Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA

23/76

Kabanata 21—Si Jose at ang Kanyang mga Kapatid

Ang kabanatang ito ay batay sa Genesis 41:54-56; 42 hanggang 50.

Sa pagpapasimula ng mga taon ng kasaganaan ay naganap ang paghahanda para sa dumarating na tag-gutom. Sa pamamahala ni Jose, malalaking mga kamalig ang itinayo sa mga bayan sa buong lupain ng Ehipto, at sapat na pag-aayos ay isinagawa upang maitabi ang mga lalabis sa inaasahang ani. Ang gano'ng pamamalakad ay ipinagpatuloy sa loob ng pitong taon ng kasaganahan, hanggang ang dami ng butil na naitabi ay hindi na masukat pa. MPMP 264.1

At ang pitong taon ng tag-gutom ay nagsimulang dumating, ayon sa inihayag ni Jose. “At nagkagutom sa lahat ng lupain; datapuwat sa buong lupain ng Ehipto ay may tinapay. At nang ang buong lupain ng Ehipto ay magutom, ay dumaing ng tinapay ang bayan kay Faraon: at sinabi ni Faraon sa lahat ng mga Ehipcio, Pumaroon kayo kay Jose; anoman ang kanyang sabihin sa inyo ay inyong gawin. At ang tag-gutom ay nasa ibabaw ng buong lupa: at binuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at nagbili sa mga Ehipcio.” MPMP 264.2

Ang kagutom ay nadama hanggang sa lupain ng Canaan at lub- hang nadama sa lugar na tinitirahan ni Jacob. Sa pagkarinig sa masa- ganang pagkakaloob ng pagkain na ginawa ng hari ng Ehipto, sampu sa mga anak ni Jacob ang naglakbay tungo doon upang bumili ng pagkain. Sa pagdating doon sila ay itinuro sa kinatawan ng hari, at kasama ng iba pang mamimili sila ay humarap sa pangulo ng lupain. At sila'y “nangagpatirapa sa kanya, na ang kanilang mga mukha ay pasubasob.” Nakilala ni Jose ang kanyang mga kapatid, datapuwat hindi nila siya nakilala. Ang kanyang pangalang Hebreo ay pinalitan ng pangalang ibinigay sa kanya ng hari, at kaunti lamang ang pag- kakahawig ng punong ministro ng Ehipto sa payat na kanilang ipi- nagbili sa mga Israelita. Nang makita ni Jose ang kanyang mga kapatid na nakayuko at gumagalang, ang kanyang mga panaginip ay kanyang naalaala, at mga nangyari noong una ay malinaw na nagba- lik sa kanya. Ang kanyang matalas na mga mata, sa pagmamasid sa grupo, ay natuklasan na si Benjamin ay hindi nila kasama. Siya rin ba ay naging biktima ng taksil na kalupitan ng mga masasamang lalaking ito? Ipinasya niyang alamin ang katotohanan. “Kayo'y mga tiktik,” ang mabagsik na salita niya; “upang tingnan ninyo ang kahu- baran ng lupain kaya kayo naparito.” MPMP 264.3

Sila ay sumagot, “Hindi panginoon ko, kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain. Kaming lahat ay anak ng isa lamang na lalaki; kami ay mga taong tapat, ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik.” Ninais niyang malaman kung taglay pa rin ang dating mapanghamak na espiritu nang siya ay kasama pa nila, at magkaroon pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa kanilang tahanan; gano'n pa man alam niya kung gaano kasinungaling ang kanilang sasabihin. Inulit niya ang kanyang paratang, at sila'y sumagot, “Kaming iyong mga lingkod ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng isa lamang na lalaki sa lupain ng Canaan; at, narito, ang bunso ay nasa aming ama ngayon, at ang isa'y wala na.” MPMP 265.1

Sa pagpapahayag na nagdududa sa kanilang salaysay, at upang kilalanin pa rin sila bilang mga tiktik, inihayag ng gobernador na kanyang susubukin sila, sa pamamagitan ng pag-uutos na sila'y ma- natili sa Ehipto hanggang sa ang isa sa kanila ay makahayo at maku- ha ang bunso nilang kapatid. Kung sila ay hindi sasang-ayon dito, sila ay pakikitunguhan bilang mga tiktik. Subalit sa gano'ng kasunduan ang mga anak ni Jacob ay hindi makakasang-ayon, sapagkat ang panahong kakailanganin upang iyon ay maisakatuparan ay magiging sanhi upang ang kanilang mga sambahayan ay mahirapan sa kawalan ng pagkain; at sino sa kanila ang makapaglalakbay na mag- isa samantalang ang kanyang mga kapatid ay maiiwan sa bilangguan? Paano siya makahaharap sa kanyang ama sa gano'ng kalagayan? Nag- mukhang malamang na sila'y ipapatay o gawing mga alipin; at kung si Benjamin ay makuha, maaaring iyon ay upang makasama lamang nila. Ipinasya nilang manatili at sama-samang magdusa, kaysa mag- dagdag ng kapanglawan sa kanilang ama sa pamamagitan ng pagka- wala ng isa na lamang na natitira niyang anak. Dahil doon sila ay inilagay sa bilangguan, kung saan sila ay nanatili sa loob ng tatlong araw. MPMP 265.2

Mula noong mga taong si Jose ay mawalay sa kanyang mga kapatid, ang mga anak na ito ni Jacob ay nagbago na ang pagkatao. Dati'y mainggitin, magugulo, mandaraya, malulupit, at mapaghi- ganti; subalit ngayon, sa ilalim ng pagsubok, sila'y napatunayang hindi makasarili, tapat sa isa't isa, nagmamahal sa kanilang ama, at, sila bagaman mga may edad na, ay nasa ilalim ng kanyang kapamahalaan. MPMP 265.3

Ang tatlong araw sa bilangguan ng mga Ehipcio ay mga araw ng mapait na kalungkutan samantalang inaalala ng magkakapatid ang kanilang mga nakalipas na kasalanan. Hanggang hindi nila maipapa- kita si Benjamin ang paratang na sila'y mga tiktik ay tama, at hindi sila lubos na makaaasang ipapahintulot ng kanilang ama na si Benjamin ay mawala. Nang ikatlong araw ay ipinaharap ni Jose ang kanyang mga kapatid sa kanya. Hindi niya magagawang tagalan pa ang pagkakakulong sa kanila. Maaaring nagugutom na ang kanyang ama at ang mga pamilyang kasama niya. “Gawin ninyo ito at ma- ngabuhay kayo,” wika niya; “sapagkat natatakot ako sa Dios; Kung kayo'y mga taong tapat, ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo: datapwat kayo'y yu- maon, magdala kayo ng trigo dahil sa tag-gutom sa inyong mga bahay: at dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso; sa ganito'y mapatotohanan ang inyong mga salita, at hindi kayo ma- ngamamatay.” Tinanggap nila ang alok na ito, bagaman naghahayag ng maliit na pag-asa na ipahihintulot ng kanilang ama na si Benjamin ay sumama sa kanila pagbalik. Si Jose ay nakikipag-ugnay sa kanila sa pamamagitan ng isang tagasalin ng wika, at sa hindi pagkaalam na sila ay nauunawaan ng gobernador, sila ay malayang nag-ugnayan sa harap niya. Sinisi nila ang kanilang mga sarili tungkol sa ginawa nila kay Jose: “Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagkat nakita natin ang kahapisan ng kanyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito.” Si Ruben, na nagpanukalang iligtas siya sa Dotan, ay nagdagdag, “Di ba nagsalita ako sa inyo, na aking sinasabi, huwag kayong magkasala laban sa bata; at ayaw kayong makinig? kaya naman, narito, ang kanyang dugo ay nagsasakdal.” Si Jose, sa pakikinig, ay hindi mapigil ang kanyang damdamin, at siya ay lumabas at umiyak. Nang siya ay magbalik iniutos niya na si Simeon ay talian sa harap nila at muling ilagay sa kulungan. Sa malupit na ginawa sa kanilang kapatid, si Simeon ang naging pasimuno, pinaka-aktibo sa lahat, at ito ang dahilan kung bakit siya ang napili. MPMP 266.1

