Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

8/76

Kabanata 6—Si Set at si Enoc

Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 4:25 hanggang 6:2.

Kay Adan ay ibinigay ang isa pang anak, upang maging tagapagmana ng banal na pangako, tagapagmana ng espirituwal na pagkapanganay. Ang pangalang Set, na ibinigay sa anak na ito, ay nangangahulugang “inilaan” o “kapalit;” “ukol sa,” ayon sa ina, “binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel; sapagkat siya'y pinatay ni Cain.” Si Set ay may higit na matipunong tindig kaysa kay Cain o Abel, at higit na mas kahawig ni Adan kaysa sa ibang mga anak niya. Siya ay may mabuting ugali, sumusunod sa mga hakbang ni Abel. Subalit wala siyang higit na kabutihan kaysa kay Cain. Tungkol sa pagka- kalalang kay Adan ay sinabi, “Ayon sa larawan ng Dios siya nilalang;” subalit ang tao, matapos ang Pagkahulog, ay “nagkaanak ng isang lalaking kanyang wangis na hawig sa kanyang larawan.” Samantalang si Adan ay nilalang na walang kasalanan, ayon sa wangis ng Dios, si Set, tulad ni Cain, ay nagmana ng nagkasalang likas ng kanyang mga magulang. Subalit siya rin ay tumanggap ng kaalaman tungkol sa Tagapagtubos at mga tagubilin tungkol sa katuwiran. Sa pamamagitan ng banal na biyaya siya ay naglingkod at nagparangal sa Dios; at siya ay gumawa, kung papaanong si Abel ay gumawa, kung siya lamang ay nabubuhay, upang ibaling ang isipan ng mga taong makasalanan upang kumilala at sumunod sa kanilang Manlalalang. MPMP 89.1

“At nagkaanak naman si Set ng isang lalaki; at tinawag ang kanyang pangalan na Enos: noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon.” Ang mga tapat ay sumasamba na sa Dios noon; subalit sa pagdami ng tao, ang pagkakaiba ng dalawang grupo ay naging mas hayag. Nagkaroon ng hayagang pagtatapat sa Dios sa isang panig, sa isa naman ay galit at pagsuway. MPMP 89.2

Bago ang Pagkahulog ang una nating mga magulang ay nangingilin ng Sabbath, na sinimulan sa Eden; at nang sila ay palabasin mula sa Paraiso ay ipinagpatuloy nila ang pangingilin noon. Kanilang natikman ang mapait na bunga ng pagsuway, at natutunan kung paanong ang lahat na sumalansang sa utos ng Dios paglaon ay nakababatid—na ang mga banal na utos ay banal at hindi maaaring mabago, at ang kabayaran ng pagsalangsang ay tiyak na ipapataw. Ang Sabbath ay ipinangilin ng lahat ng mga anak ni Adan na nanatiling tapat sa Dios. Subalit si Cain at ang kanyang mga lahi ay hindi kumilala sa araw na ipinagpahinga ng Dios. Pinili nila ang sarili nilang panahon ng paggawa at pamamahinga, sa kabila ng hayag na utos ng Dios. MPMP 89.3

Sa pagkatanggap ng sumpa ng Dios, si Cain ay umalis na sa tahanan ng kanyang ama. Una niyang pinili bilang kanyang gawain ang mag- bungkal ng lupa, at ngayon siya ay nagtatag ng isang lungsod, at tinawag iyon sa pangalan ng panganay niyang anak. Siya ay nakalabas na sa harapan ng Panginoon, itinakwil na niya ang pangako tungkol sa pagsasauli ng Eden, upang maghanap ng kanyang kayamanan at kaligayahan sa lupa sa ilalim ng sumpa ng kasalanan, kung kaya't tumatayo bilang ulo ng isang malaking grupo ng mga tao na suma- samba sa diyos ng sanlibutan. At tungkol sa pawang makalupa at materyal na pagsulong, ay kinilala ang kanyang mga anak. Subalit sila ay nagwawalang bahala sa Dios, at salungat sa Kanyang mga layunin para sa tao. Sa krimen ng pagpatay, na pinangunahan ni Cain, si Lamec, ang ika-lima sa hanay, ay idinagdag ang pag-aasawa ng higit sa isa, at, nagmamalaking sumusuway sa Dios, kinilala lamang niya ang Dios, upang mula sa paghihiganti ni Cain; ay matiyak ang sarili niyang kaligtasan. Si Abel ay namuhay bilang isang pastol, naninirahan sa mga tolda o kubo, at gano'n din ang sinundan ng mga anak ni Set, ibinibilang ang kanilang mga sarili na “pawang taga-ibang bayan at manlalakbay sa ibabaw ng lupa,” nagnanasa “ng lalong magaling na lupain.” Hebreo 11:13, 16. MPMP 90.1

