Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

45/76

Kabanata 43—Ang Pagkamatoy ni Moises

Ang kabanatang ito ay batay sa Deuteronomio 31 hanggang 34.

Sa lahat ng pakikitungo ng Dios sa Kanyang bayan, ay kaagapay ng Kanyang pag-ibig at kaawaan, mayroong malinaw na katibayan ng Kanyang ganap at walang kinikilingang kahatulan. Ito ay pinatu- tunayan sa kasaysayan ng mga Hebreo. Ang Dios ay nagkaloob ng dakilang mga pagpapala sa Israel. Ang Kanyang mapagmahal na kabutihan sa kanila ay nakakikilos na ilinalarawan: “Parang agila na kumikilos ng kanyang pugad; na yumuyungyong sa kanyang mga inakay, kanyang ibinubuka ang kanyang mga pakpak, kanyang kinu- kuha, kanyang dinadala sa ibabaw ng kanyang mga pakpak: ang Panginoon na mag-isa ang pumapatnubay sa kanya.” Gano'n pa man mabilis at matindi ang parusang pinararating sa kanila dahil sa kanilang mga pagsalangsang! MPMP 553.1

Ang walang hanggang pag-ibig ng Dios ay nahayag sa pagkaka- loob ng Kanyang bugtong na Anak upang tubusin ang isang lahing tungo sa kapahamakan. Si Kristo ay naparito upang ipahayag sa tao ang likas ng Kanyang Ama, at ang Kanyang buhay ay napuno ng mga gawa ng pagkamagiliw at mahabagin ng Dios. Gano'n pa man si Kristo ay nagpahayag, “Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan.” Mateo 5:18. Ang tinig ding yaon na may pagkamatiisin, nagmamahal na pagsuyo ay nag-aanyaya sa makasa- lanan upang lumapit sa Kanya at makasumpong ng kapatawaran at kapayapaan, ay magsasabi sa paghuhukom sa mga tumanggi sa Kanyang kaawaan, “Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa.” Mateo 25:41. Sa buong kasulatan, ang Dios ay inihahayag hindi lamang bilang isang magiliw na Ama, kundi bilang isang matuwid na hukom. Bagaman Siya ay nalulugod sa pagpapapahayag ng kaawaan, at “nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan,” gano'n pa man, “sa anomang paraan ay hindi (Niya) aariing walang sala ang salarin.” Exodo 34:7. MPMP 553.2

Ang dakilang Hari ng sansinukob ay nag-utos na hindi ni Moises pangungunahan ang kapisanan ng Israel sa pagpasok sa mabuting lupain, at ang taimtim na pakiusap ng kanyang lingkod ay hindi maaaring makapagbabago sa kanyang hatol. Alam Niya na siya ay kinakailangang mamatay. Gano'n pa man hindi niya inilihis kahit sa isang sandali man lamang ang kanyang pangangalaga sa Israel. Matapat niyang sinikap na maihanda ang kapisanan sa pagpasok sa ipinangakong mana. Sa utos ng Dios, si Moises at si Josue ay nagtungo sa tabernakulo, samantalang ang haliging ulap ay lumapit at tumindig sa tapat ng pinto. Dito ay banal na itinagubilin ang bayan sa pamumuno ni Josue. Ang gawain ni Moises bilang isang pinuno ay tapos na. Inihuli pa rin niya ang kanyang sarili sa kanyang pagpapahalaga sa kanyang bayan. Sa harap ng natipong karamihan, si Moises, sa ngalan ng Dios, ay nagsalita sa kanyang kahalili ng mga salitang ito na may banal na pagpapasaya: “Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang: sapagkat iyong ipapasok ang mga anak ni Israel sa lupain na isinumpa ko sa kanila; at Ako'y sasaiyo.” At siya ay hu- marap sa mga matanda at mga opisyales ng bayan, at binigyan sila ng isang banal na tagubilin na matapat na sundin ang mga utos na kanyang pinarating sa kanila mula sa Dios. MPMP 553.3

