Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

5/76

Kabanata 3—Ang Tukso at ang Pagkahulog

Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 3.

Hindi na malaya upang mag-alsa ng himagsikan sa langit, ang galit ni Satanas laban sa Dios ay nakasumpong ng isang bagong bukiran sa pagpapanukala sa pagpapabagsak sa lahi ng sangkatauhan. Sa kagalakan at kapayapaan ng banal na mag-asawa sa Eden ay nakita niya ang katiwasayang wala na sa kanya magpakailan pa man. Nakilos ang inggit, ipinasya niyang himukin silang sumuway, at dalhin sa kanila ang paggawa at parusa ng kasalanan. Kanyang papalitan ang kanilang pag-ibig ng pagkawalang tiwala, at ang kanilang mga awit ng pagpuring paghamak sa kanilang Manlalalang. Sa ganoong paraan hindi lamang niya mailalagay ang mga nilalang na walang kasalanan sa kalagayang tulad ng sa kanya, malalapastangan pa ang Dios, at makalilikha pa ng kalungkutan sa langit. MPMP 55.1

Ang una nating mga magulang ay hindi pinabayaang walang baba- la tungkol sa panganib na kinakaharap nila. Inihayag sa kanila ng mga anghel ang kasaysayan ng pagkahulog ni Satanas at ang kanyang panukala upang sila ay pabagsakin, inihayag ng lubos ang lakas ng banal na pamahalaan, na sinisikap ng prinsipe ng kadiliman na ibagsak. Sa pamamagitan ng pagsuway sa mga matuwid na utos ng Dios, si Satanas at ang kanyang hukbo ay nahulog. Gano'n na lamang kahalaga, noon, para kay Eva at kay Adan ang pangangailangan upang igalang ang kautusan na sa pamamagitan noon lamang naiingatan ang kaayusan at katarungan. MPMP 55.2

Ang kautusan ng Dios ay kasing banal ng Dios. Iyon ay pagpapahayag ng Kanyang kalooban, isang pagkakasulat ng Kanyang likas, ang pagpapahayag ng banal na pag-ibig at karunungan. Ang magandang kaayusan ng mga nilalang ay nakasalalay sa pagkakatugma ng lahat ng bagay, may buhay o wala, sa kautusan ng Manlalalang. Ang Dios ay nagtatag ng mga utos para sa pamamahala, hindi lamang ng mga nabubuhay na nilalang, kundi pati ng lahat ng paggalaw sa lahat ng mga bagay sa kalikasan. Ang lahat ay nasa ilalim ng nakatakdang kautusan, na hindi maaaring sirain. Ngunit bagaman ang lahat ng mga bagay ay nasa ilalim ng batas ng kalikasan, ang tao lamang, sa lahat ng naninirahan sa lupa, ang nasa ilalim ng kautusang moral. Sa tao, na siyang huli sa lahat ng nilalang ng Dios ipinagkaloob ang kapangyarihan upang maunawaan ang Kanyang mga hinihiling, maunawaan ang katuwiran at pagiging mapagpala ng Kanyang kautusan, at ang banal na pananakop nito sa kanya; at sa tao kinakailangan ang hindi humahapay sa pagsunod. MPMP 55.3

Tulad ng mga anghel, ang mga naninirahan sa Eden ay inilagay sa isang panahong pagsubok; ang masaya nilang kalagayan ay mapapa- natili lamang kung sila ay magiging tapat sa kautusan ng Dios. Sila ay maaaring sumunod at mabuhay o sumuway at mamatay. Sila ay ginawa ng Dios na mga tumatanggap ng maraming pagpapala; subalit kung kanilang hindi pahahalagahan ang Kanyang kalooban, Siya na nakapagpalayas sa mga anghel na nagkasala, ay makapagpa- palayas din sa kanila; ang pagsuway ang magkakait sa kanila ng mga pagpapala Niya at nakapaghahatid sa kanila ng kalungkutan at pag- kawasak. MPMP 56.1

Sila ay binabalaan ng mga anghel upang maging maingat laban sa mga pakana ni Satanas, sapagkat ang kanyang pagsisikap upang sila ay makuha ay walang pagkapagod. Samantalang sila'y sumusunod sa Dios ay hindi sila maaano ng masama; sapagkat, kung kakailanganin, ang lahat ng mga anghel sa langit ay ipadadala upang sila ay tulungan. Kung matatag nilang tatanggihan ang kanyang panunukso, ay magiging kasing tatag sila ng mga anghel. Subalit minsang sila ay mapadaig sa tukso, ang kanilang likas ay manghihina ng gano'n na lamang na sa kanilang sarili ay hindi nila makakayanang wala na silang kakayanan at pagkahilig upang si Satanas ay tanggihan. MPMP 56.2