Bago pinaalis ang kanyang mga kapatid, iniutos ni Jose na sila ay bigyan ng trigo, at ang salapi ng bawat isa ay lihim na ilagay sa labi ng kanilang mga sako. Binigyan din sila ng pagkain para sa mga hayop sa kanilang paglalakbay. Sa daan ang isa sa kanila, sa pagbubu- kas ng kanyang sako, ay nagulat ng kanyang makita ang kanyang supot ng pilak. Nang ipabatid niya ito sa iba, sila ay nabahala at nangatakot, at sinabi sa isa't isa, “Ano itong ginawa ng Dios sa atin?”—kanila bang ituturing iyon bilang mabuting kaloob mula sa Panginoon, o Kanyang ipinahintulot na mangyari iyon upang sila ay parusahan para sa kanilang mga kasalanan at ihulog sila sa ibayo pang kahirapan? Kanilang tinanggap na nakita ng Dios ang kanilang mga kasalanan, at ngayon sila ay pinarurusahan Niya. MPMP 266.2

Si Jacob ay di mapalagay sa paghihintay sa pagbalik ng kanyang mga anak, at sa kanilang pagdating ang buong kampamento ay natipon sa paligid nila samantalang kanilang isinasaysay sa kanilang ama ang lahat ng nangyari. Takot at pagkabahala ang napasa bawat puso. Ang ginawa ng gobernador ng Ehipto ay tila nagbabadya ng masamang panukala, at ang kanilang mga pangamba ay napagtibay nang, sa pagbubukas nila ng kanilang mga sako, ang kanya-kanyang salapi ay nasumpungan sa bawat sako. Sa kanyang pagkalito ay nagsalita ang matandang ama, “Inalis na ninyo sa akin ang aking mga anak: si Jose ay wala, at si Simeon ay wala, at aalisin pa ninyo si Benjamin: lahat ng bagay na ito'y laban sa akin.” Si Ruben ay sumagot, “Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung siya'y hindi ko dalhin sa iyo: ibigay mo sa aking kamay, at siya'y aking ibabalik sa iyo.” Ang padalos- dalos na pananalitang ito ay hindi nakapagpatahimik sa isip ni Jacob. Ang kanyang tugon ay, “Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo; sapagkat ang kanyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira: kung mangyayari sa kanya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan, ay pababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan.” MPMP 267.1

Subalit ang tag-gutom ay nagpatuloy, at sa paglakad ng panahon ang pagkaing nabili sa Ehipto ay malapit nang maubos. Alam na alam ng mga anak ni Jacob na sila ay hindi makababalik sa Ehipto na hindi kasama si Benjamin. Hindi sila ganap na makaaasa na mababa- go pa nila ang kapasyahan ng kanilang ama, at hinintay nilang maha- rap ang bagay na iyon sa pamamagitan ng pananahimik. Lumala ng lumala ang anino ng dumarating na tag-gutom; sa nagugulumihanang mukha ng lahat ng mga nasa kampamento nabasa ng matanda ang kanilang pangangailangan; sa wakas ay kanyang sinabi, “Kayo'y pu- maroon muli, ibili ninyo tayo ng kaunting pagkain.” MPMP 267.2

Si Juda ay sumagot, “Ipinahayag sa aming mahigpit ng lalaking yaon, hindi ninyo makikita ang aking mukha, maliban na isama ninyo ang inyong kapatid. Kung pasasamahin mo sa amin ang aming kapatid, ay bababa kami, at ibibili ka namin ng pagkain. Datapwat kung hindi mo paparoroonin ay hindi kami bababa: sapagkat sinabi sa amin ng lalaking yaon, Hindi ninyo makikita ang aking mukha, malibang kasama ninyo ang inyong kapatid.” Nang makitang ang kapasyahan ng kanyang ama ay nagsisimulang mabago, ay kanyang idinagdag, “Pasasamahin mo sa akin ang bata at kami ay magsisitindig at magsisiyaon; upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay, kami, at ikaw, at gayon din ang aming mga anak;” at nag-alok na siya ang mananagot para sa kanyang kapatid at siya ay sisihin magpakailan- man kung hindi niya maibabalik si Benjamin sa kanyang ama. MPMP 268.1

Hindi na maitanggi ni Jacob ang kanyang pahintulot, at inutusan niya ang kanyang mga anak upang maghanda para sa paglalakbay. Pinapagdala rin niya sila para sa pinuno ng mga kaloob na makaka- yanan ng isang lugar na salanta ng tag-gutom—“kaunting balsamo at kaunting pulot, pabango, at mirra, mga pila at almendras,” gano'n din ng dobleng halaga ng salapi. “Dalhin din ninyo ang inyong kapatid,” wika niya “at magtindig kayo at pumaroon kayong muli sa lalaking yaon.” Nang ang kanyang mga anak ay malapit nang umalis para sa kanilang walang katiyakang paglalakbay ang matandang ama ay tumindig, at itinaas ang kanyang mga kamay sa langit, na nana- langin, “Pagkalooban nawa kayo ng Dios na Makapangyarihan sa lahat ng kaawaan sa harap ng lalaking yaon, upang isauli sa inyo ang inyong isang kapatid, at si Benjamin. At kung mawalan ako ng mga anak, ay mawalan ako.” MPMP 268.2

Muli silang naglakbay tungo sa Ehipto at humarap kay Jose. Nang makita niya si Benjamin, ang anak ng sarili niyang ina, siya ay lub- hang nakilos. Ikinubli niya ang kanyang damdamin, gano'n pa man, at iniutos na sila ay dalhin sa kanyang bahay, at maghanda upang sila ay makakaing kasalo niya. Nang ihatid sa palasyo ng gobernador, ang magkakapatid ay lubhang nabahala, nangangamba na baka sila tanungin tungkol sa salapi na nasumpungan sa kanilang mga sako. Kanilang inisip na maaaring iyon ay sadyang inilagay doon upang magkaroon ng dahilan upang sila ay gawing mga alipin. Sa kanilang pagkabahala ay tinanong nila ang katiwala ng bahay, na isinaysay sa kanya ang mga pangyayari tungkol sa kanilang pagtungo sa Ehipto; at bilang katibayan ng kanilang kawalan ng kasalanan ay sinabi sa kanya na dala nilang muli ang salapi na nasumpungan sa kanilang mga sako, at karagdagang salapi upang ibili ng pagkain; at kanilang idinagdag, “Hindi namin nalalaman kung sino ang naglagay ng aming salapi sa aming mga bayong.” Ang lalaki ay sumagot, “Mapayapa kayo; huwag kayong matakot, ang Dios ninyo at ang Dios ng inyong ama ang nagbigay sa inyo ng kayamanang natatago sa inyong mga bayong: tinanggap ko ang inyong salapi.” Ang kanilang pagka balisa ay naibsan, at nang si Simeon, na pinalabas na sa kulungan, ay kasama na nila, kanilang nadama na tunay na ang Dios ay naging mapagbiyaya sa kanila. MPMP 268.3