Samantalang ang bayan ay tumitingin sa matandang lalaki, na malapit nang kunin mula sa kanila, kanilang naalaala, na may bago at mas malalim na pagkaunawa, ang kanyang magiliw na pagkamagulang, ang kanyang matalinong mga payo, at ang kanyang walang kapagurang paglilingkod. Malimit, nang ang kanilang mga kasalanan ay nag- anyaya ng matuwid na mga kahatulan ng Dios, ang mga dalangin ni Moises ay napailanlang sa kanya upang iligtas sila! Ang kanilang kalungkutan ay pinatindi ng pagsisisi sa sarili. Mapait na naalala nilang ang sarili nilang kalikuan ay nagbulid kay Moises sa kasalanan na kinakailangan niyang ikamatay. MPMP 554.1

Ang pag-aalis sa minamahal nilang pinuno ay magiging isang higit na malakas na sumbat sa Israel kay sa ano pa man na maaari sana nilang natanggap kung ang kanyang buhay at gawain ay pinatuloy pa. Sila ay inakay ng Dios upang madama na hindi nila gagawin na ang buhay ng susunod na pinuno nila ay masubok ng tulad sa ginawa nila kay Moises. Ang Dios ay nagsasalita sa Kanyang bayan sa pamamagitan ng mga pagpapalang ipinagkakaloob; at kapag ang mga ito ay hindi pinasalamatan, Siya ay nagsasalita sa kanila sa pamamagitan ng mga pagpapalang inaalis upang maipakita sa kanila ang kanilang kasalanan, at manumbalik sa Kanya ng buong puso. MPMP 554.2

Nang araw ding yaon dumating kay Moises ang utos, “Sumampa ka...sa bundok ng Nebo,...at masdan mo ang lupain ng Canaan, na Aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na pinakaari: at mamatay ka sa bundok na iyong sinasampa, at malakip ka sa iyong bayan.” MPMP 555.1

May ilang beses nang iniwan ni Moises ang kampamento, sa pagsunod sa mga pagtawag ng Dios, upang makipag-ugnay sa Dios; subalit siya ay kinakailangang umalis ngayon sa isang bago at mahiwagang ipinag-uutos. Siya ay kinakailangang humayo upang ilapag ang kanyang buhay sa mga kamay ng kanyang Manlalalang. Alam ni Moises na siya ay mag-isang mamamatay; walang kaibigan sa lupa ang pahihintulutang maglingkod sa kanya sa kanyang mga huling oras. Mayroong hiwaga at kakilabutan sa magaganap sa kanya, na iniuurong ng kanyang puso. Ang pinakamahigpit na pagsubok ay ang kanyang paghiwalay mula sa bayan na kanyang pinangalagaan at minahal, ang bayan na matagal nang kinalakipan ng kanyang pagmamalasakit at ng kanyang buhay. Subalit natutunan niyang magtiwala sa Dios, at may pananampalatayang hindi nag-aalinlangan ay itinalaga niya ang kanyang sarili at ang kanyang bayan sa Kanyang pag-ibig at kaawaan. MPMP 555.2

Sa kahuli-hulihang pagkakataon, si Moises ay tumindig sa kapisanan ng kanyang bayan. At muli ang Espiritu ng Dios ay sumakanya, at sa pinakamahusay at nakakikilos na wika ay bumigkas siya ng isang pagpapala para sa bawat lipi, at nagtapos sa isang panalangin para sa kanilang lahat: MPMP 555.3

“Walang gaya ng Dios, Oh Jeshurun,
Na sumasakay sa langit dahil sa pagtulong sa iyo,
At sa himpapawid dahil sa kanyang karangalan.
Ang walang hanggang Dios ay iyong dakong tahanan,
At sa ibaba'y ang walang hanggang mga bisig:
At kanyang itinutulak sa harap mo ang iyong mga kaaway,
At sinasabi, Lansagin mo.
At ang Israel ay tumatahang tiwala,
Ang bukal ng Jacob na nag-iisa,
Sa isang lupain ng trigo at alak;
Oo't, ang Kanyang mga langit ay nagbababa ng hamog.
Maginhawa ka, Oh Israel:
Sino ang gaya mo, bayang iniligtas ng Panginoon, ng kalasag na iyong tulong.” Deuteronomio 33:26-29
MPMP 555.4