Sa ilang panahon ang dalawang grupo ng tao ay nanatiling mag- kahiwalay. Ang lahi ni Cain, sa paglaganap mula sa una nilang tini- rahan, ay kumalat sa kapatagan at mga lambak kung saan ang mga anak ni Set ay nanirahan; at ang isang grupo naman, upang makaiwas sa kanilang masamang impluwensya, sila'y nagtungo sa mga bundok at doon nanirahan. At samantalang ang paghihiwalay na ito ay nana- natili, naingatan nila sa kadalisayan ang pagsamba sa Dios. Subalit sa paglipas ng panahon sila ay nangahas, unti-unti, upang makisalamuha sa mga naninirahan sa mga lambak. Ang pakikisalamuhang ito ay nagbunga ng hindi mabuti. “Nakita ng mga anak ng Dios, na maga- ganda ang mga anak na babae ng mga tao.” Ang mga anak ni Set, naaldt ng kagandahan ng mga anak na babae sa lahi ni Cain, ay nagpalungkot sa Panginoon sa pamamagitan ng pakikipag-asawahan sa kanila. Marami sa mga sumasamba sa Dios ang nasuong sa pag- kakasala sa pamamagitan ng mga pang-akit na mamalagi sa kanilang harapan, at naiwala nila ang kanilang kakaiba, at banal na pagkatao. Sa pakikisalamuha sa mga taong ubod ng sama, sila ang naging tulad nila sa espiritu at sa gawa; ang mga ipinagbabawal ng ika-pitong utos ay kinalimutan, “at sila'y nagsikuha ng kani-kanyang asawa sa lahat ng kanilang pinili.” Ang mga anak ni Set ay lumakad “sa daan ni Cain” (Judas 11); itinuon nila ang kanilang mga isip sa makamundong pag-unlad at kasiyahan at kinalimutan ang mga utos ng Panginoon. Ang mga tao ay “hindi ninais panatilihin ang Dios sa kanilang kaalaman;” sila ay naging “walang kabuluhan sa kanilang pagmamatuwid at ang mga mangmang nilang puso ay pinapagdilim.” Roma 1:21. Kung kaya “ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pag-iisip.” Talatang 28. Ang kasalanan ay kumalat sa lupa tulad sa kilabot na ketong. MPMP 90.2

Sa loob ng halos isang libong taon si Adan ay nabuhay, isang saksi sa mga ibinunga ng kasalanan. May pagtatapat niyang sinikap kitilin ang paglago ng kasamaan. Siya ay inatasang turuan ang kanyang mga anak sa daan ng Panginoon; at maingat niyang pinahalagahan ang ipinahayag sa kanya ng Panginoon, at isinaysay iyon sa mga sumu- sunod na lahi. Sa kanyang mga anak at sa mga anak ng kanyang mga anak, hanggang sa ika-siyam na lahi, isinaysay niya ang banal at masayang kalagayan ng tao sa Paraiso, at isinaysay ang kanyang pagkahulog sa kasalanan, sinasabi sa kanila ang mga paghihirap na sa pamamagitan noon ay itinuro sa kanya ng Dios ang kahalagahan ng masusing pagsunod sa Kinyang kautusan, at ipinapaliwanag sa kanila ang kaloob na awa para sa kanilang kaligtasan. Gano'n pa man ay iilan lamang ang nakinig sa kanyang mga salita. Malimit siya ay hinaharap ng mapapait na paninisi sa kanyang kasalanan na naghatid ng gano'ng kapighatian sa kanyang mga anak. MPMP 91.1

