Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

32/76

Kabanata 30—Ang Tabernakulo at ang mga Serbisyo

Ang kabanatang ito ay batay sa Exodo 25 hanggang 40; Levitico 4 at 16.

Ang utos ay ibinigay kay Moises samantalang nasa bundok na kasama ang Dios, “Kanilang igawa Ako ng isang santuwaryo; upang Ako'y makatahan sa gitna nila;” at kumpletong mga tagubilin ay ibinigay para sa pagtatayo ng tabernakulo. Dahil sa pagtalikod ang mga Israelita ay nawalan sila ng pagpapala ng pakikisama ng Dios, at sa panahong iyon ay naging imposible ang magtayo ng isang santu- wario para sa Dios sa kanilang kalagitnaan. Subalit nang sila ay maiba- lik sa kaluguran ng Langit, ang dakilang pinuno ay kumilos upang isakatuparan ang utos ng Dios. MPMP 405.1

Ang mga piniling lalaki ay bukod tanging pinagkalooban ng Dios ng kakayanan at karunungan para sa pagpapagawa ng banal na gusali. Ang Dios mismo ang nagbigay kay Moises ng piano ng pagyari noon, na may mga takdang tagubilin ang mga sukat at anyo, ang materiales na gagamitin, at bawat kasangkapan na ilalagay doon. Ang mga banal na dakong ginawa ng kamay ay magiging “kahalintulad lamang ng tunay,” “mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan” (Hebreo 9:24, 23)—isang maliit na anino ng makalangit na templo kung saan si Kristo, ang ating Dakilang Saserdote, matapos na ihandog ang Kanyang buhay bilang isang hain, ay maglilingkod para sa kapa- kanan ng nagkasala. Nagpakita ang Dios kay Moises sa bundok ng isang tanawin ng makalangit na santuwario, at inutusan siyang gawin ang lahat ng bagay ayon sa halimbawang ipinakita sa kanya. Ang lahat ng mga tagubiling ito ay maingat na isinulat ni Moises, na siyang nagsaysay naman nito sa mga pinuno ng bayan. MPMP 405.2

Para sa pagtatayo ng santuwario ay nangangailangan ng marami at mamahaling mga paghahanda; isang malaking halaga ng pinakamama- halin at pinakamahalagang materiales ang kailangan; gano'n pa man ang tinanggap lamang ng Panginoon ay yaong mga malayang handog. “Ang bawat tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ng handog sa Akin,” ang iniutos ng Dios na inulit ni Moises sa kapisanan. Ang pagtatalaga sa Dios at espiritu ng pagsa- sakripisyo ang unang kailangan sa paghahanda ng isang dakong titirhan ng Kataastaasan sa Lahat. MPMP 405.3

Ang bayan ay tumugon ng may pagkakaisa. “At sila'y lumapit, lahat ng tao na napukaw ang kalooban, at lahat na pinapagkusa ng sariling diwa, at nagdala ng paghahandog sa Panginoon, sa gawain sa tabernakulo ng kapisanan, at sa buong ipaglilingkod at sa mga banal na kasuutan. At sila'y naparoon, mga lalaki at mga babae, yaong lahat na nagkaroon ng kusang loob, at nagdala ng mga espile, at mga hikaw, at ng mga singsing na panatak, at ng mga pulsera, ng mada- lang hiyas na ginto; sa makatuwid baga'y lahat na naghandog ng handog na ginto sa Panginoon.” MPMP 406.1

“At bawat taong may kayong bughaw, at kulay ube, at pula, at lino, at balahibo ng mga kambing, at balat ng mga tupa na tininang pula at ng mga balat ng poka, ay nangagdala. Ang lahat na naghandog ng handog na pilak at tanso, ay nagdala ng handog sa Panginoon: at lahat ng taong may kahoy na akasia na magagamit sa anomang gawa ng paglilingkod ay nagdala.” MPMP 406.2

“At lahat ng mga babaing matatalino ay nagsihabi ng kanilang mga kamay, at dinala ang kanilang mga hinabi, na kayong bughaw, at kulay ube, at pula, at lino. At lahat ng mga babae na napukaw ang kalooban, sa karunungan, ay nagsihabi ng balahibo ng mga kambing.” MPMP 406.3

“At ang mga pinuno ay nagdala ng mga batong onix, at ng mga batong pangkalupkop na gamit sa epod, at sa pektoral; at ng mga espesia, at ng langis; na pangilawan, at langis na pangpahid, at pang- mabangong kamangyan.” Exodo 35:23-28. MPMP 406.4

Samantalang ang paggawa ng santuwario ay nagpapatuloy, matanda at bata—mga lalaki at mga babae, at mga anak—ay nagpatuloy sa paghahatid ng kanilang mga handog, hanggang sa makita ng mga nangangasiwa sa paggawa na mayroon na silang sapat, at higit pa sa maaaring magamit. At ipinag-utos ni Moises sa buong kampamento, “Huwag nang gumawa ang lalaki o ang babae man sa anomang gawang handog sa santuwario. Na ano pa't sinangsala na ang bayan sa pagdadala.” Ang mga pagmumukmok ng mga Israelita at ang mga pagpataw ng mga kahatulan ng Panginoon dahil sa kanilang mga kasalanan ay itinala bilang isang babala para sa mga sumusunod na henerasyon. At ang kanilang pag-ibig, kasigasigan, at pagiging mapag- bigay, ay mga halimbawa na marapat tularan. Ang lahat ng umiibig sa pagsamba sa Dios at pinahahalagahan ang pagpapala ng Kanyang banal na presensya ay magpapakita ng gano'n ding espiritu ng pagsa- sakripisyo sa paghahanda ng isang tahanan kung saan Siya ay maaaring makipagtagpo sa kanila. Nanaisin nilang maghatid sa Panginoon ng pinakamabuti nilang tinatangkilik. Ang isang tahanang ginawa para sa Dios ay di kinakailangang maiwan sa pagkakautang, sapagkat sa gano'ng paraan Siya ay nalalapastangan. Ang halagang kailangan upang matapos ang gawain ay kinakailangang malayang maipagka- loob, upang ang mga gumagawa ay makapagsabi, gaya ng mga gumawa ng tabernakulo, “Huwag nang maghatid ng mga handog.” MPMP 406.5