Si Moises ay tumalikod sa kapisanan, at sa katahimikan ay mag- isang pumanhik sa tabi ng bundok. Siya ay nagtungo sa “bundok ng Nebo, sa taluktok ng Pisga.” Sa itaas ng malungkot na taluktok na iyon ay tumindig siya, at tumingin na may malinaw na mga mata sa tanawing nakalatag sa harap niya. Sa malayong kanluran ay naroon ang bughaw na tubig ng Dakilang Dagat; sa hilaga, ay nakatindig ang Bundok ng Hermon na paturok sa kalawakan; sa silangan ay ang talampas ng Moab, at sa ibayo noon ay ang Basan, ang pinangyarihan ng pagtatagumpay ng Israel; at sa malayong timog ay nakalatag ang ilang na matagal nilang pinaglagalagan. MPMP 556.1

Sa katahimikan ay inalala ni Moises ang buhay niyang malaki ang ipinagbago at ang mga kahirapan buhat nang kanyang iwan ang mga karangalan sa palasyo at hinaharap na kaharian sa Ehipto, upang makiisa sa piniling bayan ng Dios. Inalala niya yaong mahahabang mga taon sa ilang kasama ng mga tupa ni Jetro, ang pagpapakita ng isang anghel sa nagniningas na mababang punong kahoy, at ang pagkakatawag sa kanya upang iligtas ang Israel. At muli nakita niya ang makapangyarihang mga himala ng kapangyarihan ng Dios na ipinahayag alang-alang sa kanyang piniling bayan, at ang kanyang matiising kaawaan noong mga taon ng kanilang paglalagalag at paghihimagsik. Sa kabila ng lahat ng ginawa ng Dios para sa kanila, sa kabila ng sarili niyang mga dalangin at pagpapagal, dalawa lamang sa lahat ng mga may gulang na sa malaking hukbo na umalis sa Ehipto, ang nasumpungang tapat at maaaring pumasok sa Lupang Pangako. Samantalang inaalala ni Moises ang bunga ng kanyang mga pagpapagal, ang buhay niyang puno ng pagsubok at pagsasakripisyo ay tila halos nawalan ng saysay. MPMP 556.2

Gano'n pa man hindi niya pinagsisisihan ang mga pagpapagal na kanyang pinasan. Alam niya na ang kanyang misyon at gawain ay itinalaga ng Dios. Nang unang tawagin upang maging pinuno ng Israel mula sa pagkaalipin, siya ay umurong sa kapanagutan; subalit mula nang pasanin niya ang gawain, ay hindi niya inilapag ito. Maging noong ang Panginoon ay nag-alok na pakakalasin na siya, at pupuksain na ang mapaghimagsik na Israel, si Moises ay hindi pumayag. Bagaman naging mabigat ang kanyang mga pagsubok, nagkaroon siya ng natatanging pagpapahayag ng kaluguran ng Dios; siya ay nagkaroon ng mayamang karanasan sa panahon ng paglalakbay sa ilang, sa pagsaksi sa pagpapahayag ng kapangyarihan at kaluwalhatian ng Dios, at sa pakikiugnay sa kanyang pag-ibig; kanyang nada- ma na mabuti ang kanyang naging kapasyahan sa pagpiling maghirap na kasama ng bayan ng Dios, sa halip na magsaya sa mga kaligayahan ng kasalanan sa maikling panahon. MPMP 556.3

Sa pagtingin niya sa kanyang karanasan bilang pinuno ng bayan ng Dios, isang pagkakamali ang sumira sa kanyang tala. Kung ang pagsalangsang na iyon ay maaaring hindi mapawi, nadadama niya na hindi siya uurong sa kamatayan. Mayroon siyang katiyakan na ang pagsisisi, at pananampalataya sa ipinangakong hain, ang kailangan lamang ng Dios, at muling ipinagtapat ni Moises ang kanyang kasalanan, at humiling ng tawad sa ngalan ni Jesus. MPMP 557.1

