa katotohanan na iyon ay isang labis na pagpuri sa kanyang kapalaluan na ang isang Hebreo ay magpasanggalang sa kanya. Si David ay nakadama ng higit na kaligtasan sa kataksilan sa nasasakupan ni Achis. Dinala niya ang kanyang pamilya, ang kanyang sambahayan, ang kanyang ari-arian, gano'n din ang kanyang mga tauhan; at sa anumang paraan tingnan siya ay naparito upang If permanente nang manirahan dito sa lupain ng mga Filisteo. Ang lahat ng ito ay kalugod-lugod kay Achis, na nangakong iingatan ang puganteng mga Israelita. MPMP 799.2
Sa kahilingan ni David na magkaroon ng matitirhan sa lalawigan, na malayo sa lungsod ng hari, malugod na ipinagkaloob ng hari ng Ziklag bilang isang pag-aari. Batid ni David na magiging mapa- nganib para sa kanyang sarili at sa kanyang mga tauhan ang sila ay mapailalim sa mga sumasamba sa mga diyus-diyusan. Sa isang bayan na lubos na nakahiwalay para sa kanila ay maaari silang makasamba sa Dios na may higit na kalayaan kaysa kung sila ay mananatili sa Gath, kung saan ang mga ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Dios J ay tunay na magiging sanhi ng kasamaan at pangyayamot. MPMP 800.1
Samantalang si David ay naninirahan sa bayang ito na nakabukod si David ay sumalakay sa mga Gesureo, mga Gerzeo, at mga Amalecita, at wala siyang itinirang buhay na maaaring magbalita sa Gath. Nang siya ay bumalik mula sa pakikipagbaka ipinabatid niya kay Achis na siya ay nakipagbaka laban sa sarili niyang bayan, na mga lalaki ng Juda. Sa pamamagitan ng pagkukunwaring ito siya ang naging kasangkapan upang mapalakas ang mga kamay ng mga Filisteo; sapagkat wika ng hari, “kanyang ginagawa na ang kanyang bayang Israel ay lubos na nakayayamot sa kanya: kaya't siya'y magiging aking lingkod magpakailan man.” Batid ni David na kalooban ng Dios na yaong mga tribo na hindi kumikilala sa Dios ay kinakai- langang mapuksa, at alam niya na siya ay hinirang upang isakatuparan ang gawaing iyon; subalit siya ay hindi lumalakad ayon sa payo ng Dios nang siya ay gumamit ng panlilinlang. MPMP 800.2
“At nangyari sa mga araw na yaon, na pinisan ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo sa pakikidigma upang lumaban sa Israel. At sinabi ni Achis kay David, Talastasin mong maigi na ikaw ay lalabas na kasama ko sa hukbo, ikaw at ang inyong mga lalaki.” Si David ay walang tangka na itaas ang kanyang kamay laban sa kanyang bayan; subalit hindi siya nakatitiyak kung ano ang kanyang gagawin, hanggang sa ipahayag ng pangyayari ang kanyang tungkulin. Paiwas na sinagot niya ang hari, at nagsabi, “Kaya't iyong nalalaman kung ano ang magagawa ng iyong lingkod.” Ang intindi ni Achis sa mga salitang ito ay isang pangako ng pagtulong sa nalalapit na pakiki- paglaban, at isinumpa ang kanyang salita na magbibigay kay David ng dakilang karangalan, at bibigyan siya ng isang mataas na tungkulin sa korte ng Palestina. MPMP 800.3
Subalit bagaman ang pananampalataya ni David ay nagkaroon ng ilang pag-aalinlangan sa mga pangako ng Dios, kanya pa ring inaala- la na siya ay pinahiran ni Samuel na hari ng Israel. Inalala niya ang mga ibinigay ng Dios sa kanya laban sa kanyang mga kaaway sa nakaraan. Inalala niya ang dakilang kahabagan ng Dios sa pag-iingat sa kanya. mula sa mga kamay ni Saul, at nagpasyang hindi pagtatak- silan ang isang banal na ipinagkakatiwala. Bagaman ninais patayin ng hari ng Israel ang kanyang buhay, hindi niya isasama ang kanyang puwersa sa puwersa ng mga kaaway ng kanyang bayan. MPMP 801.1