Ang pagkakagawa ng tabernakulo ay yaong makakalas at madadala ng mga Israelita sa kanilang mga paglalakbay. Kaya't iyon ay maliit, hindi humigit sa limampu't limang talampakan ang haba at labing walong talampakan ang lapat at ang taas. Gano'n pa man ang pag- kakayari noon ay kahanga-hanga. Ang kahoy na ginamit para sa gusali at sa mga kasangkapan ay yaong galing sa puno ng akasia, na pinamakatagal mabulok sa lahat ng kahoy na masusumpungan sa Sinai. Ang mga dingding ay binubuo ng mga matuwid na tabla, na nakahanay sa tuntungang pilak, at natatanganang mabuti ng mga haligi at ng mga barakilan; at lahat ay nababalutan ng ginto, ano pa't ang gusali ay mukhang purong ginto. Ang bubong ay binubuo ng apat na uri ng kurtina, ang kaloob-looban ay binubuo ng “linong pinili, at bughaw, at kulay ube, at pula, na may mga querubin na gawa ng bihasang manggagawa.” Ang tatlo pang uri ay yari sa balat ng kambing, balat ng lalaking tupa at balat ng seal, na gano'n na lamang ang pagkakaayos upang makapagbigay ng kumpletong proteksyon. MPMP 407.1

Ang gusali ay nahahati sa dalawa sa pamamagitan ng isang mama- halin at magandang kurtina, o lambong na itinataas ng mga ginin- tuang haligi; at isang kahawig na lambong ang sumasara sa pasukan ng unang dako. Ang mga ito, tulad ng pangloob ng tabing, na bu- mubuo ng atip, ay may napakagandang mga kulay bughaw, kulay ube, at pula, na maganda ang pagkakaayos, may burdang sinulid na ginto at pilak na anyo ng mga anghel upang kumatawan sa mga anghel na kaugnay sa gawain sa santuwario sa langit at mga espiri- tung naglilingkod sa bayan ng Dios sa lupa. MPMP 407.2

Ang banal na tolda ay nasa isang walang bubong na bakuran, na napapaligiran ng mga pabitin, o tabing, na linong pinili, na itinataas ng mga haliging tanso. Ang pasukan tungo sa bakurang ito ay nasa gawing silangan. Iyon ay sinarhan ng mamahaling tela at maganda ang pagkakagawa, bagaman hindi kasing ganda noong ginamit sa santuwario. Sapagkat ang tabing ng bakuran ay kalahati lamang ng taas ng dingding ng tabernakulo, ang tolda ay kitang-kita ng mga tao sa labas. Sa patio, na malapit sa pasukan, ay naroon ang tansong dambana ng handog na susunugin. Sa dambanang ito sinusunog ang lahat ng mga hain sa pamamagitan ng apoy na ukol sa Panginoon, sa mga sungay nito iwiniwisik ang dugong pantubos. Sa pagitan ng dambana at ng pinto ng tabernakulo ay naroon ang hugasan, na yari din sa tanso, galing sa mga salamin na naging malayang handog ng mga babae ng Israel. Sa hugasan ang mga saserdote ay naghuhugas ng kanilang mga kamay at paa sa tuwing sila ay papasok sa mga banal na dako, o tuwing lalapit sa dambana upang maghain ng handog na susunugin ukol sa Panginoon. MPMP 407.3

Sa unang silid, o banal na dako, ay naroon ang dulang ng tinapay na handog, ang kandelero, o lagayan ng ilaw, at ang dambana ng kamangyan. Ang dulang ng tinapay na handog ay nasa gawing hila- ga. May napapalamutiang ibabaw, iyon ay balot ng purong ginto. Sa dulang na ito ang mga saserdote tuwing Sabbath ay naglalagay ng labindalawang tinapay, nakaayos sa dalawang patas, at winisikan ng kamangyan. Ang mga tinapay na inalis, sapagkat itinuturing na banal, ay kakainin ng mga saserdote. Sa gawing timog ay ang kan- delerong may pitong sanga, na may pitong ilawan. Ang mga sangang yaon ay napapalamutian ng mga bulaklak na maganda ang pagkakagawa, na mukhang mga lirio, at ang buong iyon ay yari mula sa isang buong piraso ng ginto. Doon sapagkat walang mga bintana ang tabernakulo, ang mga ilawan kailanman ay hindi pinapatay ng sabay- sabay, at nagbibigay ng kanilang liwanag araw at gabi. Malapit sa lambong na naghihiwalay sa banal na dako mula sa kabanal-banalang dako at kinaroroonan ng presensya ng Dios, naroon ang gintong dambana ng kamangyan. Sa dambanang ito ang mga saserdote ay nagsusunog ng kamangyan tuwing umaga at gabi; ang mga sungay nito ay dinadampian ng dugo ng handog ukol sa kasalanan, at iyon ay winiwisikan ng dugo sa dakilang Araw ng Pagtubos. Ang apoy sa dambanang ito ay sinisindihan mismo ng Dios at pinakaii-ngatang banal. Araw at gabi ang halimuyak ng banal na kamangyan ay kumakalat sa bawat bahagi ng mga banal na silid, maging sa labas, malayo sa palibot ng tabernakulo. MPMP 408.1