At ngayon isang magandang tanawin ng lupang pangako ang inihayag sa kanya. Ang bawat bahagi ng bansa ay nakalatag sa harap niya, hindi sa malabo at di tiyak na dumidilim sa kalayuan, kundi sa malinaw, kitang-kita, at maganda sa kanyang nasisiyahang paningin. Sa tanawing ito ay ipinakita, hindi kung ano iyon noon, kundi kung anong mangyayari doon, dahilan sa pagpapala ng Dios doon, sa pag- aari ng Israel. Nagtila tumitingin siya sa ikalawang Eden. Mayroong mga bundok na nararamtan ng mga sedro ng Libano, mga burol na nagkukulay abo dahil sa olibo at mabangong amoy ng ubasan, malapad na luntiang mga kapatagan na nagliliwanag dahil sa mga bulaklak at mayaman sa pagkamabunga, narito ang mga palma ng tropiko, naroon ang mga kumakaway na mga bukid ng trigo at ng cebada, naaarawang mga libis na may himig ng mga lagaslas ng mga sapa at awit ng mga ibon, rnabubuting mga bayan at magagandang mga hardin, mga lawa na mayaman sa “kasaganahan ng mga dagat,” mga kawan na nanginginain sa tabi ng mga burol, at sa gitna ng malalaking mga bato ay ang mga pulot pukyutan. Tunay ngang iyon ay isang lupain na sa pagkakalarawan ni Moises sa ilalim ng inspirasyon ng Espiritu ng Dios, ay inilarawan sa Israel: “Pinagpala ng Panginoon...sa mga mahahalagang bagay ng langit, sa hamog, at sa kalaliman ng nasa ilalim niya, at sa mga mahalagang bagay na ipinatubo ng araw...at sa pinakamarikit na mga bagay ng matandang bundok...at sa mahahalagang bagay ng lupa at kapunuan niyaon.” MPMP 557.2

Nakita ni Moises ang piniling bayan na itinatag sa Canaan, ang bawat lipi sa kanyang sariling pag-aari. Nakita niya ang kanilang kasaysayan matapos ang kanilang paglipat upang manirahan sa lupang ipinangako; ang mahaba, at malungkot na kasaysayan ng kanilang pagtalikod at ang kaparusahan noon ay inilahad sa harap niya. Nakita niya sila, na dahil sa kanilang mga kasalanan, ay nangalat sa mga di kumikilala sa Dios, ang kaluwalhatian ay nawalay sa Israel, ang kanyang magagandang mga bayan ay naguho, at ang mga tao ay nabihag sa di kilalang mga lupain. Nakita niya silang naibalik sa lupain ng kanilang mga magulang, at sa wakas ay napailalim sa kapangyarihan ng Roma. MPMP 557.3

Siya ay pinahintulutang tumingin sa landas ng panahon, at nakita niya ang unang pagparito ng ating tagapagligtas. Nakita niya si Jesus na isang sanggol sa Betlehem. Narinig niya ang tinig ng mga anghel na pumailanlang sa masayang awit ng pagpuri sa Dios at kapayapaan sa lupa. Nakita niya sa mga langit ang bituin na gumabay sa mga pantas na lalaki mula sa Silangan tungo kay Jesus, at ang dakilang liwanag ay binaha ang kanyang isipan habang inaalala niya ang mga salita ng hulang, “Lalabas ang isang bituin sa Jacob, at may isang setro na lilitaw sa Israel.” Mga Bilang 24:17. Nakita niya ang abang buhay ni Kristo sa Nazaret, ang Kanyang ministeryo ng pag-ibig at kaawaan at pagpapagaling, ang pagtanggi sa Kanya ng isang palalo, at hindi naniniwalang bayan. May pagkamangha siyang nakinig sa kanilang pagtatanyag sa kautusan ng Dios, samantalang kanilang iti- natakwil at tinatanggihan Siya na nagbigay ng kautusan. Nakita niya si Jesus sa bundok ng Olibo na may luhaang nagpapaalam sa lungsod ng kanyang pagmamahal. Samantalang minamasdan ni Moises ang huling pagtakwil ng bayan na lubos na pinagpala ng Langit—alang-alang sa kanila siya ay nagpagal at nanalangin at nag- sakripisyo, ay naging laan upang ang sarili niyang pangalan ay mapa- wi mula sa aklat ng buhay. Samantalang pinapakinggan niya yaong kilabot na mga salitang, “Narito, ang inyong bahay ay iniiwan sa inyong wasak” (Mateo 23:38), ang kanyang puso ay napiga sa lung- kot, at mapait na luha ang tumulo mula sa kanyang mga mata, sa pakikiramay sa kalungkutan ng Anak ng Dios. MPMP 558.1