Ang buhay ni Adan ay isang buhay na may kalungkutan, pagpa- pakumbaba at pagsisisi. Noong kanyang iwan ang Eden, ang kaisipan na siya ay kinakailangang mamatay ay pumuno sa kanya ng takot. Siya ay unang nagkaroon ng pagkabatid sa katiyakan ng kamatayan sa sambahayan ng tao noong si Cain, ang panganay niyang anak, ay pumatay sa kanyang kapatid. Puno ng pinakamatinding pagsisisi sa sarili niyang kasalanan at nasawian ng dalawa sa pagkamatay ni Abel at pagkawaglit ni Cain, si Adan ay nakayuko sa pagdadalamhati. Nasaksihan niya ang lumalaganap na kasamaan na sa huli ay magiging sanhi ng paggunaw ng sanlibutan sa pamamagitan ng baha; at bagaman ang hatol ng kamatayang ipinataw sa kanya ng Manlalalang ay naging kakilakilabot sa simula, gano'n pa man matapos makita sa loob ng halos isang libong taon ang bunga ng kasalanan, nadama niya na kahabagan ng Dios ang wakasan ang buhay ng paghihirap at kalungkutan. MPMP 91.2

Sa kabila ng kasamaan ng sanlibutan bago bumaha, ang panahong iyon ay hindi, tulad sa iniisip kalimitan, isang panahon ng kamang- mangan at kabangisan. Ang mga tao ay pinagkalooban ng pagkakataon upang magkaroon ng mataas na pamantayan ng moralidad at kaisipan. Sila ay nagtataglay ng dakilang lakas ng pangangatawan at ng kaisipan, at ang kanilang kalamangan upang magkaroon ng kaalaman sa relihiyon at sa agham ay di mapapantayan. Isang pagkakamali ang isiping sapagkat sila'y namuhay ng gano'n kahabang panahon ang kanilang kaisipan ay hindi agad umunlad. Ang kapangyarihan ng kanilang kaisipan ay maagang lumago, at yaong may pagkatakot sa Dios at namuhay ayon sa Kanyang kalooban ay patuloy na lumago ang karunungan at kaalaman samantalang sila ay nabubuhay. Kung ang magigiting na mga mag-aaral sa ating kapanahunan ay ihahambing sa mga taong kasing-gulang nila na nabuhay bago ang baha, sila ay maihahambing na lubhang mahina ang kapangyarihan ng pag-iisip at pangangatawan. Sa pag-ikli ng buhay ng tao, at sa pag-unti ng lakas ng kanyang pangangatawan, ang kakayanan ng kanyang pag- iisip ay nababawasan. Mayroong mga tao ngayon ang nag-aaral mula dalawampu hanggang limampung taon, at ang sanlibutan ay hangang- hanga sa kanilang nakamtan. Ngunit gaano kakaunti ang mga nakam- tang ito kung ihahambing sa mga taong ang kaisipan at pangangatawan ay lumago sa loob ng mga daang-taon! MPMP 92.1

Totoo na ang mga tao sa. makabagong kapanahunan ay nakiki- nabang sa mga naabot ng mga nauna sa kanila. Ang mga tao na may mahuhusay na pag-iisip, na nagpanukala at nag-aral at sumulat, ay nag-iwan ng kanilang mga gawa para doon sa mga sumusunod sa kanila. Ngunit maging sa bagay na ito, kung ang pag-uusapan ay kaalaman, higit pa ring nakalalamang ang mga tao noong una! Kasama nila sa loob ng daan-daang mga taon siya na hinubog sa wangis ng Dios, na sinabi ng Manlalalang na “mabuti”—ang tao na tinuruan ng Dios sa lahat ng karunungan tungkol sa materyal na sanlibutan. Natutunan ni Adan mula sa Manlalalang ang kasaysayan ng paglalang; nasaksihan niya mismo ang mga pangyayari sa loob ng siyam na raang taon; at ibinabahagi niya ang kanyang kaalaman sa kanyang mga anak. Ang mga tao noong bago bumaha ay walang mga aklat, wala silang mga ulat na nakasulat; subalit sa taglay nilang dakilang kapangyarihan ng pangangatawan at ng kaisipan, mahusay silang magtanda at nagagawang mahagip at matandaan ang mga inihahayag sa kanila, at muli ay ibahagi ito ng walang anumang pagkukulang sa kanilang mga anak. At sa loob ng daan-daang mga taon ay mayroong pitong henerasyon ang sama-samang nabubuhay sa lupa, taglay ang mga pagkakataon upang mag-ugnayan sa isa't-isa at makinabang sa kaalaman at karanasan ng lahat. MPMP 92.2