Sa kabila ng lambong sa loob ay ang kabanal-banalang dako, kung saan nakasentro ang mapaglarawang serbisyo ng pagtubos at pama- magitan, at kung saan nabubuo ang dakong ugnayan sa pagitan ng langit at ng lupa. Sa silid na ito nakalagay ang kaban, isang kahon na yari sa akasia na nababalutan sa loob at sa labas ng ginto, at may- roong koronang ginto sa ibabaw. Iyon ay ginawang lagayan ng mga tapyas ng bato, na kinaroroonan ng Sampung Utos na ang Dios mismo ang nagsulat. Kaya't iyon ay tinawag na kaban ng patotoo ng Dios, o kaban ng tipan, sapagkat ang Sampung Utos ay batayan ng tipan ng Dios at ng Israel. MPMP 411.1

Ang takip ng banal na kahon ang tinawag na luklukan ng awa. Ito ay yari sa isang buong piraso ng ginto, at may nakapatong na queru- bing ginto, isa ang nakatayo sa bawat dulo. Ang isang pakpak ng bawat anghel ay nakaunat sa itaas, samantalang ang isa naman ay nakatakip sa katawan (tingnan ang Ezekiel 1:11) bilang tanda ng paggalang at pagpapakumbaba. Ang posisyon ng querubin, na mag- kaharap sa isa't-isa, at magalang na nakatingin sa ibaba sa kaban, ay inihahayag kung paano iginagalang ng mga naninirahan sa langit ang kautusan ng Dios at ang kanilang interes sa panukala ng pagtubos. MPMP 411.2

Sa itaas ng luklukan ng awa ay naroon ang Shekinah, ang pagpa- pahayag ng pakikiharap ng Dios; at mula sa pagitan ng mga querubin, ay ipinapahayag ng Dios ang Kanyang kalooban. Minsan ang mga mensahe ng Dios ay inihahayag sa mga saserdote sa pamamagitan ng isang tinig mula sa ulap. Minsan isang liwanag ang tatama sa anghel sa kanan, upang maghayag ng pagsang-ayon o pagtanggap, o kaya'y isang lilim o ulap ang iibabaw sa isa na nasa kaliwa upang magpaha- yag ng di pagsang-ayon o ng pagtanggi. MPMP 411.3

Ang kautusan ng Dios, na nakalagay sa loob ng kaban, ang daki- lang batas ng katuwiran at kahatulan. Ang kautusang iyon ay nagpa- pataw ng kamatayan sa sumusuway; subalit sa itaas ng kautusang iyon ay naroon ang luklukan ng awa, kung saan ang presensya ng Dios ay nahahayag, at mula doon, sa pamamagitan ng pagtubos, ang pagpapatawad ay ibinibigay sa nagsisising makasalanan. Gano'n din sa gawain ni Kristo para sa ating ikaliligtas, sinisimbolohan ng serbisyo sa santuwario. “Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.” Awit 85:10. MPMP 411.4

Walang salitang makapaglalarawan sa kaluwalhatiang makikita sa loob ng santuwario—ang mga ginintuang dingding na nasisinagan ng liwanag mula sa kandelero, ang matingkad na mga kulay burdadong mga kurtina at ng nagniningning na mga anghel, ang dulang, at ang dambana ng kamangyan, nagkikinangang ginto; sa kabila ng ikala- wang lambong ang banal na kaban, at ang mahiwagang mga querubin, at sa itaas noon ang Shekinah, ang nakikitang pagpapahayag ng presensya ni Jehova; ang lahat ay pawang isang malabong anino ng kaluwalhatian ng templo ng Dios sa langit, ang dakilang sentro ng gawain para sa ikaliligtas ng tao. MPMP 411.5

Halos kalahating taon ang ginugol sa pagtatayo ng templo. Nang iyon ay matapos, sinuri ni Moises ang lahat ng ginawa ng mga manggagawa, ikinukumpara iyon sa halimbawang ipinakita sa kanya sa bundok at sa mga tagubiling tinanggap niya mula sa Dios. “Kung paanong iniutos ng Panginoon ay gayon nila ginawa: at pinagbabas- basan ni Moises.” May matamang kasabikan ang mga karamihan ng Israel ay nagsiksikan sa palibot upang tingnan ang banal na gusali. Samantalang kanilang minumuni-muni ang tanawin na may maga- lang na pagkasiya, ang haliging ulap ay tumapat sa ibabaw ng santuwario, bumaba, at sinakluban iyon. “At pinuno ng Panginoon ng kaluwalhatian ang tabernakulo.” Nagkaroon ng pagpapahayag ng karilagan ng Dios, at nagkaroon ng panahon na maging si Moises ay hindi maaaring pumasok. May malalim na damdaming minasdan ng bayan ang tanda na ang gawa ng kanilang mga kamay ay tinanggap. Walang malakas na pagpapahayag ng kagalakan. Isang solemneng pagkamangha ang nanahan sa bawat isa. Subalit ang kagalakan ng kanilang mga puso ay umapaw sa pamamagitan ng mga luha ng kagalakan, at sila'y matahimik na nag-usapan, ng taimtim na mga salita ng pasasalamat na ang Dios ay bumaba upang tumahan kasama nila. MPMP 412.1