Nang ang gobernador ay muling humarap sa kanila ay kanilang ibinigay ang kanilang mga kaloob at mapagpakumbabang “nagpati- rapa sa harap niya.” Ang kanyang panaginip ay muli niyang naalaala, at matapos na mabati ang kanyang mga panauhin ay kaagad niyang itinanong, “Wala bang salat ang inyong ama, ang matanda na inyong sinalita? buhay pa ba?” “Walang salat ang iyong lingkod na aming ama, buhay pa,” ang tugon, samantalang muli silang nagsi- yukud. At kanyang nakita si Benjamin, at kanyang sinabi, “Ito ba ang inyong kapatid na bunso, na inyong sinalita sa akin?” “Pagpalain ka nawa ng Dios anak ko;” datapwat nang hindi na niya madala ang kanyang nadadama, ay wala na siyang masabi pa. “At pumasok sa kanyang silid at umiyak doon.” MPMP 269.1

Nang muling makayanan ang kanyang sarili, siya ay bumalik, at ang lahat ay dumulog sa hapag kainan. Sang-ayon sa mga batas tungkol sa kalagayan sa lipunan ang mga Ehipcio ay pinagbabawa- lang kumain na kasalo ng mga taga ibang bansa. Kung kaya't ang mga anak ni Jacob ay may nakabukod na lamesa para sa kanila, samantalang ang gobernador, dahilan sa kanyang mataas na tungkulin, ang kumaing mag-isa, at ang mga Ehipcio ay mayroon ding bukod na mga lamesa. Nang ang lahat ay mapaupo ang mga magkakapatid ay namangha nang makita na sila ay nasa ganap na kaayu- san, ayon sa kanilang edad. “At sila'y idinampot ni Jose sa harap niya ng mga ulam;” subalit ang kay Benjamin ay limang ulit na mas marami kaysa kanila. Sa pamamagitan ng ganitong pagkalugod kay Benjamin ay inasahan niyang matiyak kung ang pinakabunsong kapatid ay kanilang pinakikitunguhan na may inggit at galit na gaya ng naging pakitungo sa kanya noon. Patuloy pa ring inaakala na hindi ni Jose naiintindihan ang kanilang wika, ang magkakapatid ay malayang nag-usap sa isa't isa; kung kaya't siya ay nagkaroon ng magandang pagkakataon upang malaman ang tunay nilang damdamin. Ninais niyang subukin pa sila ng husto, at bago sila umalis kanyang iniutos na ang sarili niyang iniinumang saro na yari sa pilak ay itago sa sako ng pinaka bunso. MPMP 269.2

Sila ay masayang humayo sa kanilang pag-uwi. Kasama nila si Simeon at si Benjamin, ang kanilang mga hayop ay may mga kargang trigo, at nadadama ng lahat na kanila nang natakasan ang mga panganib na tila nakapalibot sa kanila. Subalit bahagya pa lamang silang nakararating sa labas ng lungsod nang sila ay abutan ng lingkod ng gobernador na nagtanong sa kanila sa isang nakasasakit na paraan, “Bakit iginanti ninyo ang kasamaan sa kabutihan? Hindi ba ang sarong ito ang iniinuman ng aking panginoon, at tunay na kanyang ipinanghuhula? Kayo'y gumawa ng masama sa paggawa ng ganyan.” Ang sarong ito ay ipinagpapalagay na may kapangyarihan upang mabatid ang ano mang nakalalasong bagay na inilalagay doon. Noong mga panahong iyon ang ganitong uri ng saro ay lubhang pinahahalagahan bilang pananggalang laban sa pagpatay sa pamamagitan ng paglalason. MPMP 270.1

Sa bintang ng katiwala ang mga manlalakbay ay tumugon, “Bakit sinalita ng aking panginoon ang mga salitang ito? Huwag itulot ng Dios na gumawa ang iyong mga lingkod ng ganyang bagay. Narito, ang salapi na aming nasumpungan sa labi ng aming mga bayong ay aming isinauli sa iyo mula sa lupain ng Canaan: paano ngang kami ay magnanakaw sa bahay ng iyong panginoon ng pilak o ginto? Yaong kasumpungan sa iyong mga lingkod, ay mamatay, at pati kami ay magiging alipin ng aming panginoon.” MPMP 270.2

“Mangyari nga ang ayon sa inyong mga salita,” wika ng katiwala; “yaong kasumpungan ay magiging aking alipin; at kayo'y mawawa- lan ng sala.” MPMP 270.3

Kaagad sinimulan ang paghahanap. “Nagmadali sila, at ibinaba ng bawat isa ang kanyang bayong sa lupa,” at siniyasat ng katiwala ang bawat isa, simula sa bayong ni Ruben, at kinukuhang sunod-sunod hanggang sa pinakabunso. Sa bayong ni Benjamin nasumpungan ang saro. MPMP 270.4

Hinapak ng magkakapatid ang kanilang mga damit bilang tanda ng kanilang kasawiang palad, at marahang nagbalik sa lungsod. Sa pamamagitan ng sarili nilang pangako si Benjamin ay parurusahan ng habang-buhay na pagkaalipin. Sinundan nila ang katiwala hanggang sa palasyo, at nang makita nila na ang gobernador ay naroon pa, sila ay nagpatirapa sa harap niya. “Anong gawa itong inyong ginawa?” wika niya, “hindi ba ninyo nalalaman na ang isang tao na gaya ko ay tunay na makahuhula?” Si Jose ay gumawa ng paraan upang kanilang tanggapin ang kanilang kasalanan. Kailan man ay hindi niya inangkin na siya'y nakapanghuhula, subalit handa siyang papaniwalain sila na kanyang nababasa ang mga lihim ng kanilang mga buhay. MPMP 270.5

Si Juda ay sumagot, “Anong aming sasabihin sa aming panginoon? o paanong kami ay magpapatotoo? Inilitaw ng Dios ang kasamaan ng iyong mga lingkod: narito, kami ay alipin ng aming panginoon, kami sampu niyaong kinasumpungan ng saro.” MPMP 271.1

“Huwag nawang itulot ng Dios na ako'y gumawa ng ganyan,” ang tugon: “ang taong kinasumpungan ng saro, ay siyang magiging aking alipin; datapwat tungkol sa inyo ay pumaroon kayong payapa sa inyong ama.” MPMP 271.2