Kailan man ay di pa napantayan ang kalamangan ng mga tao noong panahong iyon upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Dios sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa. At malayong-malayo sa pagiging panahon ng kadiliman tungkol sa relihiyon, iyon ay kapanahunan ng lubhang kaliwanagan. Ang buong sanlibutan ay nagkaroon ng pagkakataon upang tumanggap ng pagtuturo mula kay Adan, at yaong mga may pagkatakot sa Panginoon ang tagapagturo ay si Kristo at ang mga anghel. At mayroon silang matahimik na patotoo para sa katotohanan sa halamanan ng Dios na sa loob ng maraming daang taon ay nanatili sa sangkatauhan. Sa pintuang daan ng Paraiso na binabantayan ng kerubin ang kaluwalhatian ng Dios ay nahahayag, at doon ay pumupunta ang mga unang sumasamba. Dito nakalagay ang kanilang mga altar, at dinadala ang kanilang handog. Dito si Cain at Abel nagdala ng kanilang hain, at ang Dios ay nagpakababa upang makipag-ugnayan sa kanila. MPMP 93.1

Hindi maitatanggi ng mga walang paniniwala nang pagkakaroon ng Eden samantalang iyon ay nakikita nila, ang pasukan ay nahaha- rangan ng mga nagbabantay na anghel. Ang pagkakasunod-sunod ng paglalang, ang layunin ng halamanan, ang kasaysayan ng dalawang punong kahoy doon na may malaking kinalaman sa kahihinatnan ng tao, ay mga katotohanang hindi maitanggi. Ang pagkakaroon ng Dios at ng Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat, ang mga kahilingan sa Kanyang kautusan, ay mga katotohanang hindi basta pagdududahan samantalang si Adan ay kasama nila. MPMP 93.2

Sa kabila ng lumalaganap na kasamaan, ay mayroong hanay ng mga taong banal, iniangat at pinarangal ng pakikipag-ugnayan sa Dios, ang namuhay tulad sa nakikisalamuha sa langit. Sila ay mga lalaki na may dakilang kaisipan, ng mga kahanga-hangang kakayanan. Sila ay may dakila at banal na layunin—upang maghubog ng pag- uugali ng katuwiran, upang magturo ng kabanalan, hindi lamang sa mga lalaki noong kanilang kapanahunan, kundi pati sa mga lahi sa hinaharap. Ilan lamang sa mga pinakatanyag ang nabanggit sa kasu- latan; subalit sa buong kapanahunan ang Dios ay may mga tapat na saksi, mga tapat na puso ang pagsamba. MPMP 93.3

Tungkol kay Enoc ay nasulat na siya ay nabuhay sa loob ng anim na pu't limang taon, at nagkaanak ng isang lalaki. At pagkatapos noon ay lumakad siyang kasama ng Dios sa loob ng tatlong daang taon. Sa panahon ng mga naunang taong ito si Enoc ay umibig at natakot sa Dios at sumunod sa Kanyang mga utos. Isa siya sa hanay ng mga banal, mga tagapag-ingat ng tunay na pananampalataya, tagapagdala ng ipinangakong binhi. Mula sa mga labi ni Adan ay nalaman niya ang madilim na kasaysayan ng pagkahulog at ang isang nakapagpapasya tungkol sa biyaya ng Dios na inihahayag ng pangako; at siya ay umasa na ang Manunubos ay darating. Subalit pagkasilang ng kanyang panganay na anak, si Enoc ay nakarating sa isang mataas na karanasan; siya ay nagkaroon ng malapit na relasyon sa Dios. Higit niyang nadama ang kanyang obligasyon at tungkulin bilang anak ng Dios. At samantalang nakita niya ang pag-ibig ng sanggol sa kanyang ama, at ang simpleng pagtitiwala nito sa kanyang pag-iingat; samantalang nadama niya ang malalim, at nag-aalab na kahinahunan ng kanyang puso para sa panganay na iyon, nabatid niya ang isang mahalagang aral tungkol sa kahanga-hangang pag-ibig ng Dios sa tao sa pagkakaloob ng Kanyang Anak, at pagtitiwala na maaaring pagpahinga ng mga anak sa kanilang makalangit na Ama. Ang walang hanggan, at hindi malirip na pag-ibig ng Dios sa pamamagitan ni Kristo ay naging paksa ng kanyang pagmumuni araw at gabi; at sa buong sigla ng kanyang kaluluwa ay sinikap niyang ihayag ang pag- ibig na iyon sa mga tao sa kinaroroonan niya. MPMP 94.1