Ipinag-utos ng Dios na ang lipi ni Levi ay ibukod para sa pagli- lingkod sa santuwario. Noong kauna-unahang mga panahon ang bawat lalaki ang saserdote ng sarili niyang sambahayan. Noong mga panahon ni Abraham ang pagkasaserdote ay ibinibilang na karapatan ng pagkapanganay ng pinakapanganay na anak na lalaki. Ngayon, sa halip na ang lahat ng panganay ng buong Israel, tinanggap ng Panginoon ang lipi ni Levi para sa gawain ng santuwario. Sa pamamagitan ng hayag na pagpaparangal na ito ay ipinakita Niya ang Kanyang pagsang-ayon sa kanilang katapatan, kapwa sa pananatili sa paglilingkod sa kanila at sa pagsasakatuparan ng Kanyang mga kahatulan nang ang Israel ay tumalikod sa pamamagitan ng pagsamba sa gintong guya. Ang pagkasaserdote, gano'n pa man, ay para lamang sa sambahayan ni Aaron. Si Aaron at ang kanyang mga anak lamang ang pinahintulutang maglingkod sa harap ng Panginoon; ang ibang kalipi ay pinagkatiwalaan ng pag-iingat sa tabernakulo at sa mga kagamitan doon, at sila ay tutulong sa mga saserdote sa kanilang paglilingkod, subalit hindi sila maaaring maghain, o magsunog ng kamangyan, o tumingin sa mga banal na bagay hanggang hindi sila natatakluban. MPMP 412.2

Sang-ayon sa kanilang tungkulin, isang natatanging kasuotan ang itinalaga sa mga saserdote. “Gumawa ka ng banal na kasuotan ni Aaaron na iyong kapatid na ikaluluwalhati at ikagaganda,” ang iniutos ng Dios kay Moises. Ang damit ng pangkaraniwang saserdote ay linong puti, at linala upang maging isang piraso. Iyon ay umaabot halos sa paa at ikinapit sa baywang ng isang linong puti na pamigkis na may burdang bughaw, kulay ube, at pula. Isang linong turbante, o mitra, ang bumubuo sa kanyang panlabas na kasuotan. Si Moises sa nasusunog na mababang punong kahoy ay inutusan upang hubarin ang kanyang panyapak, sapagkat ang lugar na kanyang kinatatayuan ay banal. Kaya't ang mga saserdote ay di dapat pumasok sa santuwaryo na nakapanyapak. Ang maliliit na alikabok na nakakapit sa kanila ay maaaring makapagparumi sa banal na dako. Ang kanilang mga panyapak ay kinakailangang iwan sa patio bago pumasok ng santuwaryo, at saka maghugas ng kanilang mga kamay at paa bago maglingkod sa tabernakulo o sa dambana ng handog na susunugin. Sa gano'ng paraan ay itinuturo palagi na ang lahat ng karumihan ay kinakailangang maalis mula doon sa lumalapit sa presensya ng Dios. MPMP 413.1

Ang mga damit ng punong saserdote ay yari sa mamahaling tela at maganda ang pagkakagawa, angkop sa kanyang mataas na katayuan. Bilang karagdagan sa linong damit ng pangkaraniwang saserdote, siya ay nagsusuot ng damit na bughaw, na linala rin upang maging isang piraso. Sa paligid ng laylayan ay napapalamutian ng mga gintong kampanilya rin upang maging isang piraso. Sa paligid ng laylayan ay napapalamutian ng mga gintong kampanilya, granadang kayong bughaw, at kulay ube, at pula. Sa labas nito ay ang epod, isang mas maiksing damit na kulay ginto, bughaw, kulay ube, pula, at puti. Iyon ay ikinakapit na isang pamigkis na gano'n din ang mga kulay, na maganda ang pagkakagawa. Ang epod ay walang manggas, at sa mga balikat nito na may palamuting ginto ay may nakalagay na dalawang onix na bato, na may mga pangalan ng labindalawang lipi ng Israel. MPMP 413.2

Sa ibabaw ng epod ay ang pektoral, ang pinakabanal sa kasuutan ng saserdote. Ang tela nito ay tulad rin sa epod. Ang hugis nito ay parisukat, na may isang dangkal, at nakabitin mula sa mga balikat sa pamamagitan ng isang panaling bughaw na nakabit sa mga gintong singsing. Ang gilid nito ay binubuo ng iba't-ibang mahahalagang bato na katulad ng bumubuo sa labindalawang pinagsasaligan ng lungsod ng Dios. Nakapaloob sa gilid ang labindalawang bato na nakalagay sa ginto, nakaayos sa apat na hanay, at, gaya noong nakalagay sa balikat, ay nakaukit ang mga pangalan ng mga lipi. Iniutos ng Panginoon na, “Dadalhin ni Aaron sa kanyang sinapupunan ang mga anak ni Israel na nasa pektoral ng kahatulan pagka siya'y pu- mapasok sa dakong banal, na pinakaalaala sa harap ng Panginoon, na palagi.” Exodo 28:29. Gano'n din naman si Kristo, ang dakilang Punong Saserdote, na nakildusap ang Kanyang dugo sa harap ng Ama para sa makasalanan, nakaukit sa Kanyang puso ang pangalan ng bawat nagsisisi, at sumasampalatayang kaluluwa. Wika ng mang- aawit, “Ako'y dukha at mapagkailangan; gayon ma'y inaalaala ako ng Panginoon.” Awit 40:17. MPMP 414.1

Sa kanan at sa kaliwa ng pektoral ay may dalawang malalaking bato na napakakinang. Ang tawag sa mga ito ay Urim at Tummim. Sa pamamagitan nito inihahayag ng Dios ang Kanyang kalooban sa punong saserdote. Kapag may mga katanungang nangangailangan ng kapasyahan na dinadala sa Panginoon, isang sinag ng liwanag ang sumisinag sa nasa kanan bilang tanda ng pagsang-ayon o pagtanggap ng Dios, samantalang ang isang ulap na aanino sa nasa kaliwa ay katibayan ng pagtanggi o di pagsang-ayon. MPMP 414.2