Sa kanyang lubhang pagkabahala si Juda ngayon ay lumapit sa pangulo at nagsabi, “Oh panginoon ko, ipinamamanhik ko sa iyo na papagsalitain ang iyong lingkod, ng isang salita sa mga pakinig ng aking panginoon, at huwag nawang mag-alab ang iyong loob laban sa iyong lingkod: sapagkat ikaw ay parang si Faraon.” Sa mga pana- nalitang may nakakakilos na kahusayan ay inilarawan niya ang ka- panglawan ng kanyang ama sa pagkawala ni Jose at ang kanyang pag-aatubili upang pahintulutan si Benjamin na sumama sa kanila sa Ehipto, sapagkat siya na lamang ang natitirang anak ng kanyang ina na si Raquel, na mahal na mahal ni Jacob. “Ngayon nga'y,” sabi niya, “Kung ako'y dumating sa iyong lingkod na aking ama, at ang bata ay hindi namin kasama; sapagkat ang kanyang buhay ay natatali sa buhay ng batang iyan; ay mangyayari nga na pagka kanyang nakitang ang bata ay di namin kasama; ay mamatay siya: at ibaba sa Sheol na may kapanglawan ng iyong lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama. Sapagkat ang iyong lingkod ang siyang nanagot sa bata sa aking ama, na nagsasabi, Kung hindi ko siya dalhin sa iyo, ay papasanin ko nga ang kasalanan sa aking ama magpakailan man. Ngayon nga, ay ipahintulot mo na ang iyong lingkod, aking isinasa- mo sa iyo, ay maiwan na kahalili ng bata na pinakaalipin ng aking panginoon; at iyong ipahintulot na ang bata ay umahong kasama ng kanyang mga kapatid. Sapagkat paanong paroroon ako sa aking ama, at ang bata ay di ko kasama? Baka aking makita pa ang sakunang sasapit sa aking ama.” MPMP 271.3

Si Jose ay nasiyahan. Nakita niya sa kanyang mga kapatid ang mga bunga ng tunay na pagsisisi. Nang marinig niya ang marangal na alok ni Juda ay iniutos niya na ang lahat ng mga tao ay umalis liban sa mga lalaking iyon; at, sa malakas na pag-iyak, ay kanyang sinabi, “Ako'y si Jose; buhay pa ba ang aking ama?” MPMP 272.1

Ang kanyang mga kapatid ay hindi nakakibo, hindi makaimik sa takot at pagkamangha. Ang pangulo ng Ehipto ay ang kanilang kapatid na si Jose, na kanilang kinainggitan at muntik nang mapatay, at sa huli'y ipinagbili bilang alipin! Ang lahat ng masama nilang ginawa sa kanya ay kanilang naalaala. Kanilang naalaala kung paanong hindi nila pinaniwalaan ang kanyang mga panaginip at sinikap na mahad- langan ang pagsasakatuparan ng mga iyon. Gano'n pa man ay kanilang nagampanan ang kanilang bahagi sa pagsasakatuparan ng mga iyon; at ngayong sila ay pawang nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan ay kanyang tiyak, na paghihigantihan ang kasamaang kanyang dinanas. MPMP 272.2

Sa pagkakita sa kanilang pagkabalisa, ay sinabi niya ng may kaa- muan, “Lumapit kayo sa akin, isinasamo ko sa inyo;” at samantalang sila'y nagsisilapit, siya ay nagpatuloy, “Ako'y si Jose na inyong kapatid, na inyong ipinagbili upang dalhin sa Ehipto. At ngayo'y huwag kayong magdalamhati, o magalit man sa inyong sarili na inyo akong ipinagbili rito: sapagkat sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang mangalaga ng buhay.” Sa pagkadamang sila'y naghirap na ng sapat para sa kanilang kalupitan sa kanya, ay marangal niyang sinikap alisin ang kanilang mga pagkatakot at bawasan ang kapaitan ng kanilang pagsisisi sa sarili. MPMP 272.3

“Sapagkat may dalawang taon nang,” kanyang itinuloy, “ang kagu- tom ay nasa lupain; at may limang taon pang hindi magkakaroon ng pagbubukid, o pag-aani man. At sinugo ako ng Dios sa unahan ninyo upang panatilihin kayong buhay sa pamamagitan ng dakilang pagliligtas. Hindi nga kayo ang nagsugo sa akin dito, kundi ang Dios: at Kanya akong ginawang ama kay Faraon, at panginoon sa buo niyang bahay, at tagapamahala ng buong lupain ng Ehipto. Magmadali kayo, at pumaroon kayo sa aking ama, at sabihin ninyo sa kanya: Ganito ang sabi ng iyong anak na si Jose: Ginawa akong panginoon ng Dios sa buong Ehipto: pumarito ka sa akin, ikaw at ang iyong mga anak, at ang iyong mga kawan, at ang iyong mga bakahan, at ang iyong buong tinatangkilik. At doo'y kakandilihin kita; sapagkat may limang taong tag-gutom pa: baka ikaw ay madukha, ikaw at ang iyong sambahayan, at ang lahat ng iyo. At, narito, nakikita ng inyong mga mata ng aking kapatid na si Benjamin, na ang aking bibig ang nagsalita sa inyo.” “At siya'y humilig sa leeg ng kanyang kapatid, at umiyak sa kanila: at pagkatapos ay nalapagsalitaan sa kanya ang kanyang mga kapatid.” May pagpapakumbaba nilang inihayag ang kanilang kasalanan at hiniling ang kanyang pagpapatawad. Matagal silang nagdusa sa kalungkutan at mataos na pagsisisi, at ngayon sila ay nagalak sapagkat siya ay buhay pa. MPMP 272.4

Ang balita tungkol sa nangyari ay mabilis na dinala sa hari, na, sa kasabikang makapagpahayag ng kanyang pagpapasalamat kay Jose, ay pinagtibay ang paanyaya ng gobernador sa kanyang sambahayan, at nagsabi, “Ang buti ng buong lupain ng Ehipto ay inyo.” Ang magkakapatid ay pinahayong sagana sa pagkain at mga kariton at lahat ng kailangan para sa paglipat ng kanilang mga sambahayan at mga katulong sa Ehipto. Kay Benjamin, si Jose ay nagbigay ng higit na mga kaloob kaysa sa iba. At sa pangambang baka magkaroon sila ng alitan sa daan, ay sinabihan niya sila, samantalang sila ay malapit nang umalis, ng tagubilin, “Huwag kayong magkaaalit sa daan.” MPMP 273.1

Ang mga anak ni Jacob ay nagbalik sa kanilang ama na may masa- sayang mga balita, “Si Jose ay buhay pa, at siya'y puno sa buong lupain ng Ehipto.” Sa simula ang matanda ay lubhang nabigla; hindi niya mapaniwalaan ang kanyang nadinig; subalit nang kanyang ma- kita ang mahabang pila ng mga kariton at mga hayop na maraming dala, at nang si Benjamin ay nasa piling na niyang muli, siya ay naniwala, at sa kanyang ganap na kagalakan ay kanyang sinabi, “Siya na; si Jose na aking anak ay buhay pa: ako'y paroroon at titingnan ko siya, bago ako mamatay.” MPMP 273.2

Isa pang pagpapakumbaba ang nalalabi para sa sampung magkakapatid. Kaniia ngayong ipinagtapat ang panlilinlang at kalupitan na sa loob ng maraming mga taon ay nagpapait sa kanyang buhay gano'n din sa kanila. Hindi sila pinag-isipan ni Jacob ng gano'n kalalang kasalanan, subalit kanyang nakita na ang lahat ay nangyari para sa ikabubuti, at kanyang pinatawad at binasbasan ang lahat ng mga nagkasala niyang mga anak. MPMP 273.3