Ang puno ng kaalaman ay ginawang subukan ng kanilang pagsunod at pag-ibig sa Dios. Nakita ng Panginoon na marapat para sa kanila ang isa lamang pagbabawal sa paggamit ng lahat ng nasa halamanan; subalit kung sila ay susuway sa Kanyang kalooban tungkol sa bagay na ito, ay gagawa sila ng kasalanan. Si Satanas ay hindi makasusunod sa kanila saan man sila pumunta upang sila ay tuksuhin; siya ay maaari lamang makapanukso sa kanila sa ipinagbabawal na punong- kahoy. Kung sila ay mangangahas na alamin iyon, sila ay malalantad sa kanyang pakana. Sila ay pinakiusapang ingatan ang babala na ibinigay sa kanila ng Dios at masiyahan sa anumang nakita ng Dios na mabuting ipahayag. MPMP 56.3

Upang maikubli ang kanyang paggawa, pinili ni Satanas maging kanyang medium ang ahas—isang pagkukubli na naaayon sa layunin ng kanyang panlilinlang. Ang ahas noon ay isa sa mga at pinakamagandang nilikha sa lupa. Iyon ay may pakpak, at samantalang lumilipad sa hangin ay nag-aanyong kagila-gilalas na liwanag, may kulay ng kaningningan ng pinakinang na ginto. Namamahinga sa mga sangang puno ng bunga ng ipinagbabawal na puno at pinapalamutian ang kanyang sarili ng masasarap na bunga noon, isang bagay iyon na panawag-pansin at pangbigay-lugod sa mata ng makakakita. Sa gano'ng paraan ang maninira ay napasa halamanan ng kapayapaan, nag-aabang ng kanyang masisila. MPMP 57.1

Si Eva ay binalaan ng mga anghel tungkol sa paghiwalay sa kanyang asawa sa kanilang pang-araw-araw na gawain sa halamanan; kung kasama siya ay maliit ang panganib kaysa kung siya ay nag-iisa. Subalit sa pagkaabala sa kanyang nakalulugod na gawain, siya ay napalayo mula sa kanyang piling. Sa pagkabatid na siya ay nag-iisa, siya ay nakadama ng pagkakaroon ng panganib, subalit hindi pinansin ang kanyang pagod, sa isip na siya ay may sapat na kaalaman at kakayanan upang makilala ang masama at iyon ay maiwasan. Wala sa isip ang babala ng mga anghel, pagdaka'y nasumpungan niya ang kanyang sarili na may halong pinaghalong pag-uusisa at paghanga sa ipinagbabawal na puno. Ang bunga ay napakaganda, at tinanong niya ang kanyang sarili kung bakit iyon ay ipinagkakait sa kanila ng Dios. Ngayon ang pagkakataon ng manunukso. Waring nakababatid sa takbo ng kanyang isipan, ay tinanong niya ang babae: “Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang bunga ng punong-kahoy sa halamanan?” Gano'n na lamang ang pagkagulat at pagkamangha ni Eva ng tila narinig niya ang alingawngaw ng kanyang iniisip. Subalit ang ahas ay nagpatuloy, sa isang mala-musikang tinig, na may pagpuri sa kanyang nakahihigit na kagandahan ng babae; at ang kanyang mga salita ay hindi nakakainis. Sa halip na siya ay umalis mula sa lugar na iyon ay nanatili ang babae ng may pagtataka na makapakinig ng isang ahas na nagsasalita. Kung siya ay kinausap ng isang nilikhang tulad ng mga anghel, maaaring siya ay natakot; subalit hindi niya naisip na ang kaakit-akit na ahas ay medium ng maaaring maging nahulog na kaaway. MPMP 57.2

Sa patibong na katanungan ng kaaway ang babae ay sumagot: “Sa bunga ng mga punong-kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: sapagkat talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” MPMP 57.3

Sa pamamagitan ng pagkain ng bunga ng puno, kanyang inihayag, sila ay makakaabot sa isang mataas na kalagayan at papasok sa malawak na bukid ng kaaalaman. Siya ay kumain ng bunga ng punong-kahoy na ipinagbabawal, at bunga noon siya ay nagkaroon ng kapangyarihan upang magsalita. At kanyang sinabi na hindi nais ng Dios na pina- kaiingatan ng Panginoong mailayo sila doon, sapagkat kung hindi, sila'y magiging katulad Niya. Ang mga dakilang kahanga-hangang katangian noon, nagbibigay ng kaalaman at kapangyarihan ang dahilan kung bakit binawalan Niya silang humipo o tumikim man lamang noon. Pinagdiinan pa ng manunukso na ang banal na babala ay hindi matutupad ng gano'n; iyon ay ginawa lamang upang sila ay takutin. Paano sila mamamatay? Hindi ba't kumain na sila mula sa puno ng buhay? Ang Dios ay gumagawa lamang ng paraan upang sila ay huwag makaabot sa mataas na paglago at makasumpong ng ibayo pang kaligayahan. MPMP 58.1