Ang mitra ng punong saserdote ay turbanteng linong puti, sa pamamagitan ng isang listong bughaw, ay may nakadikit na ginto na ang nakaukit doon ay, “Banal sa Panginoon.” Bawat kasuutan at ayos ng saserdote ay kinakailangang makapagbigay ng impresyon sa tu- mitingin ng isang pagkadama ng kabanalan ng Dios, ang kabanalan ng pagsamba sa Kanya, at ang kadalisayang kinakailangan noong mga lumalapit sa Kanyang harapan. MPMP 414.3

Hindi lamang ang santuwario mismo, kundi pad ang paglilingkod ng saserdote, ang “nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan.” Hebreo 8:5. Kaya't iyon ay napakahalaga; at ang Panginoon, sa pamamagitan ni Moises, ay nagbigay ng pinakatiyak at pinakamaliwanag na tagubilin tungkol sa bawat bahagi ng aninong paglilingkod na ito. Mayroong dalawang uri ng paglilingkod sa santuwario, isang pang araw-araw at isang taunan. Ang pang araw-araw na paglilingkod ay isinasagawa sa dambana ng handog na susunugin sa patio ng tabernakulo at sa banal na dako; samantalang ang taunang paglilingkod ay sa kabanal-banalang dako. MPMP 414.4

Walang mata ninoman kundi ang sa punong saserdote ang maaaring tumingin sa kaloob-loobang bahagi ng santuwario. Minsan lamang sa isang taon makapapasok doon ang saserdote, at iyon ay pagkatapos pa ng pinakamaiingat at solemneng paghahanda. Nangi- nginig siyang pumapasok sa harapan ng Dios, at ang bayan sa isang magalang na katahimikan ay naghihintay sa kanyang pagbabalik, ang kanilang mga puso ay nangakatuon sa itaas sa taimtim na panana- langin para sa pagpapala ng Dios. Sa harap ng luklukan ng awa ang punong saserdote ay nagsasagawa ng pagtubos para sa Israel; at sa ulap ng kaluwalhatian, ang Dios ay nakikipagtagpo sa kanya. Ang kanyang pananatili dito ng higit sa pangkaraniwan ay kanilang pina- ngangambahan, dahil baka sa kanilang mga kasalanan o sa sarili ni- yang kasalanan siya ay namatay na sa kaluwalhatian ng Panginoon. MPMP 415.1

Ang araw-araw na paglilingkod ay binubuo ng pang-umaga at panggabing handog na susunugin, ang paghahandog ng mabangong kamangyan sa dambanang ginto, at ang mga tanging handog para sa kasalanan. At mayroon ding mga paghahandog kung bagong buwan, at natatanging mga pista. MPMP 415.2

Bawat umaga at gabi isang kordero na isang taon ang gulang ang sinusunog sa dambana, kasama ang angkop na handog na laman, sa ganoong paraan ay inilalarawan ang araw-araw na pagtatalaga ng bayan kay Jehova, at ang patuloy na pananalig nila sa pantubos na dugo ni Kristo. Malinaw na ipinag-utos ng Dios na ang bawat handog na ipagkakaloob sa serbisyo ng santuwaryo ay kinakailangang “walang kapintasan.” Exodo 12:5. Kinakailangang suriin ng mga saserdote ang bawat hayop na dinadala bilang hain, at kinakailangang tanggihan ang bawat isa na may masusumpungang kapintasan. Yaon lamang handog na “walang kapintasan” ang maaaring maging sim- bolo ng Kanyang sakdal na kadalisayan na maghahandog ng Kan- yang sarili bilang isang “korderong walang kapintasan at walang du- ngis.” 1 Pedro 1:19. Si apostol Pablo ay tinukoy ang mga haing ito bilang paglalarawan ng kinakailangang mangyari sa mga tagasunod ni Kristo. Wika niya, “Kaya nga mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaaya-aya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba.” Roma 12:1. Kinakailangang ipagkaloob natin ang ating mga sarili sa paglilingkod sa Dios, at kinakailangang sikapin natin na maging sakdal ang ating handog hanggat maaari. Ang Dios ay hindi masisiyahan sa anomang hindi aabot sa pinakamabuti nating maihahandog. Yaong mga umi- ibig sa Kanya nang buong puso, ay nanaising ibigay sa Kanya ang pinakamabuting paglilingkod ng buhay, at patuloy nilang sisikaping ang bawat kapangyarihan ng kanilang pagkatao ay maiangkop sa mga kautusang makapagpapabuti sa kanilang kakayanan upang gawin ang Kanyang kalooban. MPMP 415.3

Sa paghahandog ng kamangyan ang saserdote ay nadadala sa pinakatapat ng presensya ng Dios kaysa ibang gawain sa araw-araw na paglilingkod. Sapagkat ang pangloob na lambong ay hindi umaabot sa itaas ng gusali, ang kaluwalhatian ng Dios na nasa ibabaw ng luklukan ng awa, ay medyo nakikita sa unang silid. Kapag ang mga saserdote ay naghahandog ng kamangyan sa harap ng Panginoon, siya ay humaharap sa kinaroroonan ng kaban; at samantalang ang ulap ng kamangyan ay tumataas, ang kaluwalhatian ng Dios ay bumababa sa luklukan ng awa at pinupuno ang kabanal-banalang dako, at malimit ay pinupuno ang dalawang silid ano pa't ang saserdote ay napipilitang bumalik sa pintuan ng tabernakulo. Kung paanong sa aninong paglilingkod ang saserdote ay tumitinging may pananam- palataya sa luklukan ng awa na hindi niya maaaring makita, gano'n din naman ang bayan ng Dios ngayon kinakailangang iharap ang kanilang mga dalangin kay Kristo, ang kanilang dakilang Punong Saserdote, na, lingid sa paningin ng tao, ay nakikipag-usap para sa kanilang kapakanan sa santuwario sa langit. MPMP 416.1