Ang ama at ang kanyang mga anak, kasama ng kanilang mga pamilya, mga tupa at baka, at maraming mga katulong, ay naglalak- bay na agad patungo sa Ehipto. Sila ay naglakbay na may kagalakan ng puso, at nang sila'y makarating sa Beer-seba ang patriarka ay nagkaloob ng mga handog ng pasasalamat at humiling ng katiyakan sa Panginoon na Siya ay sasama sa kanila. Sa isang banal na pangitain sa gabi ang salita ng Dios ay sumakanya: “Huwag kang matakot na bumaba sa Ehipto; sapagkat doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa. Ako'y bababang kasama mo sa Ehipto; at tunay na iaahon kita uli.” MPMP 274.1

Ang katiyakang, “Huwag kang matakot na bumaba sa Ehipto; sapagkat doo'y gagawin kitang isang dakilang bansa,” ay makahulugan. Ang pangako ay naibigay kay Abraham tungkol sa angkang sindami ng mga bituin, subalit ang piniling bayan ay mabagal pa ang nagi- ging pagdami. At ang lupain ng Canaan ay walang gano'ng lugar para sa pag-unlad ng gano'ng bansa gaya ng inihula. Iyon ay nasasa- kupan ng malalakas na tribong hindi sumasampalataya sa Dios, at hindi maaaring maisalin hanggang sa “ikaapat na henerasyon.” Kung ang mga anak ni Israel ay dito dadami, kakailanganing paalisin nila ang mga naninirahan sa lupain o di kaya'y pangalatin ang kanilang sarili sa kanila. Ang una, ayon sa tagubilin ng Dios, ay hindi nila maaaring gawin; at kung sila'y makikihalubilo sa mga Canaanita, baka naman sila maakit na sumamba sa mga diyus-diyusan. Sa Ehipto, gano'n pa man, ay naroon ang mga kundisyong kailangan upang matupad ang panukala ng Dios. Isang bahagi ng bansa na natutubigan ng husto at mataba ang lupa ay bukas para sa kanila doon, makapagbibigay ng lahat ng kailangan para sa mabilis na pagla- go. At ang antipatya na kanilang makakatagpo sa Ehipto dahil sa kanilang hanapbuhay—sapagkat ang bawat pastol ay “kasuklam-suk- lam sa mga Ehipcio”—ay magpapahintulot upang sila'y manatiling isang kakaiba at bukod na bayan at maghihiwalay sa kanila sa pakiki- lahok sa pagsamba sa diyus-diyusan sa Ehipto. MPMP 274.2

Sa pagdating sa Ehipto ang grupo ay nagtuloy sa lupain ng Goshen. At naparoon ni Jose sakay sa kanyang karo ng kaharian, kasama ang mga dama ng isang prinsipe. Ang karilagan ng nakapali- bot sa kanya at ang karangalan ng kanyang posisyon ay kapwa kina- limutan; isang isipan lamang ang nakakapuno sa kanya, isa lamang ang inaasam-asam ng kanyang puso. At samantalang nakikita niya ang mga manlalakbay na dumarating, ang pagmamahal na sa loob ng mahabang panahon ay napipigilan, ay hindi na makokontrol. Siya ay bumaba sa kanyang karo at nagmadali upang salubungin ang kanyang ama. “At yumakap sa kanyang leeg, at umiyak sa kanyang leeg na matagal. At sinabi ni Israel kay Jose, ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buhay pa.” MPMP 274.3

Isinama ni Jose ang lima na kanyang mga kapatid upang iharap kay Faraon at tanggapin mula sa kanya ang kaloob na lupa na magiging tahanan nila sa hinaharap. Ang pagpapasalamat sa kanyang punong ministro ay nag-udyok sana sa hari upang parangalan sila sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tungkulin sa kaharian; subalit si Jose, sa kanyang katapatan sa pagsamba kay Jehova, ay gumawa ng paraan upang iligtas sila mula sa mga tukso na kanilang makakaharap sa isang palasyo ng mga hindi sumasampalataya sa Dios; kung kaya't pinayuhan niya sila, na kung sila'y tatanungin ng hari, ay ipagtapat nila kung ano ang kanilang hanapbuhay. Ang mga anak ni Jacob ay sumunod sa kanyang ipinayo, at maingat na nagsabi na sila'y maninirahang pansamantala sa lupain, at hindi maninirahan doon ng habang panahon, sa gano'ng paraan ay iniingatan ang kara- patang umalis kung kanilang nanaisin. Ang hari ay nagkaloob ng kanilang matitirahan sa “pinakamabuti sa lupain” ang lugar ng Goshen. MPMP 275.1

Di pa nagtatagal mula nang sila'y dumating ay isinama rin ni Jose ang kanyang ama upang maiharap sa hari. Ang patriarka ay hindi sanay sa mga palasyo ng hari; subalit sa marilag na tanawin ng kali- kasan ay nakikipag-ugnay siya sa isang mas makapangyarihang Hari; at ngayon, sa nadaramang kahigitan, at itinaas niya ang kanyang mga kamay at binasbasan si Faraon. MPMP 275.2

Sa kanyang unang pagbati kay Jose, si Jacob ay nagsalita na tila, sa masayang wakas na ito ng mahaba niyang pag-aalaala at kalungkutan, siya ay handa nang mamatay. Subalit labing pitong taon pa ang idadagdag sa kanya sa mapayapang pahingahan ng Goshen. Ang mga taong ito ay naging masaya di tulad ng mga sinundang mga taon. Nakita niya sa kanyang mga anak ang tunay na pagsisisi; nakita niya ang kanyang sambahayan na napapaligiran ng lahat ng kundis- yon upang maging isang dakilang bansa; at nanghawak ang kanyang pananampalataya sa tiyak na pangako tungkol sa kanilang pagkatatag sa Canaan. Siya mismo ay napapaligiran ng lahat ng naghahayag na pagmamahal at kaluguran na naipagkakaloob ng punong ministro ng Ehipto; at masaya sa piling ng kanyang anak na matagal na nawala, marahan at mapayapa siyang namatay. MPMP 275.3

Samantalang nadadama niyang ang kamatayan ay nalalapit na, ay ipinatawag niya si Jose. Mahigpit pa ring nanghahawak sa pangako ng Dios tungkol sa paninirahan sa Canaan, ay sinabi niya, “Isinasamo ko sa iyo huwag mo akong ilibing sa Ehipto: kundi pagtuloy kong kasama ng aking mga magulang ay dadalhin mo ako mula sa Ehipto, at ililibing mo ako sa kanilang libingan.” Si Jose ay nangako na gano'n ang gagawin, subalit si Jacob ay hindi nasiyahan; siya ay nagpasumpa ng isang banal na panunumpa na siya'y ililibing sa piling ng kanyang mga ama sa yungib ng Machpela. MPMP 276.1