Gano'n ang gawain ni Satanas simula pa noong mga panahon ni Adan hanggang sa kasalukuyan, at naisagawa niya iyon ng may dakilang pagtatagumpay. Tinutukso niya ang tao upang huwag mag- tiwala sa pag-ibig ng Dios at mag-alinlangan sa Kanyang katalinuhan. Patuloy siyang nagsisikap upang magsindi ng isang espiritu ng walang galang na pag-uusisa, isang di-mapalagay, mapagtanong na pagnana- sang matuklasan ang mga lihim ng banal na karunungan at kapangyarihan. Sa kanilang pagsasaliksik sa mga bagay na inisip ng Dios na mabuting ikubli, marami ang walang pansin sa mga katotohanan na Kanyang ipinahahayag, at mahalaga para sa kaligtasan. Ang tao ay tinutukso ni Satanas na sumuway sa pamamagitan ng paniniwala sa kanila na sila ay pumapasok sa isang kahanga-hangang larangan ng kaalaman. Subalit ang lahat ng ito ay panlilinlang. Naakit ng kanilang kaisipan ng paglago, sila sa katunayan ay, puspos ng kanilang kaisipan ng pagsulong, sila ay, sa pamamagitan ng pagyurak sa kahilingan ng Dios, ay tumatahak sa mga landas na patungo sa kawalan ng dangal at sa kamatayan. MPMP 58.2

Ipinakita ni Satanas sa banal na mag-asawa na sila ay makikinabang sa pagsuway sa mga utos ng Dios. Hindi ba tayo nakakarinig ng gano'n ding kaisipan ngayon? Marami ang nagsasabing makikitid ang pag-iisip noong mga sumusunod sa mga utos ng Dios, samantalang inangkin nila na sila ay may malawak na kaisipan at nagagalak sa malaldng kalayaan. Ano ito kundi alingawngaw ng tinig mula sa Eden, “Sa araw na kayo'y kumain niyaon”—sumuway sa banal na utos—“kayo'y magiging parang diyus”? Si Satanas ay nagpatunay na siya ay nagkamit ng ibayong kabutihan sa pagkain ng ipinagbabawal na bunga, subalit hindi ipinabatid na sa pamamagitan ng pagsuway siya ay itinakwil mula sa langit. Bagaman nasumpungan niyang ang kasalanan ay nagdulot ng kawalang pang walang hanggan, ay inilili- him niya ang sarili niyang natamo upang makaakit pa ng iba sa gano'n ding kalagayan. Gano'n din ngayon ikinukubli ng tagasuway ang tunay niyang likas; maaaring nagpapanggap siyang banal; subalit ang kanyang mataas na kalagayan ang nagpapaging higit pang mapanganib siya bilang isang manlilinlang. Siya ay nasa panig ni Satanas, sumusuway sa mga utos ng Dios, at inaakay ang iba pang gano'n din ang gawin, tungo sa kanilang walang hanggang kapahamakan. MPMP 58.3

Tunay na sumampalataya si Eva sa mga salita ni Satanas, subalit ang kanyang pananampalataya ay hindi nakapagligtas sa kanya mula sa kabayaran ng kasalanan. Hindi niya sinampalatayanan ang mga salita ng Dios, at ito ang nag-akay sa kanya tungo sa kanyang pagkahulog. Sa paghuhukom ang mga tao ay hindi parurusahan sa dahilang sila ay nakinig sa kabulaanan, kundi sa dahilang kinaligtaan nila ang pagkakataon upang malaman ang katotohanan. Sa kabila ng panloloko ni Satanas, ang totoo ay laging mapaminsala at masama ang sumuway sa Dios. Kinakailangang ihilig natin ang ating mga puso sa pagtanggap ng katotohanan. Ang lahat ng mga aral na ipinasulat ng Dios sa Kasulatan ay upang tayo ay babalaan at turuan. Ang mga iyon ay ibinigay upang tayo ay iligtas mula sa panlilinlang. Ang hindi pagbibigay ng panahon para sa mga iyon ay naghahatdd sa atin ng kapahamakan. Anoman ang sumasalungat sa Salita ng Dios, makatitiyak tayo na iyon ay nagmumula kay Satanas. MPMP 59.1