Sinundan niya ang Tagapagligtas tungo sa Getsemane, at nakita ang labis na kalungkutan sa hardin, ang pagkanulo, ang mga pagtata- wa at mga paghampas, ang pagpapako sa krus. Nakita ni Moises na kung paanong itinaas niya ang ahas sa ilang, gano'n din naman ang Anak ng Dios ay kinakailangang maitaas, upang sinomang sumam- palataya sa Kanya “ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng bu- hay na walang hanggan.” Juan 3:15. Labis na pagkalungkot, galit, at takot ang pumuno sa puso ni Moises, samantalang minamasdan niya ang pagkukunwari at may pagka demonyong galit na ipinakita ng bansang Hudyo laban sa kanilang Tagatubos, ang makapangyarihang Anghel na una kaysa sa kanilang mga magulang. Narinig niya ang naghihirap na pag-iyak ni Kristo na, “Dios ko, Dios ko bakit mo Ako pinabayaan?” Marcos 15:34. Nakita Niya Siyang nakahiga sa bagong libingan ni Jose. Ang kadiliman ng kawalan ng pag-asa ay tila bumalot sa daigdig. Subalit tumingin siyang muli, at nakita niyang bumabangon Siya na isang nagtagumpay, at umaakyat sa langit na sinasabayan ng mga pumupuring mga anghel, at nangunguna sa isang kapisanan ng mga nabihag. Nakita niya ang nagniningning sa mga pintuang daan na nakabukas upang siya ay tanggapin, at ang hukbo ng langit na may mga awit ng pagtatagumpay na tinatanggap ang kanilang Pinuno. At doon ay ipinahayag sa kanya na siya mismo ay magiging isa doon sa tutulong sa Tagapagligtas, at magbubukas para sa kanya sa walang hanggan na mga pintuang daan. Samantalang minamasdan niya ang tanawin, ang kanyang anyo ay nagniningning ng banal na liwanag. Napakaliit ng kanyang mga pagsubok at sakripisyo sa buhay, kompara sa naranasan ng Anak ng Dios! napakagaan kung ihahambing sa “lalo't lalong bigat ng kaluwalha- tiang walang hanggan”! 2 Corinto 4:17. Siya ay nagalak sapagkat siya ay pinahintulutang, maging sa maliit na sukat, na makabahagi sa mga paghihirap ni Kristo. MPMP 558.2

Nakita ni Moises ang mga alagad ni Kristo sa kanilang paghayo upang dalhin ang Kanyang ebanghelyo sa mundo. Nakita niya na bagaman minaliit ang bayan ng Israel “ayon sa laman,” ang mataas na katayuang itinawag sa kanila ng Dios, at dahil sa hindi nila paniniwala, sila ay hindi naging liwanag ng sanlibutan, bagaman kanilang itinakwil ang kahabagan ng Dios, at hindi na karapatdapat sa pagpapala bilang piniling bayan ng Dios, gano'n pa man ay hindi ng Dios itinakwil ang binhi ni Abraham; ang maluwalhating mga panukala na kanyang isinasakatuparan sa pamamagitan ng Israel ay magaganap. Ang lahat, na sa pamamagitan ni Kristo, ay magiging mga anak ng pananampalataya, ay ibibilang na mga binhi ni Abraham; sila ay mga tagapagmana ng mga pangako ng tipan; tulad ni Abraham, sila ay tinawagan upang ingatan at ipahayag sa mundo ang kautusan ng Dios at ang ebanghelyo ng Kanyang Anak. Nakita ni Moises ang liwanag ng ebanghelyo na nagniningning, sa pamamagitan ng mga alagad ni Jesus, sa kanila na “nalulugmok sa kadiliman” (Mateo 4:16), at libu-libong mula sa mga Hentil na natitipon sa liwanag noon na bumabangon. At samantalang nagmamasid, siya ay nagalak sa pagda- mi at pag-unlad ng Israel. MPMP 561.1