Ang kamangyan, na pumapanhik taglay ang mga dalangin ng Israel, ay kumakatawan sa mga kabutihan at pamamagitan ni Kristo, sa Kanyang sakdal na katuwiran, na sa pamamagitan ng pananampa- lataya ay iginagawad sa Kanyang bayan, at sa pamamagitan noon lamang ang pagsamba ng mga nagkasalang nilalang ay maaaring maging kaaya-aya sa Dios. Sa harap ng lambong ng kabanal-banalang dako naroon ang dambana ng nagpapatuloy na pamamagitan, sa harap ng banal, na isang dambana ng nagpapatuloy na pagtubos. Sa pamamagitan ng kamangyan at sa pamamagitan ng dugo maaaring malapitan ang Dios—mga halimbawang tumutukoy sa dakilang Tagapamagitan, na sa pamamagitan Niya ang mga makasalanan ay maaaring lumapit kay Jehova, at sa pamamagitan lamang Niya ang kaawaan at kaligtasan ay maipagkakaloob sa nagsisisi, at sumasam- palatayang kaluluwa. MPMP 416.2

Sa pagpasok ng saserdote sa umaga at sa hapon sa banal na dako sa oras ng kamangyan, ang pang araw-araw na sakripisyo ay handa nang maihandog sa dambana sa patio sa labas. Ito ay panahon ng matinding pananabik sa mga sumasamba ng natipon sa tabernakulo. Bago pumasok sa presensya ng Dios sa pamamagitan ng paglilingkod ng saserdote, sila ay kinakailangang magkaroon ng taimtim na pag- sasaliksik ng puso at pagpapahayag ng kasalanan. Samasama silang nananalangin ng tahimik, na ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa banal na dako. Kaya't ang kanilang mga dalangin ay pumapanhik kasama ng ulap ng kamangyan, samantalang ang pananampalataya ay nanghahawak sa kabutihan ng ipinangakong Tagapagligtas na inilalarawan ng sakripisyong pantubos. Ang mga oras na itinalaga para sa pagsasakripisyo sa umaga at sa gabi ay itinuturing na banal, at nangyaring iyon ang iningatan bilang oras ng pagsamba sa buong bansa ng mga Hudyo. At nang mga huling panahon nang ang mga Hudyo ay nangalat bilang mga alipin sa mga malalayong lugar, kanila pa ring inihaharap ang kanilang mga mukha sa Jerusalem at bumabanggit ng kanilang mga dalangin sa Dios ng Israel. Sa kauga- liang ito ang mga Krisriano ay may halimbawa ng pagsamba sa umaga at sa gabi. Samantalang ikinamumuhi ng Dios ang pawang sere- monya lamang, na walang espiritu ng pagsamba, tumitingin Siya ng may malaking kaluguran doon sa mga umiibig sa Kanya, yumuyuko sa umaga at sa gabi upang humingi ng patawad sa mga kasalanang nagawa at upang maghayag ng kahilingan para sa mga kailangang pagpapala. MPMP 417.1

Ang tinapay na handog ay pinapanatili sa harap ng Panginoon bilang isang nagpapatuloy na handog. Kaya't iyon ay bahagi ng pang araw-araw na pagsasakripisyo. Iyon ay tinawag na tinapay ng pagpa- pakita, o “tinapay ng presensya,” sapagkat iyon ay parating nasa harap ng Panginoon. Iyon ay isang pagkilala ng pag-asa ng tao sa Dios kapwa para sa temporal at espirituwal na pagkain, at iyon ay tinatanggap lamang dahil sa pamamagitan ni Kristo. Pinakain ng Dios ang Israel sa ilang ng tinapay mula sa langit, at sila ay umaasa pa rin sa Kanyang kagandahang loob, kapwa para sa temporal at espirituwal na mga pagpapala. Kapwa ang mana at ang tinapay ng pagpapaldta ay tumutukoy kay Kristo, ang buhay na Tinapay, na palaging nasa harap ng Dios para sa atin. Siya ang tuwirang nagsabi, “Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit.” Juan 6:48-51. Ang kamangyan ay inilalagay sa mga tinapay. Kapag ang tinapay ay inaalis tuwing Sabbath, upang palitan ang bagong tinapay, ang kamangyan ay sinusunog sa dambana bilang isang alaala sa harap ng Dios. MPMP 417.2

Ang pinakamahalagang bahagi ng araw-araw na paglilingkod ay ang paglilingkod na pang-isahan. Ang nagsisising makasalanan ay nagdadala ng kanyang handog sa harap ng pintuan ng tabernakulo, at, inilalagay ang kanyang kamay sa ulo ng biktima, inihahayag ang kanyang mga kasalanan, kaya't anyong inililipat mula sa kanya tungo sa inosenteng hain. Sa pamamagitan ng sarili niyang kamay ang hayop ay pinapatay, at ang dugo ay dinadala ng saserdote sa banal na dako at iwiniwisik sa harap ng lambong, sa likod noon ay naroon ang kaban na naglalaman ng kautusang sinalangsang ng nagkasala. Sa seremonyang ito ang kasalanan, sa pamamagitan ng dugo, ay anyong inililipat sa santuwario. Sa ilang pagkakataon ang dugo ay hindi dinadala sa banal na dako;(Tingnan ang Apendiks, Nota 6.) subalit ang laman ay kakainin ng saserdote, gaya ng iniutos ni Moises sa mga anak ni Aaron, na nagsasabing, “sa inyo'y ibinigay upang dalhin ang kasamaan ng kapisanan.” Levitico 10:17. Ang mga seremonyang iyon ay parehong naglalarawan ng paglilipat ng kasalanan mula sa nagsisisi tungo sa santuwario. MPMP 418.1