Ang ahas ay pumitas ng bunga mula sa ipinagbabawal na puno at inilagay iyon sa mga kamay ng medyo nag-aatubiling si Eva. At pagkatapos ay pinaala-ala niya ang sarili niyang sinalita na binawalan sila ng Panginoong hipuin iyon, baka sila mamatay. Hindi rin siya maaano sa pagkain sa bunga. At sapagkat wala siyang nakikitang masamang nangyayari mula sa kanyang ginawa, si Eva ay naging mas matapang. “At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong- kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain.” Iyon ay masarap sa panlasa, at samantalang siya ay kumakain, ay parang nakadama siya ng isang kapangyarihang nagbibigay buhay, at inisip na ang kanilang sarili ay pumapasok sa isang mas mataas na kalagayan. Walang ano pa mang takot siya ay pumitas at kumain. At ngayon, sapagkat siya ay nakalabag na, siya ay naging kasangkapan ni Satanas upang ipahamak ang kanyang asawa. Sa kalagayang kakaiba, na may di-pangkaraniwang kasiglahan, hinanap niya ang lalaki, at isinaysay ang lahat ng nangyari. MPMP 59.2

Isang pagpapahayag ng kalungkutan ang nahayag sa mukha ni Adan. Siya ay nagmukhang nabigla at nabahala. Siya ay sumagot sa mga pananalita ni Eva at sinabing 'yon ang kaaway na ibinabala sa kanila; at sa banal na kahatulan siya ay kinakailangang mamatay. Bilang tugon ay pinilit ang babae na siya ay kumain, samantalang inuulit ang mga pananalita ng ahas hindi sila totoong mamatay. Siya ay nangatuwirang ito ay maaaring totoo sapagkat wala naman siyang nadamang anomang di pagkalugod ng Dios, sa halip ay nakadama siya ng isang masarap at nakapagpapasiglang kapangyarihan, nagbibigay buhay sa bawat sangkap ay pinasisigla ng bagong buhay, tulad sa, ayon sa kanyang isipan, sa nagpapasigla sa mga anghel. MPMP 60.1

Naunawaan ni Adan na ang kanyang kasama ay sumuway sa utos ng Dios, winalang bahala ang kaisa-isang ipinagbabawal sa kanila bilang pagsubok sa kanilang pagtatapat at pag-ibig. Nagkaroon ng matinding labanan sa kanyang isipan. Ikinalungkot niyang si Eva ay pinahintulutan niyang lumayo sa kanyang piling. Subalit yaon ay naganap na; siya ay kinakailangang mawalay mula sa babae na ang pakikisama ay naging kagalakan niya. Paano niya matatanggap ang gano'n? Naging kasiyahan ni Adan ang makasama ang Dios at ang mga anghel. Namasdan niya ang kaluwalhatian ng Manlalalang. Na- uunawaan niya ang matayog na mararating ng sangkatauhan kung sila lamang ay mananatiling tapat sa Dios. Gano'n pa man ang lahat ng mga pagpapalang ito ay hindi na niya napansin sa pangambang ang kaloob na yaon sa kanyang paningin ay higit na mahalaga sa lahat at baka mawala sa kanya. Pag-ibig, utang na loob, at pagtatapat sa Manlalalang—ang lahat ay nahigitan ng pag-ibig kay Eva. Siya ay bahagi ng kanyang sariling katawan, at hindi niya matanggap at isiping siya ay mawawalay sa kanya. Hindi niya naisip na ang Makapangyarihang Lumikha sa kanya mula sa mga alabok ng lupa, na isang buhay, magandang anyo, at sa pag-ibig ay nagbigay sa kanya ng kasama, ay maaaring magbigay ng kapalit ng babae. Ipinasya niyang makasama sa sasapitin ng babae. Kung ang babae ay mamamatay, mamamatay siyang kasama niya. Kung sa bagay, kanyang idinahilan, hindi kaya maaaring maging totoo rin ang sinabi ng matalinong ahas? Si Eva ay nasa harapan niyang, kasing ganda at sa hitsura'y kasing banal pa rin bago ang pagsuway na ito. Bumibigkas siya ng higit pang pag-ibig kaysa noong una. Walang anomang tan- da ng kamatayan ang mababakas sa kanya, at naglakas-loob siyang harapin ang anomang magiging bunga noon. Kinuha niya ang bunga at mabilis na kinain. MPMP 60.2

Matapos magkasala sa simula ay nakadama siya ng wari'y pumapasok siya sa isang mataas na uri ng kalagayan. Subalit di nagtagal ang kaisipang tungkol sa kanilang pagkakasala ay pumuno sa kanya ng pangamba. Ang hangin, na sa mga sandaling iyon ay naging banayad at hindi nagbabago ang temperatura, ay tila nagpapaginaw sa mag- asawang nagkasala. Ang pag-ibig at kapayapaan na nasa kanila ay nawala, at kapalit noon ay nakadama sila ng pagkamakasalanan, pagkatakot sa hinaharap, pagkahubad ng kaluluwa. Ang damit ng liwanag na dati'y nakabalot sa kanila, ngayon ay wala na, at kapalit noon ay humanap sila ng pangtakip sapagkat hindi nila magagawang, hubad, ay tumingin sa Dios at sa mga anghel. MPMP 61.1