Ang paglakad ni Enoc na kasama ng Dios ay hindi sa pangitain o pagkawala ng ulirat, kundi sa lahat ng tungkulin sa kanyang pang- araw-araw na buhay. Siya ay hindi naging isang ermitanyo, na naku- kublihan mula sa sanlibutan; sapagkat siya ay may isang gawain na dapat gampanan para sa Dios sa sanlibutan. Sa sambahayan at sa kanyang pakikisalamuha sa tao, bilang asawa at ama, kaibigan, at mamamayan, siya ay naging tapat, hindi nanglulupaypay na lingkod ng Panginoon. MPMP 94.2

Ang kanyang puso ay sang-ayon sa kalooban ng Dios; sapagkat “makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y mag- kasundo?” Amos 3:3. At ang banal na paglakad na ito ay nagpatuloy sa loob ng tatlong daang taon. Ilan lamang sa mga Kristiano ang hindi magiging higit na masugid at natatalaga kung alam nila na mayroon na lamang silang maikling panahon upang mabuhay, o kaya'y kung ang pagdating ng Panginoon ay mangyayari na. Subalit ang pananampalataya ni Enoc ay lalong tumibay, at ang kanyang pag-ibig ay lalong naging marubdob, samantalang ang mga daang- daang taon ay lumilipas. MPMP 95.1

Si Enoc ay isang tao na may malakas at lubang nasanay na kaisipan at may malawak na kaalaman; siya ay pinarangalan sa pagkakaroon ng mga natatanging pahayag mula sa Dios; gano'n pa man sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa Langit, taglay ang pagkadama sa banal na kadakilaan at kasakdalan na sa tuwina'y kaharap niya, siya ay naging isa sa mga pinakamababa ang loob na tao. Sa pagiging higit na malapit sa Dios, nagiging higit na malalim ang pagkadama ng sarili niyang kahinaan at pagkukulang. MPMP 95.2

Sa pagkabahala sa lumalagong kasamaan ng mga makasalanan, at sa pangamba na ang kanilang hindi pagkilala sa Dios ay maaaring makabawas sa kanyang paggalang sa Dios, si Enoc ay umiwas sa patuloy na pakikisalamuha sa kanila, at gumugol ng maraming pana- hong nag-iisa, sa pagmumuni-muni at pananalangin. Sa gano'ng paraan siya ay naghintay sa Panginoon, naghahanap ng mas maliwanag na kapahayagan ng kanyang kalooban, upang iyon ay kanyang ma- ganap. Para sa kanya ang panalangin ay tulad sa paghinga ng kaluluwa; siya ay namuhay sa mismong kapaligiran ng langit. MPMP 95.3

Sa pamamagitan ng mga banal na anghel ay ipinahayag ng Dios kay Enoc ang Kanyang panukala ng gunawin ang sanlibutan sa pamamagitan ng isang baha, at binuksan sa kanya ang marami pang tungkol sa panukala ng pagtubos. Sa pamamagitan ng espiritu ng hula ay Kanyang dinala siya hanggang sa iba't ibang lahi na mabubuhay pagkalipas ng baha, at ipinakita sa kanya ang mga dakilang pangyayari kaugnay ng ikalawang pagdating ni Kristo at ng wakas ng sanlibutan. MPMP 95.4