Gano'n ang gawaing isinasagawa araw-araw sa buong taon. Ang mga kasalanan ng Israel sa gano'ng paraan ay inililipat sa santuwario, ang mga banal na dako ay narurumihan, at isang natatanging gawain ang kinakailangan upang maalis ang mga kasalanan. Iniutos ng Dios na isang pagtubos ang isagawa para sa bawat banal na silid, gano'n din sa altar, upang “linisin at banalin dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel.” Levitico 16:19. MPMP 418.2

Minsan sa isang taon, sa dakilang Araw ng Pagtubos, ang saserdote ay pumapasok sa kabanal-banalang dako para sa paglilinis ng santuwario. Ang gawaing isinasagawa doon ang tumatapos sa isang taon ng paglilingkod. MPMP 418.3

Sa Araw ng Pagtubos dalawang batang kambing ang dinadala sa may pintuan ng tabernakulo, at ginagawa ng pagsasapalaran, “ang isang kapalaran ay sa Panginoon at ang isang kapalaran ay kay Azazel.” Ang kambing na matatapatan ng unang kapalaran ay papatayin bilang pinakahandog para sa kasalanan ng bayan. At dadalhin ng saserdote ang dugo noon sa loob ng lambong at iwiwisik iyon sa ibabaw ng luklukan ng awa. “At itutubos niya sa dakong banal dahil sa mga karumalan ng mga anak ni Israel, at dahil sa kanilang mga pag- salangsang, sa makatuwid baga'y sa lahat nilang kasalanan: at gayon ang kanilang gagawin sa tabernakulo ng kapisanan na nasa kanila, sa gitna ng kanilang mga karumalan.” MPMP 419.1

“At ipapatong ni Aaron ang kanyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalang- sang, lahat ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa: at dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila, sa lupaing hindi tinatahanan.” Hanggang ang kambing ay di gaano'ng napapawalan ay di itinuturing ng bayan na sila'y malaya na sa pagpasan ng kanilang mga kasalanan. Ang bawat isa ay kinakailangang mahapis ang kaluluwa samantalang ang gawain ng pagtubos ay isinasagawa. Ang lahat ng mga hanapbuhay ay itinatabi, at ang buong kapisanan ng Israel ay gugugulin ang araw na iyon sa isang solemneng pagpapakumbaba sa harap ng Dios, na may pagdalangin, pag-aayuno, at malalim na pagsasaliksik ng puso. MPMP 419.2

Mahahalagang katotohanan tungkol sa pagtubos ang itinuturo sa bayan ng taunang serbisyo. Sa handog ukol sa kasalanan na dinadala sa loob ng taon, isang kahalili ang tinatanggap sa lugar ng nagkasala; subalit ang dugo ng biktima ay hindi gumagawa ng ganap na pagtubos para sa kasalanan. Iyon ay nagkaloob lamang ng paraan upang ang kasalanan ay mailipat sa santuwario. Sa pamamagitan ng paghahandog ng dugo, ay kinikilala ng nagkasala ang awtoridad ng kautusan, tinatanggap ang kasalanan ng kanyang pagsalangsang, at inihahayag ang kanyang pananampalataya sa Kanya na mag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan; subalit hindi pa siya lubos na malaya mula sa paggagawad ng hatol ng kautusan. Sa Araw ng Pagtubos ang punong saserdote, pagkatanggap ng handog para sa kapisanan, ay pumapasok sa kabanal-banalang dako dala ang dugo at iwiniwisik iyon sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa ibabaw ng mga tapyas ng kautusan. Sa gano'ng paraan ang mga kahilingan ng kautusan, na umaangkin sa buhay ng nagkasala, ay naipagkakaloob. At sa Kanyang pagiging Tagapamagitan kinukuha ng saserdote ang mga kasalanan, at, iniiwan ang santuwario, dala ang pasanin ng kasalanan ng Israel. Sa pinto ng tabernakulo ay ipinapatong niya ang kanyang mga kamay sa ulo ng azazel at isinasaysay sa ibabaw niya ang “lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing.” At sa pagpapalayas sa kambing na nagtataglay ng mga kasalanan, ang mga iyon, ay taglay niya, at itinuturing na pang- walang hanggang nawalay mula sa bayan. Gano'n ang serbisyong isinasagawa bilang “anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan.” Hebreo 8:5. MPMP 419.3

Gaya ng nabanggit, ang santuwario sa lupa ay ginawa ni Moises ayon sa tularang ipinakita sa kanya sa bundok. Iyon ay “isang talin- haga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain;” ang dalawang mga banal na silid niyaon ay “anyo ng mga bagay sa sangkalangitan;” si Kristo, ang ating dakilang Punong Saserdote, ay isang “ministro sa santuwario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.” Hebreo 9:9, 23; 8:2. Samantalang nasa isang pangitain ang apostol na si Juan ay pinatanaw sa templo ng Dios sa langit, nakakita siya doon ng “pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan.” Nakakita siya doon ng isang anghel “na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.” Apocalipsis 4:5; 8:3. Dito ang propeta ay pinahintulutang makita ang unang silid ng santuwario sa langit; at nakita niya doon ang “pitong ilawang apoy” at ang “gintong dambana” na kinakatawanan ng kandelerio at ng dambana ng kamangyan sa santuwario sa lupa. At muli, “nabuksan ang templo ng Dios” (Apocalipsis 11:19), at siya'y tumingin sa dakong loob ng lambong, sa kabanal-banalang dako. Dito ay nakita niya “ang kaban ng Kanyang tipan” (Apocalipsis 11:19), kinakatawanan ng banal na kaban na ginawa ni Moises upang paglagyan ng kautusan ng Dios. MPMP 420.1