Nagsimula na ngayong makita nila ang tunay na likas ng kanilang kasalanan. Sinisi ni Adan ang kanyang asawa dahilan sa kanyang pagkakamali sa pag-alis sa kanyang tabi at pagpapahintulot na siya ay malinlang ng ahas; subalit kapwa nila inaliw ang kanilang sarili, na Siya na nagbigay sa kanila ng maraming katunayan ng pagpapahayag ng Kanyang pag-ibig, ay magpapatawad sa pagsuway na ito, o na sila ay hindi mapapailalim sa ilang malalang kaparusahan ng kanilang kinatatakutan. MPMP 61.2

Si Satanas ay nagalak sa kanilang pagtatagumpay. Naakay niya ang babae upang mag-alinlangan sa pag-ibig ng Dios, upang pag- alinlanganan ang karunungan, at suwayin ang Kanyang utos, at sa pamamagitan niya ay nagawa ang pagpapabagsak kay Adan. MPMP 61.3

Subalit ang dakilang Tagapagbigay ng Batas ay malapit nang ihayag kay Adan at Eva ang mga bunga ng kanilang pagsalangsang. Ang banal na pakikiharap ay nahayag sa halamanan. Sa kanilang kalagayan nang hindi pa nagkakasala't banal, sinasalubong nila ang pagdating ng kanilang Manlalalang na may kagalakan; ngunit ngayon sila ay tumakbo sa takot, at nagsikap magtago sa likod ng mga gilid ng halamanan. Subalit “tinawag ng Panginoong Dios ang lalaki at sa kanya'y sinabi, Saan ka naroon? At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamaman, at ako'y natakot, sapagkat ako'y hubad, at ako'y nagtatago. At sinabi Niya, Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? nakakain ka ba ng bunga ng punong kahoy, na iniutos Ko sa iyong huwag mong kanin?” MPMP 62.1

Hindi makatanggi si Adan o makapagdahilan sa kanyang kasalanan; subalit sa halip na magpahayag ng pagsisisi, ay ginawa niyang sisihin ang kanyang asawa, at sa ganoong paraan ay ang Dios rin: “Ang babaeng ibinigay Mong aking kasasamahin, ay siyang nagbigay sa akin ng bunga ng punong kahoy at aking kinain.” Siya na, mula sa kanyang pag-ibig kay Eva, ay malayang pinili ang mawala ang kaluguran ng Panginoon, ang kanyang buhay sa Paraiso, at ang walang hanggang buhay ng kagalakan, ngayon, matapos ang kanyang pagkahulog, ay sinisisi ang kanyang kasama at maging sa kanyang Manlalalang, bilang nananagot sa ginawa niyang kasalanan. Gano'n na lamang kapangyarihan ng kasalanan. MPMP 62.2

Noong ang babae ay tanungin “Ano itong iyong ginawa?” Siya ay sumagot, “Dinaya ako ng ahas at ako'y kumain.” “Bakit mo nilikha ang ahas? Bakit Mo ipinahintulot na siya'y makapasok sa Eden?”— ito ang mga tanong na iminumungkahi ng kanyang pagdadahilan para sa kanyang kasalanan. Kung kaya, tulad ni Adan, sinisisi niya ang Dios bilang dahilan sa kanilang pagkahulog. Ang espiritu ng pagpapawalang-sala sa sarili ay nagmula sa ama ng lahat ng kasinungalingan; ito ay kaagad ginawa ng ating unang mga magulang matapos na sila ay mapasa ilalim ng impluwensya ni Satanas, at nahayag sa lahat ng mga anak ni Adan. Sa halip na may pagpapakumbabang maghayag ng kasalanan ay sinisikap nilang pawalang-sala ang sarili sa pamamagitan ng pagpapataw ng sisi sa iba, sa pangyayari, o sa Dios—nagagawang maging ang Kanyang pagpapala ay dahilan ng pagsasalita laban sa Kanya! MPMP 62.3

Kaya hinatulan ng Panginoon ang ahas: “Sapagkat ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawat ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ilalakad mo, at alabok ang iyong kakanin sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.” Sapagkat iyon ay ginamit bilang kasangkapan ni Satanas, ang ahas ay kabahagi sa pagkakaroon ng banal na hatol. Mula sa pinakamaganda at hinahangaan sa lahat ng mga hayop sa parang, iyon ay magiging pinakakawawa at inaayawan nilang lahat, kinatatakutan at kinagagalitan ng tao at ng hayop. Ang mga sunod na salitang ipinataw sa ahas ay patungkol kay Satanas mismo, na tumutukoy sa kanyang kawakasan at pagkatalo: “At pag-aalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kanyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kanyang sakong.” MPMP 62.4