Isa pang mahalagang bagay ang kinakailangang mapag-ukulan ng pansin; ang mga anak ni Jose ay kinakailangang pormal na maibilang sa mga anak ni Israel. Isinama ni Jose, sa kanyang huling pakikipag- usap sa kanyang ama, si Ephraim at si Manases. Ang mga kabataang ito ay kaugnay, sa pamamagitan ng kanilang ina, sa pinakamataas na uri ng pagkasaserdote ng mga Ehipcio; at ang posisyon ng kanilang ama ay nagbubukas sa kanila ng mga landas tungo sa kayamanan at katanyagan, kung kanilang pipiliin ang makabilang sa mga Ehipcio. Nais ni Jose, gano'n pa man, na sila'y mapaugnay sa sarili niyang bayan. Inihayag niya ang kanyang pananampalataya sa pangako ng tipan, alang-alang sa kanyang mga anak ay tinalikuran ang lahat ng karangalang iniaalok ng palasyo ng mga Ehipcio, upang magkaroon ng lugar sa mga itinakwil na tribo ng mga pastor, na pinagkatiwalaan ng mga utos ng Dios. MPMP 276.2

Ang wika ni Jacob, “Ang iyo ngang dalawang anak na ipinanganak sa iyo sa lupain ng Ehipto bago ako naparito sa iyo sa Ehipto, ay akin; si Ephraim at si Manases, gaya ni Ruben at ni Simeon ay magiging akin.” Sila ay mabibilang na kanyang mga anak, at mga ulo ng bukod na mga tribo. Kung kaya't ang isa sa mga karapatan ng pagkapanganay na hindi na maaaring mapa kay Ruben, ay mapapa kay Jose—dalawang bahagi sa Israel. MPMP 276.3

Ang mga mata ni Jacob ay malabo na dahilan sa edad, at hindi niya agad napansin ang dalawa; subalit ngayon nang sila'y maaninagan, ang kanyang sinabi, “Sino-sino ito?” Nang masabi sa kanya, ay idi- nagdag niya, “Isinasamo ko sa iyo, na iyong dalhin sila rito sa akin, at sila'y aking babasbasan.” Nang sila ay lumapit, sila ay yinakap at hinagkan ng patriarka, at marahang inilagay ang kanyang mga kamay sa kanilang ulo upang sila ay basbasan. At binigkas niya ang dalangin, “Ang Dios na sa harap niya ay lumakad ang aking mga magulang na si Abraham at si Isaac, ang Dios na nagpakain sa akin sa buong buhay ko hanggang sa araw na ito, ang anghel na tumubos sa akin sa buong kasamaan, ay siya nawang magpala sa mga batang ito.” Walang espiritu ng pagtitiwala sa sarili, walang pagtitiwala sa kapangyarihan o kagalingan ng tao ngayon. Ang Dios ang naging tagapag- ingat at saklolo niya. Walang reklamo tungkol sa masasamang mga araw na nakalipas. Ang mga pagsubok at kalungkutan ay hindi na itinuring bilang mga bagay na “laban” sa kanya. Inalala lamang ang Kanyang kahabagan at mapagmahal na kabutihan na suma kanya sa buong panahon ng kanyang paglalakbay. MPMP 276.4

Ang pagbabasbas ay natapos, binigyan ni Jacob ang kanyang anak ng katiyakan—iniiwan para sa mga henerasyong darating, sa ma- habang panahon ng pagkaalipin at kalungkutan, ang patotoong ito tungkol sa kanyang pananampalataya—“Narito, ako'y mamamatay; ngunit ang Dios ay sasainyo, at dadalhin kayo uli sa lupain ng inyong mga magulang.” MPMP 277.1

Sa huli ang lahat ng mga anak ni Jacob ay tinipon sa paligid ng banig na kanyang kamatayan. At tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak, at sinabi, “Magpipisan kayo at kayo'y makinig, kayong mga anak ni Jacob; at inyong pakinggan si Israel na inyong ama.” “Upang maisaysay ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa mga huling araw.” Malimit sa pag-aalala ay pinag-isipan niya ang kanilang hinaharap, at sinikap na ilarawan para sa kanyang sarili ang kasaysayan ng iba't ibang mga tribo. Ngayon samantalang ang kanyang mga anak ay naghihintay para sa kanyang huling basbas, ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya, at sa harap niya, sa isang pangitain ay ipinakita ang hinaharap ng kanyang mga anak. Isa-isang binanggit ang pangalan ng kanyang mga anak, ang likas ng bawat isa ay binanggit, at ang kasaysayan sa hinaharap ay isinaysay sa maikling paraan. MPMP 277.2

“Ruben, ikaw ang aking panganay,
Ang aking kapangyarihan, at siyang pasimula ng aking kalakasan,
Siyang kasakdalan ng kamahalan, at siyang kasakdalan ng kapangyarihan.”
MPMP 277.3

Sa gano'ng paraan ay inilarawan ng ama ang sana'y katayuan ni Reuben bilang panganay na anak; subalit ang malaki niyang kasalanan sa Edar ang nagpaging hindi niya karapatdapat sa karapatan ng pagkapanganay. Nagpatuloy si Jacob— MPMP 278.1

“Kumukulong parang tubig na umaawas,
Hindi ka magtataglay ng kasakdalan.”
MPMP 278.2

Ang pagkasaserdote ay itinalaga kay Levi, ang kaharian at ang pangako tungkol sa Mesiyas kay Juda, at ang bukod tanging mana kay Jose. Ang tribo ni Reuben ay di kailanman nagkaroon ng kadakilaan sa Israel; hindi iyon naging sindami ng tribo ni Juda, o ni Jose, o ni Dan, at kabilang sa mga unang nabihag. MPMP 278.3

Sunod sa edad kay Ruben ay sina Simeon at Levi. Sila ay nagkaisa sa kanilang kalupitan sa mga taga Sichem, at sila pa rin ang naging pangunahin sa pagbibili kay Jose. Tungkol sa kanila ay sinabi— MPMP 278.4

“Aking babahagihin sila sa Jacob,
At aking pangangalatin sila sa Israel.”
MPMP 278.5

Nang bilangin ang Israel, bago pumasok sa Canaan, kay Simeon ang pinakamaliit na tribo. Si Moises, sa kanyang huling basbas, ay hindi binanggit ang tribo ni Simeon. Sa paninirahan sa Canaan ang tribong ito ay mayroon lamang maliit na bahagi ng lote ni Juda, at ang mga sambahayang iyon na paglipas ng panahon ay naging maka- pangyarihan ay nagbuo ng mga pulutong na nanirahan sa labas ng Banal na Lungsod. Si Levi rin ay hindi tumanggap ng mana liban sa apat na pung mga bayan na nakakalat sa iba't ibang bahagi ng lupain. Sa kalagayan ng tribong ito, gano'n pa man, ang kanilang katapatan sa Dios nang ang ibang tribo ay nagsitalikod, ang naging sanhi upang sila ang mapili para sa banal na gawain sa santuwaryo, kung kaya't ang sumpa sa kanila ay naging isang pagpapala. MPMP 278.6

Ang taluktok ng basbas ng karapatan ng pagkapanganay ay isinalin kay Juda. Ang kahalagahan ng pangalan—na ang ibig sabihin ay pagpuri—ay nahayag sa inihulang kasaysayan ng tribong ito: MPMP 278.7

“Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid: Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway;
Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo.
Si Juda'y isang anak ng leon:
Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka:
Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon,
At parang isang matandang leon: sinong gigising sa kanya?
Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda,
Ni ang tungkol ng pagkaupo sa pagitan ng kanyang mga paa,
Hanggang sa ang Shilo ay dumating;
At sa Kanya tatalima ang mga bansa.”
MPMP 278.8