Si Enoc ay nagkaroon ng pagkabalisa tungkol sa mga patay. Inisip niya na ang matuwid at masama ay kapwa magiging alabok at ito ang kanilang magiging kawakasan. Hindi niya makita ang buhay ng matuwid sa kabila lamang ng libingan. Sa isang pangitain tungkol sa hinaharap ay ipinakita sa kanya ang magiging pagkamatay ni Kristo, at ipinakita ang Kanyang pagdating sa kaluwalhatian, kasama ang lahat ng mga banal na anghel, upang tubusin ang Kanyang bayan mula sa libingan. Nakita rin niya ang masamang kalagayan ng sanlibutan sa ikalawang pagdating ni Kristo—na magkakaroon ng maya- bang, mapagkunwari, lahi ng sarili lamang na kalooban, tumatangging sumampalataya sa natatanging Dios at sa Panginoong Jesu-Kristo, niyuyurakan ang kautusan, at minamaliit ang pantubos. Nakita niya ang mga matuwid na may putong ng kaluwalhatian at karangalan, at ang masama ay nalipol mula sa harapan ng Panginoon, at tinupok ng apoy. MPMP 95.5

Si Enoc ay naging tagapangaral ng katuwiran, ipinapaalam sa mga tao kung ano ang inihayag sa kanya ng Dios. Yaong mga may pag- katakot sa Panginoon ay nagsikap na makita ang banal na taong ito, upang makibahagi sa kanyang pagtuturo at pananalangin. Siya rin ay gumawa para sa madla, dinadala ang mga pabalita ng Dios sa lahat ng makikinig sa mga babala. Ang kanyang paggawa ay hindi limitado sa mga anak ni Set. Sa lupang pinuntahan ni Cain sa pagsisikap niyang makalayo sa Dios, ipinakita ng propeta ng Dios ang mga kahanga-hangang bagay na ipinakita sa kanya sa pangitain. “Narito,” kanyang inihayag, “dumating ang Panginoon na kasama ang Kanyang mga laksa-laksang banal, upang isagawa ang paghuhukom sa lahat, at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama.” Judas 14, 15. MPMP 96.1

Siya ay isang walang takot na tagapaghayag ng kasalanan. Samantalang ipinangangaral niya ang pag-ibig ng Dios na kay Kristo sa mga tao noon, at nakikiusap sa kanila na iwanan ang kanilang mga masamang gawa, ay inihayag niya ang kanyang galit sa lumalaganap na kasamaan at binabalaan ang mga tao sa kanilang lahi na ang hatol ay tiyak na ipapataw sa makasalanan. Ang Espiritu ni Kristo ang nagsalita sa pamamagitan ni Enoc; ang Espiritung iyon ay nahahayag, hindi lamang sa pagbigkas ng pag-ibig, pakikiramay, at pagsusumamo; hindi lamang malalambot na bagay ang sinalita ng mga banal na lalaki. Inilagay ng Dios sa puso at mga labi ng Kanyang mga lingkod ang mga katotohanang ipapahayag na matalas at nakapuputol tulad sa tabak na may dalawang talim. MPMP 96.2

Ang kapangyarihan ng Dios na ipinahayag ng mga lingkod ng Dios ay nadama noong mga nakarinig. Ang ilan ay nakinig sa babala at iniwan ang kanilang kasalanan; subalit ang karamihan ay pinag- tawanan ang banal na pabalita at higit pang naging walang takot sa kanilang kasamaan. Ang mga lingkod ng Dios ay nagtataglay rin ng gano'ng pabalita sa huling kapanahunan, at ito ay tatanggapin din ng may kawalan ng pananampalataya at may panunuya. Ang mga tao sa sanlibutan bago bumaha ay tumanggi sa mga babala niyaong lumakad na kasama ng Dios. Kaya't gano'n din ang huling lahi ay tatanggi sa mga babala ng mga lingkod ng Dios. MPMP 97.1