Sinabi kay Eva ang kalungkutan at sakit na mula ngayon ay magiging kabahagi niya. At sinabi ng Panginoon, “Sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya'y papapanginoon sa iyo.” Sa paglalang ang babae ay ginawa ng Dios na kapantay ni Adan. Kung sila lamang ay nanatiling masunurin sa Dios—katugma ng Kanyang dakilang kautusan ng pag-ibig—sila sana ay patuloy na naging magkatugma; subalit ang kasalanan ay naghatid ng di- pagkakasundo, at ngayon ang kanilang pagsasama at pagiging magkatugma ay mapananatili lamang sa pamamagitan ng pagpapailalim ng isa sa isa. Si Eva ang unang nagkasala; at nahulog siya sa kasalanan sa paghiwalay mula sa kanyang kasama, na labag sa banal na tagubilin. Sa pamamagitan ng kanyang pakiusap si Adan ay nagkasala, at ngayon siya ay ipinailalim sa kanyang asawa. Kung ang mga alituntunin lamang na kalakip sa kautusan ng Dios ay tinangkilik ng nagkasalang lahi, ang hatol na ito, bagaman bunga ng pagkakaroon ng kasalanan, ay naging pagpapala sana sa kanila; subalit ang pang- aabuso ng mga lalaki sa kanilang kapangyarihan na dito ay ipinagkaloob sa kanya ay malimit naging sanhi upang ang buhay ng babae ay maging mapait at nabibigatang lubha. MPMP 63.1

Si Eva ay masayang-masaya sa piling ng kanyang asawa sa kanilang tahanang Eden; subalit, tulad sa mga hindi masiyahang makabagong mga Eva, siya ay naakit ng pag-asang makapasok sa isang kalagayang hindi itinalaga ng Dios para sa kanya. Sa pagsisikap na umangat mula sa kanyang unang katayuan, siya ay nahulog ng higit pang mababa doon. Gano'n din ang nakakamit ng lahat na hindi sumasang- ayon na gampanan ang mga tungkulin sang-ayon sa panukala ng Dios. Sa pagsusumikap nilang makarating sa isang katayuang hindi inilaan ng Dios para sa kanila, marami ang iniiwang may puwang ang mga lugar na kung saan sila sana ang makapaghahatid ng pagpapala. Sa kanilang pagnanasa sa mas mataas na katayuan, marami ang isinasakripisyo ang kanilang karangalan bilang babae, at naiiwang hindi nagagampanan ang sariling gawaing itinalaga sa kanila ng langit. MPMP 63.2

Kay Adan ay sinabi ng Panginoon: “Sapagkat iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na Aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon: sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kanya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay: ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang; sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagkat diyan ka kinuha: sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” MPMP 64.1

Hindi kalooban ng Dios na ang dalawang mag-asawang walang kasalanan ay makaalam pa ng kasamaan. Malaya Niyang ipinagka- loob sa kanila ang mabuti, at ipinagkait ang kasamaan. Subalit labag sa Kanyang iniutos, sila ay kumain ng ipinagbabawal na bunga ng punong kahoy, at ngayon sila ay patuloy na kakain noon—nagkaka- roon sila ng kaalaman ng masama—sa lahat ng mga araw ng kanilang buhay. Mula noon ang lahi ay binigyang-dalamhati ng mga panunukso ni Satanas. Sa lugar ng masayang gawaing itinalaga sa kanila, kalumbayan at hirap ang nakalaan. Sila ay magkakaroon ng pagkabigo, kalungkutan, at sakit, at kahulihan sa lahat kamatayan. MPMP 64.2

Sa ilalim ng sumpa ng kasalanan ang lahat ng kalikasan ay magpa- patotoo sa tao sa likas at bunga ng panghihimagsik laban sa Dios. Nang lalangin ng Dios ang tao ay ginawa Niya siyang tagapamahala sa buong lupa at sa lahat ng may buhay na nilikha. Samantalang si Adan ay nagtatapat sa Langit, ang lahat ng kalikasan ay nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Subalit nang siya ay tumalikod sa banal na kautusan, ang mga nakakababang nilikha ay tamalikod sa kanyang pamumuno. Sa ganoong paraan, ang Panginoon, sa kadakilaan ng Kanyang habag, ipapakita sa tao ang kabanalan ng Kanyang kautusan, ay akayin sila, sa pamamagitan ng sarili nilang karanasan, upang makita ang panganib sa pangsasaisangtabi ng mga iyon, maging sa pinakamaliit na paraan. MPMP 64.3