At ngayon isa pang pangitain ang sumapit sa kanya. Ipinakita sa kanya ang gawain ni Satanas na akayin ang mga Hudyo sa pagtakwil kay Kristo, samantalang sila ay nag-aangking pinararangalan ang kautusan ng kanyang Ama. Kanya ngayong nakita ang sangka- Kristianuhan na nasa gano'n ding pagkalinlang sa pag-aangking tina- tanggap ni Kristo samantalang tinatanggihan ang kautusan ng Dios. Narinig niya mula sa mga saserdote at mula sa mga matanda ang sigaw na, “Alisin Siya!” “Ipako Siya, ipako Siya!” at ngayon ay narinig niya sa mga nag-aangking mga Kristianong tagapagturo ang sigaw na, “Alisin ang kautusan!” Nakita niya ang Sabbath na niyuyurakan, at isang huwad na institusyon ang itinatag na kapalit noon. At muli si Moises ay nagkaroon ng labis na pagtataka at labis na takot. Paano magagawa ng mga naniniwala kay Kristo na itakwil ang kautusan na kanyang ipinahayag sa pamamagitan ng sarili niyang tinig sa banal na bundok? Paanong ang sinuman na may pagkatakot sa Dios ay magwalang bahala sa kautusan na siyang pundasyon ng kanyang pamamahala sa langit at sa lupa? May galak na nakita ni Moises ang kautusan ng Dios na iginagalang pa rin at itinaas ng ilang mga tapat. Nakita niya ang huling dakilang pagsisikap ng mga kapangyarihan sa mundo na patayin yaong nag-iingat sa kautusan ng Dios. Tumingin siya sa hinaharap na panahon kung kailan ang Dios ay babangon upang parusahan ang mga naninirahan sa lupa dahil sa kanilang kasalanan, at yaong may pagkatakot sa Kanyang pangalan ay tatakpan at maikukubli sa araw ng Kanyang kagalitan. Narinig niya ang tipan ng Dios ng kapayapaan doon sa mga nag-ingat sa Kanyang kautusan, samantalang ang Kanyang tinig ay Kanyang pinapailanglang mula pa sa Kanyang banal na tirahan, at ang mga langit at ang lupa ay nayanig. Nakita niya ang ikalawang pagdating ni Kristo sa kaluwalhatian, ang mga matuwid na patay ay ibinangon tungo sa buhay na walang hanggan, at ang mga buhay na banal ay inilipat na hindi nakatikim ng kamatayan, at magkasamang tumataas na may mga awit ng kagalakan tungo sa bayan ng Dios. MPMP 562.1

Isa pang tanawin ang nabuksan sa kanyang paningin—ang lupa ay malaya na sa sumpa, higit na kaibig-ibig kay sa Lupang Pangako na unang nahayag sa harap niya. Walang kasalanan, at ang kamatayan ay hindi nakapapasok. Doon ang mga bayan ng mga ligtas ay naka- sumpong ng kanilang walang hanggang tahanan. May kagalakang hindi mabigkas, si Moises ay tumingin sa tanawin—ang katuparan ng higit pang maluwalhating pagkaligtas kay sa pinakamaluwalhati niyang pag-asa na kanyang nailarawan. Ang kanilang paglalagalag sa mundo ay walang hanggan nang lumipas, ang Israel ng Dios sa wakas ay nakapasok na sa matabang lupain. MPMP 562.2

At muli ang pangitain ay nawala, at ang kanyang mga mata ay nanahan sa lupain ng Canaan sa pagkakalatag noon sa malayo. At, tulad sa isang pagod na mandirigma, siya ay nahiga upang mamahinga. “Sa gayo'y si Moises na lingkod ng Panginoon ay namatay roon sa lupain ng Moab ayon sa salita ng Panginoon. At Kanyang inilibing siya sa libis sa lupain ng Moab na nasa tapat ng Beth-peor: ngunit sinomang tao ay hindi nakaalam ng libingan niya.” Marami sa hindi naging handa na makinig sa mga payo ni Moises samantalang siya ay kasama pa nila, ay maaaring napasa panganib ng pagsamba sa diyus- diyusan sa kanyang bangkay, kung nalaman nila ang dako na pinaglibingan sa kanya. Dahil dito iyon ay ikinubli sa tao. Subalit inilibing ng mga anghel ng Dios ang bangkay ng Kanyang tapat na lingkod, at binantayan ang malungkot na libingan. MPMP 563.1