Ang leon, hari ng kagubatan, ay isang angkop na simbolo ng tribong ito, kung saan si David ay nagmula, at ang Anak ni David, na Shiloh, ang tunay na “Leon ng tribo ni Juda,” na sa kanya ang lahat ng kapangyarihan sa wakas ay yuyuko at ang lahat ng mga bansa ay magbibigay galang. MPMP 279.1

Sa karamihan sa kanyang mga anak si Jacob ay nagsaysay ng isang masaganang hinaharap. Sa wakas ay narating ang pangalan ni Jose, at ang puso ng ama ay nag-umapaw samantalang binabasbasan niya ang “ulo niya na bukod tangi sa kanyang mga kapatid”: MPMP 279.2

“Si Jose ay sangang mabunga,
Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal;
Ang kanyang mga sanga'y gumagapang sa pader:
Pinamanglaw siya ng mga mamamana,
At pinasa siya, at inusig siya:
Ngunit ang kanyang busog ay nanahan sa kalakasan,
At pinalakas ang mga bisig ng kanyang mga kamay,
Sa pamamagitan ng mga kamay na makapangyarihang Dios ni Jacob;
(Na siyang pinagmulan ng pastor, ang bato ng Israel;)
Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo;
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas,
Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata:
Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan
Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan:
Mapapasa ulo ni Jose,
At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kanyang mga kapatid.”
MPMP 279.3

Si Jacob ay isang tao na may malalim at masidhing pagmamahal; ang pag-ibig niya sa kanyang mga anak ay malakas at mahinahon, at ang mga patotoo niya sa kanila ng siya ay malapit nang mamatay ay hindi pagbigkas ng pagka may pinapanigan o sama ng loob. Kanya nang pinatawad silang lahat, at minahal niya sila hanggang sa kahuli- han. Ang kanyang pagmamahal bilang isang magulang ay maaaring nabigkas lamang sa pamamagitan ng mga salitang nakapagpapasigla at nakapagbibigay ng pag-asa; subalit ang kapangyarihan ng Dios ay suma kanya, at sa ilalim ng impluwensya ng inspirasyon siya ay nakilos upang maghayag ng katotohanan gaano man kasakit. MPMP 279.4

Nang mabigkas ang huling basbas, inulit ni Jacob ang tagubilin tungkol sa paglilibingan sa kanya: “Ako'y malalakip sa aking bayan: ilibing ninyo ako sa kasamahan ng aking mga magulang...sa yungib na nasa parang ng Machpela.” “Na doon nila inilibing si Abraham at si Sara na kanyang asawa; na doon inilibing si Isaac at si Rebeca na kanyang asawa, at doon ko inilibing si Lea.” Kung kaya't ang huli niyang ginawa ay ang magpahayag ng kanyang pananampalataya sa pangako ng Dios. MPMP 280.1

Ang huling mga taon ni Jacob ay naghatid ng isang gabi ng katiwasayan at pamamahinga matapos ang isang magulo at nakapapagod na maghapon. Ang mga ulap ay nagpadilim sa kanyang dinaraanan, gano'n pa man ang kanyang araw ay nanatiling maliwanag, at ang ningning ng langit ang nagpaliwanag sa kanyang mga oras ng pagpanaw. Sabi sa Kasulatan, “Sa gabi ay magliliwanag.” Zacarias 14:7. “Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid: sapagkat may isang maligayang wakas sa taong may kapayapaan.” Mga Awit 37:37. MPMP 280.2

Si Jacob ay nagkasala, at lubhang nagdusa. Maraming mga taon ng pagpapagal, pagkabalisa, at kalungkutan ang napasa kanya mula noong ang malaki niyang kasalanan ay naging sanhi upang siya'y tumakas mula sa mga tolda ng kanyang ama. Isang walang tirahang takas, napahiwalay sa kanyang ina, na hindi na niya nakita pang muli; naglingkod ng pitong taon para sa kanyang minamahal, upang lubhang madaya lamang; nagpagal sa loob ng dalawampung taon para sa isang mapag-imbot na kamag-anak; nakitang lumalago ang kanyang kayamanan, at ang kanyang mga anak na naglalakihan sa piling niya, subalit di nakasumpong ng sapat na kasiyahan dahilan sa pagtatalo at pagkakampi-kampi sa kanyang tahanan; napighati sa kahihi- yan ng kanyang anak na babae, at sa paghihiganti ng kanyang mga kapatid, sa pagkamatay ni Raquel, sa krimen na di likas na nagawa ni Ruben, sa kasalanan ni Juda, ang malupit na panlilinlang at kasa- maang ginawa kay Jose—anong haba at madilim ang talaan ng kasa- maang kumalat sa paningin! Muli at muli ay inani niya ang bunga ng unang pagkakamali na kanyang ginawa. Muli at muli ay nakita niyang nauulit sa kanyang mga anak ang mga kasalanang kanyang nagawa. Subalit naging mapait man ang naging disiplina ng mga iyon, ay nagampanan ang kanyang gawain. Ang mga hagupit, bagaman masakit, ay nagbunga ng “bungang mapayapa ng katuwiran.” Hebreo 12:11. MPMP 280.3

Matapat na itinala sa Inspirasyon ng Banal na Espiritu ang mga pagkakamali ng mabubuting tao, noong mga nakilalang kinaluguran ng Dios; sa katunayan, ang kanilang kamalian ay higit na nahayag kaysa kanilang kabutihan. Ito ay pinagtatakahan ng marami, at naging dahilan para sa mga hindi sumasampalataya sa Dios upang siraan ang Kasulatan. Subalit isa iyon sa pinakamatibay na katibayan na ang Banal na Kasulatan ay makatotohanan, na ang katotohanan ay hindi pinagtatakpan, ni ikinukubli man ang mga kasalanan ng mga pangunahing tao doon. Ang isip ng tao ay lubhang nakahilig sa di matuwid na kaisipan kung kaya't hindi posible para sa mga kasay- sayang pangtao ang ganap na makapagpahayag ng lahat ng panig. Kung ang Biblia ay isinulat ng mga taong hindi kinasihan ng Dios, tiyak na ihahayag nito ang mga taong pinararangalan doon sa isang paraang may labis na pagpuri. Subalit gaya ng pagkakasulat noon, tayo ay mayroong tumpak na pahayag tungkol sa kanilang mga kara- nasan. MPMP 281.1

Ang mga taong kinaluguran ng Dios, at pinagkatiwalaan niya ng malalaking tungkulin, minsan ay nadadaig ng tukso at nakakagawa ng kasalanan, kung paanong tayo sa kasalukuyan ay nagsisikap, nan- lulupaypay, at malimit ay nahuhulog sa pagkakamali. Ang kanilang mga buhay, gano'n din ang kanilang mga pagkakamali at kasamaan, ay nasa ating harapan kapwa tayo ay pasiglahin at babalaan. Kung sila ay inihayag na pawang mga walang kamalian, tayo, sa ating likas na makasalanan, ay maaaring mawalan ng pag-asa sa sarili nating mga pagkakamali at kabiguan. Subalit sa pagkabatid ng kung saan ang iba ay nakipagpunyagi sa kabiguan gaya ng sa atin, kung saan sila ay nahulog sa tukso na gaya natin, gano'n pa man ay muling naglakas loob at nagtagumpay sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, tayo ay pinasisigla sa ating pagsisikap tungo sa pagiging matuwid. Kung paanong sila, bagaman minsan ay nadadaig, ay muling tumindig, at pinagpala ng Dios, tayo rin ay maaaring maging matagumpay sa kapangyarihan ni Jesus. Sa isang dako, ang tala tungkol sa kanilang mga buhay ay maaaring magsilbing babala para sa atin. Ipinahahayag noon na hindi ng Dios palalampasin ang nagkasala sa ano mang paraan. Nakita Niya ang pagkakasala sa mga higit na kinasiyahan Niya, at pinakitunguhan Niya iyon sa isang mas mahigpit na paraan kaysa doon sa mas kakaunti ang liwanag at responsibilidad. MPMP 281.2