At ang buhay ng paggawa at kabalisahan na mula ngayon ay magiging kabahagi ng tao ay itinalaga sa pag-ibig. Yaon ay isang sanayang kinailangan dahil sa kasalanan, upang maglagay ng panang- galang sa panglasa at pagnanasa, upang magkaroon ng pagsasanay sa pagtitimpi. Bahagi iyon ng panukala ng Dios sa pagsasauli sa kanya mula sa kasiraan at pagkakababang hatid ng kasalanan. MPMP 64.4

Ang babala na ibinigay sa ating unang mga magulang—“Sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamatay ka” ay hindi nangangahulugang sila ay mamamatay sa araw na iyon na sila ay kumain ng ipinagbabawal na bunga. Subalit sa araw na iyon ang di na mababagong hatol ay ipapataw. Ang buhay na walang hanggan ay ipinangako sa kanila sa kondisyon ng pagsunod; sa pamamagitan ng pagsuway ay hindi sila magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Sa araw ding iyon sila ay natatalaga sa kamatayan. MPMP 65.1

Upang magkaroon ng pagka-walang hanggan, ang tao ay kinakailangang patuloy na kumain sa puno ng buhay. Kung wala ito, ang lakas ng buhay niya ay unti-unting hihina hanggang sa ang buhay ay mawala. Panukala ni Satanas na si Adan at Eva ay sumuway sa Panginoon upang ang Dios ay mawalan ng kaluguran sa kanila; at kung sila ay hindi makahihingi ng kapatawaran, inaasahan niyang sila ay kakain mula sa puno ng buhay, sa ganoong paraan ay mananatili ang pagkakaroon ng kasalanan at kahirapan. Subalit nang ang tao ay mahulog sa kasalanan, ang banal na anghel ay kaagad pinapagbantay sa puno ng buhay. Sa paligid ng mga anghel na ito ay nagniningning ang liwanag na may anyong makislap na espada. Walang sinoman sa mga anak ni Adan ang pinahintulutang makalampas sa harang na iyon upang kumain ng bungang nagbibigay buhay; kaya walang kahit isang makasalanang hindi namamatay. MPMP 65.2

Ang baha ng kasalanang dumaloy mula sa pagkakasala ng una nating mga magulang ay itinuturing ng marami na isang labis na kabayaran para sa isang napakaliit na kasalanan, at kanilang pinawalang kabuluhan ang karunungan at katarungan ng Dios sa Kanyang pakikitungo sa tao. Ngunit kung titingnan ng lubos ang katanungang ito, ay makikita nila ang kanilang pagkakamali. Nilikha ng Dios ang tao ayon sa Kanyang larawan, walang kasalanan. Ang lupa ay mapupuno ng mga taong mababa lamang ng kaunti ang uri sa mga anghel; subalit ang kanilang pagiging masunurin ay kinakailangang masubok; sapagkat hindi ipahihintulot ng Panginoon na ang lupa ay mapuno ng mga susuway sa Kanyang kautusan. Gano'n pa man, sa Kanyang kaawaan, ay hindi siya naglagay ng mahirap na pagsubok para kay Adan. Ang pagkamagaan ng pagsubok ang nagpabigat na lubha sa tindi ng kasalanan. Kung si Adan ay hindi makapasa sa napakasimpleng pagsubok, lalong hindi niya mapapanagumpayan ang matinding pagsubok kung siya ay pinagkatiwalaan ng higit na pananagutan. MPMP 65.3

Kung si Adan ay bibigyan ng matinding pagsubok, maaaring sabihin ng iba na ang puso ay nakahilig sa kasalanan, “Ito ay isang maliit na bagay, hindi ng Dios pinapansin ang maliliit na bagay.” At magkakaroon ng patuloy na paglabag sa mga bagay na kinikilala ng maliit, at hindi sinasansala ng mga tao. Subalit ginawang malinaw ng Panginoon na ang kasalanan ano man ang sukat noon ay nakasasakit sa Kanya. MPMP 66.1

Para kay Eva, ay waring isang maliit na bagay lamang ang sumuway sa utos ng Dios sa pagtikim sa bunga ng ipinagbabawal na puno, at tuksuhin ang kanyang asawa upang sumuway din; subalit ang kanilang kasalanan ay nagbukas ng daan para dumaloy sa baha ng kalungkutan sa sanlibutan. Sino ang nakaaalam, sa isang sandali ng tukso, sa katakot-takot na ibubunga ng isang maling hakbang? MPMP 66.2