Sa kalagitnaan ng isang buhay na may aktibong paggawa, matatag na iningatan ni Enoc ang kanyang pakikipag-ugnay sa Dios. Habang dumarami at nagiging higit na mabigat ang kanyang mga gawain, nagiging patuloy at marubdob ang kanyang panalangin. Patuloy siyang humihiwalay, sa mga nakatakdang panahon, mula sa sinuman. Matapos makisalamuha sa mga tao, sa paglilingkod sa kanila sa pamamagitan ng pagtuturo at pagbibigay ng halimbawa, siya ay humihiwalay, upang gumugol ng panahong nag-iisa, nagugutom at nauuhaw para doon sa banal na kaalaman na ang Dios lamang ang nakapagkakaloob. Sa gano'ng pakikipag-ugnayan sa Dios, si Enoc ay dumaraing na higit at higit na nakapaghahayag ng banal na huwaran. Ang kanyang mukha ay may ningning ng banal na liwanag, maging ang liwanag na nagniningning sa mukha ni Jesus. Sa paglabas niya sa mga banal na pakikipag-ugnay na ito, maging ang mga banal ay namangha sa bakas ng langit sa kanyang katawan. Ang kasamaan ng tao ay nakarating na sa hangganang ang pagkagunaw ay ipataw sa kanila. Samantalang ang mga taon ay lumilipas, ay higit na lumalala ang baha ng kasamaan ng tao, at higit na maitim ang namumuong ulap ng banal na hatol. Gano'n pa man si Enoc, ang saksi ng pananampalataya, ay nagpatuloy sa kanyang gawain, nagbababala, nagsusumamo, nalakiusap, nagsisikap na pabalikin ang takbo ng kasalanan at mapigilan ang nakapigil na paghihiganti. Bagaman ang kanyang babala ay winalang halaga ng mga makasalanan, at taong mahilig sa layaw, mayroon siyang pa- totoong sinasang-ayunan ng Dios, at siya ay matapat na nagpatuloy sa pakikipagpunyagi laban sa lumalaganap na kasamaan, hanggang sa siya ay alisin ng Dios mula sa isang sanlibutang makasalanan tungo sa dalisay na kagalakan ng langit. MPMP 97.2

Ang mga tao ng kapanahunang yaon ay nagtawa sa kanya na hindi nagsikap magkaroon ng ginto o pilak o magtatag ng mga pag-aari dito. Subalit ang puso ni Enoc ay nasa mga walang hanggang kaya- manan. Ang kanyang paningin ay nasa banal na lungsod. Kanyang nakita ang Hari sa Kanyang kaluwalhatian sa gitna ng Sion. Ang kanyang pag-iisip, ang kanyang puso, at ang kanyang sinasalita ay tungkol sa langit. Sa paglala ng kasamaan, ay higit siyang nasasabik sa tahanan ng Dios. Samantalang siya ay narito pa sa lupa, siya ay nanahan, sa pamamagitan ng pananampalataya sa daigdig ng kaliwanagan. MPMP 98.1

“Mapalad ang mga may malinis na puso: sapagkat makikita nila ang Dios.” Mateo 5:8. Sa loob ng tatlong daang taon si Enoc ay nagnasa ng kadalisayan ng kaluluwa, upang siya ay makatugma ng Langit. Sa loob ng tatlong daang taon siya ay lumakad na kasama ng Dios sa lupa. Araw-araw ay nagnasa siya ng malapit na pakikiisa; at ang ugnayan ay lumapit ng lumapit, hanggang sa siya ay kinuha ng Dios. Nakarating siya sa pintuan ng walang hanggang daigdig, isang hakbang na lamang sa pagitan niya at ng tahanan ng mga mapalad; at ngayon ang pinto ay bumukas, ang paglalakad na kasama ng Dios, matagal na ipinagpatuloy dito sa lupa, ay nagpatuloy, at siya ay naka- raan sa pintuan ng banal na lungsod—ang kauna-unahan mula sa mga tao upang makapasok doon. MPMP 98.2

Ang kanyang pagkawala ay nadama sa lupa. Ang tinig na sa araw- araw ay narinig sa pagbabala at pagtuturo'y di na narinig. Mayroong ilan, kapwa ng mabuti at nang masama ang nakasaksi sa kanyang paglisan; at umaasang maaaring siya ay nagtungo sa ibang dako na kanyang pinagpapahingahan, yaong mga umibig sa kanya ay masikap na naghanap, tulad sa sumunod na naging paghahanap kay Elias; subalit bali wala. Iniulat nilang siya ay hindi na masumpungan sapagkat siya ay kinuha ng Dios. MPMP 98.3