“At wala pang bumangong propeta sa Israel na gaya ni Moises, na kilala ng Panginoon sa mukhaan, sa lahat ng mga tanda at mga kababalaghan na iniutos ng Panginoon...at sa buong makapangyarihang kamay at sa buong dakilang kakilabutan, na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel.” MPMP 563.2

Kung ang buhay ni Moises ay hindi nasira ng isang kasalanang iyon, sa hindi pagbibigay ng kaluwalhatian sa Dios sa pagpapalabas ng tubig mula sa bato sa Kades, siya sana ay nakapasok sa Lupang Pangako, at sana'y nadala sa langit na hindi nakatikim ng kamatayan. Subalit hindi siya matagal na nanatili sa libingan. Si Kristo, kasama ng Kanyang mga anghel na naglibing kay Moises, ay bumaba mula sa langit upang tawagin ang banal na natutulog. MPMP 563.3

Si Satanas ay nagalak sa kanyang pagtatagumpay na si Moises ay gumawa ng kasalanan laban sa Dios, at mapailalim sa kapangyarihan ng kamatayan. Ipinahayag ng dakilang kaaway na ang pahayag ng Dios na—“Sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi” (Genesis 3:19) —ay nagbibigay sa kanya ng pagmamay-ari sa patay. Ang kapangyarihan ng libingan ay hindi pa kailan man nawawasak, at ang lahat ng nasa libingan ay inaangkin niyang kanyang mga bihag, at hindi na kailan man pakakawalan sa kanyang madilim na kulungan. MPMP 563.4

Sa kauna-unahang pagkakataon, si Kristo ay magbibigay ng buhay sa patay. Samantalang ang Prinsipe ng buhay at ang mga kinapal na nagniningning ay lumalapit sa libingan, si Satanas ay nabahala sa kanyang kapangyarihan. Kasama ng kanyang masasamang mga anghel siya ay tumindig upang hadlangan ang pananalakay sa teritoryo na kanyang inaangkin. Kanyang ipinagmalaki na ang lingkod ng Dios ay naging kanyang bihag. Kanyang ipinahayag na maging si Moises ay hindi nakasunod sa kautusan ng Dios; at kanyang inilapat sa kanyang sarili ang kaluwalhatian na ukol kay Jehova—ang kasalanan na siya ring naging sanhi ng pagpapaalis kay Satanas mula sa langit— at sa pamamagitan ng pagsalangsang ay napasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Inulit ng punong manlilinlang ang dating ibini- bintang niya laban sa pamahalaan ng Dios, at inulit ang kanyang mga reklamo sa kawalan ng katarungan ng Dios sa kanya. MPMP 564.1

Si Kristo ay hindi yumuko upang pumasok sa isang pakikipagtalo kay Satanas. Maaari sana Niyang binanggit sa kanya ang masamang gawain ng paglilinglang na kanyang ginawa sa langit na naging sanhi ng pagkapahamak ng malaking bilang ng mga naninirahan doon. Binanggit sana Niya ang kasinungalingang isinaysay sa Eden, na naging sanhi ng pagkakasala ni Adan at naghatid ng kamatayan sa sangkatauhan. Maaaring ipinaalala sana Niya kay Satanas na siya ang may gawa ng panunukso sa Israel upang magreklamo at maghimag- sik, na nagpayamot sa mahabang pagpapasensya ng kanilang pinuno, at sa hindi naingatang sandali ay binigla siya tungo sa kasalanan na dahil doon siya ay nahulog sa kapangyarihan ng kamatayan. Subalit iniugnay ni Kristo ang lahat sa Ama, sa pagsasabing, “Sawayin ka nawa ng Panginoon.” Judas 9. Ang Panginoon ay hindi pumasok sa palakipagtalo sa kalaban, kundi noon at doon ay sinimulan ang Kanyang gawain ng pagwasak sa kapangyarihan ng nahulog na kalaban, at pagbuhay sa patay. Narito ang isang katibayan na hindi ni Satanas malalabanan, tungkol sa kapangyarihan ng Anak ng Dios. Ang pagkabuhay na maguli ay tiniyak na pangwalang-hanggan. Ang bihag ni Satanas naagaw sa kanya; ang namatay na matuwid ay ma- bubuhay muli. MPMP 564.2