Marami sa mga nagtuturo na ang kautusan ng Dios ay hindi na sumasaklaw sa tao, ay ipinipilit na mahirap para sa kanya ang makasunod sa mga iniuutos noon. Subalit kung ito ay totoo, bakit nagdusa si Adan sa kaparusahan ng paglabag? Ang kasalanan ng una nating mga magulang ay naghatid ng kasalanan at kalungkutan sa sanlibutan, at kung hindi dahil sa kabutihan at kaawaan ng Dios, ay nahulog na ang lahi sa kawalan ng pag-asa. Huwag magpadaya ang sino man sa kanyang sarili. “Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” Roma 6:23. Ang kautusan ng Dios ay hindi higit na masusuway ngayon ng walang kaparusahan kaysa noong ang hatol ay ipinataw sa ama ng sangkatauhan. MPMP 66.3

Matapos silang magkasala si Adan at si Eva ay hindi na makatitira sa Eden. Nakiusap sila ng husto upang makapanatili sa kanilang tahanan ng kagalakan at pagkawalang-sala. Inamin nilang sila ay nawalan na ng karapatan sa lahat ng karapatan sa tahanang iyon na masaya, subalit sila'y nangangako na susunod at magiging lubos na sila sa pagsunod sa Dios. Subalit sila'y sinumbatan na ang kanilang likas ay lubha ng nasira ng kasamaan at nabuksan na ang daan para kay Satanas upang sila ay madaling makaugnay. Sa kanilang kawalan ng kasalanan sila ay nagpadala sa tukso; ngayon sa kalagayang mulat sa kasalanan, ay higit ng kaunti ang kanilang kakayanan upang panindi- gan ang kanilang pangako. MPMP 66.4

Sa pagpapakumbaba at di mabigkas na kalungkutan sila ay nagpaalam sa kanilang magandang tahanan at humayo upang manirahan sa lupa, kinaroroonan ng sumpa. Ang hangin, dati'y banayad at hindi pabago-bago ang temperatura ay ngayon ay malaki na ang ipinagbago, at ang Panginoon ay may kaawaang nagbigay sa kanila ng pangsuot na yari sa mga balat bilang pananggalang sa matinding init o lamig. MPMP 67.1

Samantalang minamasdan nila sa mga nalantang bulaklak at nahuhulog na dahon ay mga unang tanda ng pagkabulok, si Adan at si Eva ay lubhang nagluksa ng higit sa pagdadalamhati ng mga tao ngayon sa kanilang mga patay. Ang pagkamatay ng mahina, at maselang mga bulaklak ay tunay na sanhi ng pagdalamhati; subalit nang ang mayabong na mga punong kahoy ay nagsimulang maghulog ng kanilang mga dahon, ay malinaw na inihahatid sa isipan ang malupit na kalagayan na ang kamatayan ay may bahagi na sa lahat ng bagay na may buhay. MPMP 67.2

Ang halamanan ng Eden ay nanatili sa lupa ng matagal pang panahon mula ng ang tao ay itakwil sa mga landas noon. Ang lahing nahulog sa kasalanan ay matagal na binigyan ng pahintulot upang matanaw ang tahanan ng pagka-walang kasalanan, ang pintuang pasukan ay binabantayan lamang ng mga anghel. Sa pintuang daan ng Paraiso na nababantayan ng mga kerubin ay nahahayag ang banal na kaluwalhatian. Si Adan at ang kanyang mga anak na lalaki ay nagtutungo roon upang sambahin ang Dios. Dito ay pinananariwa nila ang kanilang panatang pagsunod sa kautusan na bunga ng pagsalansang nila noong sila ay pinaalis mula sa Eden. Noong ang kasamaan ay naging lubhang laganap sa sanlibutan, at ang kasamaan ng mga tao ay naghatid ng pagkagunaw sa pamamagitan ng baha, ang Eden ay inalis mula sa lupa sa pamamagitan ng kamay ng Lumikha. Subalit sa wakas na pagsasauli, kung magkaroon na ng “isang bagong langit at isang bagong lupa” (Apocalipsis 21:1), iyon ay ibabalik na higit na maluwalhating nagagayakan kaysa noong dati. MPMP 67.3

At sila na nagsipag-ingat sa mga utos ng Dios ay lalanghap ng walang hanggang kasiglahan sa ilalim ng puno ng buhay; at sa walang hanggan ay mamamasdan ng mga daigdig na hindi nagkasala, sa halamanan ng kasiyahan, ang isang tularan ng sakdal na nilikha ng Dios—hiwalay sa pakikialam ng kasalanan—isang larawan ng buong sanlibutan—isang halimbawa ng kung ano ang maaaring maging anyo ng lupa, kung ang tao lamang ay sumunod sa maluwalhating panukala ng Dios. MPMP 67.4