Nang mailibing na si Jacob muling nagkaroon ng takot ang mga kapatid ni Jose. Sa kabila ng kanyang kabutihan sa kanila, ang pag- kabatid ng kanilang kasalanan ay naging sanhi upang sila ay di magtiwala sa halip ay maging mapaghinala. Maaaring ipinagpaliban lamang niya ang kanyang paghihiganti, alang-alang sa kanyang ama, at ngayon niya isasagawa ang matagal nang ipinagpalibang pagpaparusa para sa kanilang kasalanan. Hindi nila mapangahasang humarap sa kanya, kung kaya nagpadala na lamang ng ganitong mensahe: “Iniutos ng iyong ama bago namatay, na sinasabi, ganito ang sasabihin ninyo kay Jose, Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo ngayon, ang pag- salangsang ng iyong mga kapatid, at ang kanilang kasalanan; at ngayon, ay aming isinasamo sa iyo, na ipatawad mo ang mga pagsalang- sang ng mga lingkod ng Dios ng iyong ama.” Ang mensaheng ito ay nakakilos kay Jose upang lumuha, at, dahil dito, ang kanyang mga kapatid ay nagsidating at nagpatirapa sa harap niya, na ganito ang sinabi, “Narito, kaming iyong mga lingkod.” Ang pag-ibig ni Jose sa kanyang mga kapatid ay malalim at di makasarili, at masakit sa kanya ang isiping siya ay nagnanais maghiganti sa kanila. “Huwag kayong matakot,” wika niya; “sapagkat nasa kalagayan ba ako ng Dios? At tungkol sa inyo ay inyong ipinalagay na kasamaan laban sa akin; ngunit ipinalagay ng Dios na kabutihan upang mangyari ang gaya sa araw na ito, na iligtas ang buhay ng maraming tao. Kaya nga huwag kayong matakot: aking pakakanin kayo at ang inyong mga bata.” MPMP 282.1

Ang buhay ni Jose ay naglalarawan sa buhay ni Kristo. Inggit ang kumilos sa mga kapatid ni Jose upang siya'y ipagbili bilang isang alipin; umasa silang iiwas siya sa pagiging higit na dakila sa kanila. At nang siya'y dinala sa Ehipto, ipinalagay nila sa kanilang sarili na sila'y hindi na magambala pa ng kanyang mga panaginip, at naalis na nila ang lahat ng posibilidad na iyon ay matupad. Subalit ang sarili nilang ginawa ay ginamit ng Dios upang isakatuparan ang sinikap nilang hadlangan. Gano'n din naman ang mga pari at matatandang mga Hudyo na nainggit kay Kristo, nangamba na baka maakit ang pansin ng mga tao mula sa kanila. Ipinapatay nila Siya, upang maiwasan ang Kanyang pagiging hari, subalit iyon ang mismong pinapangyari nila. MPMP 282.2

Si Jose, sa pagiging alipin sa Ehipto, ay naging tagapagligtas ng sambahayan ng kanyang ama; gano'n pa man ang katotohanang ito ay hindi nagpawalang sala sa kanyang mga kapatid. Gano'n din naman ang pagpapako kay Kristo na ginawa ng Kanyang mga kaaway na naging daan upang matubos Niya ang kasalanan ng sangkatau- han, bilang Tagapagligtas ng nagkasalang lahi, at Hari sa buong mundo; subalit ang kasalanan ng mga pumatay sa Kanya ay sinasama pa rin ng tila hindi pinangunahan ng Dios ang pangyayaring iyon para sa sarili Niyang ikaluluwalhati at sa ikabubuti ng sangkatauhan. MPMP 283.1

Kung paanong si Jose ay ipinagbili ng kanyang mga kapatid sa mga hindi kumikilala sa Dios, gano'n din naman si Kristo ay ipinagbili sa pinakamahigpit niyang mga kaaway ng isa sa Kanyang mga alagad. Si Jose ay pinaratangan ng hindi naman totoo at inilagay sa bilanguan dahilan sa kanyang kabutihan; gano'n din naman si Kristo ay hinamak at tinanggihan dahil sa ang Kanyang buhay na matuwid at mapagtanggi sa sarili ay isang sumbat sa kasalanan; at bagaman walang ano mang kasalanan, siya ay pinarusahan dahil sa patotoo ng mga huwad na mga saksi. Ang pagpapasensya at kaamuan ni Jose sa ilalim ng kawalan ng katarungan at pang-aapi, at kanyang pagiging handa upang magpatawad at ang marangal na pagiging mapagbigay sa kanyang di tunay na mga kapatid, ay kumakatawan sa hindi nag- rereklamong pagtitiis ng Tagapagligtas sa masamang hangarin at pang-aabuso ng masasamang tao, at sa Kanyang pagpapatawad, hindi lamang sa mga pumatay sa Kanya, kundi sa lahat ng lumalapit sa Kanya na naghahayag ng kanilang kasalanan at humihingi ng pata- wad. MPMP 283.2

Si Jose ay nabuhay pa ng limampu't apat na mga taon makalipas ang pagkamatay ng kanyang ama. Siya'y nabuhay hanggang makita ang “mga anak ni Ephraim hanggang sa ikatlong salin ng lahi: ang mga anak man ni Machir na anak ni Manases ay ipinanganak sa mga tuhod ni Jose.” Nasaksihan niya ang pagdami at pag-unlad ng kanyang bayan, at sa lahat ng mga taong nagdaan ang kanyang pananampalataya sa pagsasauli ng Dios sa Israel sa Lupang Pangako ay hindi nanlupaypay. MPMP 283.3

Nang makita niya na ang kanyang wakas ay malapit na, ay tinawa- gan niya ang kanyang mga kamag-anak sa piling niya. Bagaman siya ay pinararangalan ng gano'n na lamang sa lupain ng mga Faraon, para sa kanya ang Ehipto ay isa pa ring lugar na pinagtapunan sa kanya; ang huh niyang ginawa ay upang ipahayag ang kanyang paki- kiisa sa Israel. Ang huli niyang mga pananalita ay, “Tunay na dada- lawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na Kanyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.” At pinanumpa niya ng isang banal na panunumpa ang mga anak ni Israel na kanilang dadalhin ang kanyang mga buto sa lupain ng Canaan. “Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sampung taon: at kanilang inembalsamo siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Ehipto.” At sa daang-daang mga taon na puno ng pagpapagal na sumunod, ang kabaong na iyon, na nagpapaalaala sa mga huling salita ni Jose, ang nagpatotoo sa Israel na sila ay pawang naninirahan lamang ng pansamantala sa Ehipto, at nag-uudyok sa kanila na pana- tilihin ang kanilang pag-asa sa Lupang Pangako, sapagkat ang panahon ng pagliligtas ay tiyak na darating. MPMP 284.1