Dahil sa kasalanan, si Moises ay napasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Sa kanyang sariling kabutihan siya ay marapat na bihag ng kamatayan; subalit siya ay ibinangon tungo sa buhay na walang hanggan, na pinanghahawakan bilang kanyang karapatan sa ngalan ng Tagapagtubos. Si Moises ay bumangon mula sa libingan na nilulwal- hati, at siya ay pumanhik kasama ng kanyang Tagapagligtas tungo sa bayan ng Dios. MPMP 565.1

Hindi pa kailan man nangyari, hanggang sa iyon ay nahayag sa sakripisyo ni Kristo, na ang katarungan at pag-ibig ng Dios ay malinaw na nahayag ng higit sa Kanyang mga pakikitungo kay Moises. Hindi ng Dios pinapasok si Moises sa Canaan, upang magturo ng liksiyon na hindi kailan man malilimutan—na ipinag-uutos niya ang tapat na pagsunod, at ang tao ay kinakailangang mag-ingat sa pagtanggap ng kaluwalhatiang ukol sa kanilang Manlalalang. Hindi Niya maaaring ipagkaloob ang kahilingan ni Moises na siya ay makabahagi sa mana ni Israel, subalit hindi niya kinalimutan o pinabayaan ang Kanyang lingkod. Naunawaan ng Dios ng langit ang paghihirap na tiniis ni Moises; binigyang pansin Niya ang bawat tapat na paglilingkod sa mga panahong iyon ng mahahabang mga taon ng kahirapan at mga pagsubok. Doon sa tuktok ng Pisga, ay tinawagan ng Dios si Moises sa isang mana na higit na maluwalhati sa Canaan sa lupa. MPMP 565.2

Sa bundok ng transpigurasyon, si Moises ay naroon kasama ni Elias na iniakyat. Sila ay sinugo bilang tagapagdala ng liwanag at kaluwalhatian mula sa Ama para sa Anak. At sa gano'n ang dalangin ni Moises, na binigkas marami nang taon ang nakalipas, ay natupad sa wakas. Siya ay tumindig sa “sa mabuting bundok,” sa nasasakupan ng mana ng Kanyang bayan, nagpapatotoo sa Kanya na siyang sentro ng lahat ng mga pangako sa Israel. Iyon ang kahulihang tagpo na ipinakita sa paningin ng tao sa kasaysayan ng taong iyon na lubos na pinarangalan ng langit. MPMP 565.3

Si Moises ay isang paglalarawan kay Kristo. Siya rin ang nagpahayag sa Israel, “Paglilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang Propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa Kanya kayo makikinig.” Deuteronomio 18:15. Nakita ng Dios na maka- bubuting sanayin si Moises na paaralan ng paghihirap at karukhaan, bago siya mahandang manguna sa hukbo ng Israel tungo sa Canaan sa lupa. Ang Israel ng Dios, na naglalakbay tungo sa makalangit na Canaan, ay mayroong Kapitan na hindi nangangailangan ng pagtu- turo ng tao upang mahanda Siya sa Kanyang gawain bilang isang banal na pinuno; gano'n pa man Siya ay “pinasakdal sa pamamagitan ng mga paghihirap;” at “palibhasa'y nagbata Siya sa pagkatukso, Siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.” Hebreo 2:10, 18. Ang ating Taga- pagtubos ay hindi nagkaroon ng kahinaan ng tao o pagkukulang; gano'n pa man Siya ay namatay upang matamo para sa atin ang pagpasok sa Lupang Pangako. MPMP 565.4

“At sa katotohanang si Moises ay tapat sa boong sangbahayan niya gaya ng lingkod, na pinakapatotoo sa mga bagay ng sasabihin pagkatapos; datapuwat si Kristo, gaya ng anak ay puno sa bahay Niya; na ang bahay niya ay tayo, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pag-asa natin hanggang sa katapusan.” Hebreo 3:5, 6. MPMP 566.1