Sa pamamagitan ng pagkakapaglipat kay Enoc ang Panginoon ay nagpanukalang magturo ng isang mahalagang liksyon. Mayroong panganib na ang mga tao ay mapahilig sa panglulupaypay, bunga ng kakilakilabot na resulta ng kasalanan ni Adan. Marami ang handa nang magsabi, “Anong pakinabang mayroon sa pagkatakot sa Panginoon at pagsunod sa Kanyang mga patakaran, samantalang isang sumpa ang ipinagdurusa ng lahi, at ang kamatayan ay para sa lahat”? Subalit ang mga aral na ibinigay ng Dios kay Adan, na isinaysay din ni Set, at pinatunayan ni Enoc, ay pumawi sa kalumbayan at kadiliman, at nagbigay ng pag-asa sa tao, na samantalang sa pamamagitan ni Adan ay nagkaroon ng kamatayan, gano'n din naman sa pamamagitan ng ipinangakong Manunubos ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ipinipilit ni Satanas na walang gantimpala para sa matuwid, ni parusa para sa masama, at imposible para sa tao ang sumunod sa mga banal na utos. Subalit sa karanasan ni Enoc, ay inihahayag ng Dios na “Siya ang Tagapagbigay ganti sa mga sa Kanya'y nagsisihanap.” Hebreo 11:6. Ipinakikita Niya kung ano ang Kanyang gagawin para doon sa mga nag-iingat sa Kanyang mga utos. Ang mga lalaki ay tinuruan na maaaring masunod ang mga utos ng Dios, na samantalang namumuhay sa kalagitnaan ng makasalanan at marumi, magagawa nila, sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ang tanggihan ang tukso, at maging dalisay at banal. Nakita nila sa kanyang halimbawa ang pagiging mapalad ng gano'ng buhay; at ang pagkakakuha sa kanya ay isang patotoo sa katotohanan ng kanyang pahayag tungkol sa kabilang buhay, kabilang ang gantim- palang kagalakan at kaluwalhatian, at walang hanggang buhay para sa tumatalima, at sa paghatol, pagka-aba, at kamatayan para sa suma- salangsang. MPMP 98.4

Sa pananamapalataya si Enoc “ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan;...sapagkat bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kanyang siya'y naging kalugod-lugod sa Dios.” Hebreo 11:5. Sa kalagitnaan ng isang sanlibutan na sa pamamagitan ng kasalanan ay gugunawin, si Enoc ay namuhay ng isang buhay na gano'n na lamang kalapit sa Dios na siya ay hindi pinahintulutan na mapasa-ilalim ng kamatayan. Ang banal na karakter ng propetang ito ang kumakatawan sa antas ng kabanalan na kinakailangang maabot noong mga “binili mula sa lupa” (Apoc. 14:3) sa panahon ng ikalawang pagdating ni Kristo. Sa panahong iyon, tulad sa panahon bago ang Baha, ang kasalanan ay iiral. Sa pagsunod sa udyok ng kanilang pusong makasalanan at ang turo ng mangdarayang pilosopiya, ang tao ay mang- hihimagsik sa pamahalan ng Langit. Subalit tulad ni Enoc, ang bayan ng Dios ay magsisikap magkaroon ng dalisay na puso at pagsang- ayon sa Kanyang kalooban, hanggang masinag sa kanila ang pagiging tulad ni Kristo. Tulad ni Enoc, kanilang babalaan ang sanlibutan tungkol sa ikalawang pagdating at tungkol sa hatol sa mga pagsalangsang, at sa pamamagitan ng kanilang banal na pakikipag-usap at halimbawa ay kanilang susumbatan ang kasalanan ng hindi kumikilala sa Dios. Kung paanong si Enoc ay inilipat sa langit bago gunawin ang mundo sa pamamagitan ng tubig, gano'n din naman ang mga buhay na matuwid ay ililipat mula sa lupa bago iyon gunawin sa pamamagitan ng apoy. Ayon sa apostol: “Hindi tayong lahat ay ma- ngatutulog, ngunit tayong lahat ay babaguhin, sa isang sandali, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng pakakak.” “Sapagkat ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at pakakak ng Dios;” “tutunog ang pakakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na mag-uli na walang kasiraan, at tayo'y babaguhin.” “Ang nangamatay kay Kristo ay unang mangabubuhay na mag-uli: kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpa- kailan man. Kaya't mangag-aliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.” 1 Corinto 15:51, 52; 1 Tesalonica 4:16-18 MPMP 99.1