Ginawa ni Moises ang santuwario sa lupa, “alinsunod sa anyo na kanyang nakita.” Ipinahayag ni Pablo na “ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa,” nang matapos, ay mga “anyo ng mga bagay sa sangkalangitan.” Gawa 7:44; Hebreo 9:21, 23. At sinabi ni Juan na kanyang nakita ang santuwario sa langit. Ang santuwaryong yaon na kung saan si Kristo ay nangangasiwa para sa atin, ay ang dakilang pinagtularan, na doon ginawa ang santuwaryong ginawa ni Moises. MPMP 421.1

Ang templo sa langit, ang dakong tinitirahan ng Hari ng mga hari, kung saan “libu-libo ang naglilingkod sa Kanya, at makasampung libo ang nagsitayo sa harap Niya” (Daniel 7:10), ang templong iyon na puspos ng kaluwalhatian ng walang hanggang luklukan, kung saan ang mga serapin, ang mga nagniningning na mga bantay noon, ay nagtatakip ng kanilang mga mukha sa pagpuri—walang ano mang gawa sa lupa ang makapaglalarawan ng kalakihan at kaluwalhatian noon. Gano'n pa man ang mahahalagang katotohanan tungkol sa santuwaryo sa langit at sa dakilang gawain doon para sa ikaliligtas ng tao ay kinakailangang maituro ng santuwaryo sa lupa at ng mga paglilingkod doon. MPMP 421.2

Nang Siya'y umakyat, ang ating Tagapagligtas ay magsisimula ng Kanyang gawain bilang ating Punong Saserdote. Wika ni Pablo, “Hindi pumasok si Kristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay; kundi sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin.” Hebreo 9:24. Kung paanong ang pangangasiwa ni Kristo ay mayroong dalawang dakilang bahagi, na bawat isa ay mayroong nakatakdang panahon at mayroong angkop na lugar sa santuwaryo sa langit, gano'n din na- man ang aninong pangangasiwa ay may dalawang uri, ang pang- araw-araw at pangtaunang paglilingkod, at sa bawat isa ay may na- katalagang isang silid ng tabernakulo. MPMP 421.3

Kung paanong si Kristo sa Kanyang pag-akyat ay humarap sa presensya ng Dios upang ipakiusap ang Kanyang dugo para sa nagsi- sising mananampalataya, gano'n din naman ang saserdote sa araw- araw na paglilingkod iwiniwisik ang dugo ng hain sa banal na dako para sa makasalanan. MPMP 421.4

Ang dugo ni Kristo, samantalang iyon ay nagpapalaya sa nagsisi- sing makasalanan mula sa sumpa ng kautusan, ay hindi nagpapawala sa kasalanan; iyon ay nananatiling nakatala sa santuwaryo hanggang sa wakas ng pagtubos; gano'n din naman sa anino ang dugo ng handog ukol sa kasalanan ay nag-aalis ng kasalanan mula sa nagsisisi subalit iyon ay nananatili sa santuwaryo hanggang sa Araw ng Pagtubos. MPMP 421.5

Sa dakilang araw ng huling ganti, kung kailan ang mga patay ay “hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.” Apocalipsis 20:12. At sa pamamagitan ng du- gong pantubos ni Kristo, ang mga kasalanan ng lahat ng tunay na nagsisisi ay papawiin mula sa mga aklat ng langit. Sa gano'ng paraan ang santuwaryo ay napalalaya, o nalilinis, ang talaan ng mga kasalanan. Sa anino, ang dakilang gawaing ito ng pagtubos, o pagpawi ng mga kasalanan, ay kinakatawanan ng mga paglilingkod sa Araw ng Pagtubos—ang paglilinis ng santuwario sa lupa, na naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-aalis, sa pamamagitan ng dugo ng handog ukol sa kasalanan, sa mga kasalanang nakarumi doon. MPMP 422.1

Kung paanong sa wakas ng pagtubos ang mga kasalanan ng mga tunay na nagsisisi ay inaalis mula sa mga talaan sa langit, na di na kailanman maaalaala o maiisaisip, gano'n din naman sa anino ng mga iyon ay dadalhin palayo tungo sa ilang, nawalay ng pang walang hanggan mula sa kapisanan. MPMP 422.2

Sapagkat si Satanas ang pinagmulan ng kasalanan, ang tuwirang tagapag-udyok ng lahat ng mga kasalanang naging sanhi ng pag- kamatay ng Anak ng Dios, ang katarungan ay nag-uutos na si Satanas ay magdudusa sa huling pagpaparusa. Ang gawain ni Kristo sa pagliligtas ng tao at sa paglilinis ng sansinukob dahil sa kasalanan ay magtatapos sa pamamagitan ng pag-aalis ng kasalanan mula sa santuwaryo sa langit at paglalagay ng mga kasalanang ito kay Satanas, na siyang magdadala ng huling kaparusahan. Kaya't sa aninong paglilingkod, ang pang isang taong paglilingkod ay nagtatapos sa paglilinis ng santuwaryo, at pagpataw ng mga kasalanan sa ulo ng azazel. MPMP 422.3

Kaya't sa pangangasiwa ng tabernakulo, at ng templo na nang dumating ang panahon ay humalili doon, ang bayan ay naturuan araw-araw ng mga dakilang katotohanan kaugnay ng pagkamatay ni Kristo at pangangasiwa, at minsan sa isang taon ang kanilang mga kaisipan ay inihahatid sa hinaharap sa pangwakas na mga magaganap sa dakilang tunggalian ni Kristo at ni Satanas, ang huling paglilinis ng sansinukob dahil sa kasalanan at mga makasalanan. MPMP 422.4