Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA
Paunang Salita
Ito ay ipinalimbag ng palathalaan mula sa isang masidhing panini- walang ito ay nagbibigay liwanag sa isang napakahalagang paksa tung- kol sa kapakanan ng buong sansinukob, isa na kung saan ang liwanag ay kinakailangang naising lubos; na ito'y naghahayag ng mga katoto- hanan na ilan lamang ang nakaaalam o kung hindi ay lubhang kara- mihan ang hindi nagpapahalaga. Ang malaking tunggalian sa pagitan ng mabuti at ng masama, ng liwanag at ng dilim, ng kapangyarihan ng Dios at ng pagtatangka ng kaaway ng lahat ng katuwiran, ay dakilang panoorin na makatuwiran lamang na ituring na karapat-dapat upang pag-ukulan ng pansin ng lahat ng mga daigdig. Na ang gano'ng tunggalian ay bunga ng kasalanan, na iyon ay kinakailangang dumaan sa iba't-ibang yugto ng pagsulong, at sa wakas ay matapos sa ikaluluwalhati ng Dios at sa higit pang ikatataas ng Kanyang mga tapat na lingkod, ay kasing tiyak kung papaanong ang Banal na Kasulatan ay pagpapahayag ng Dios sa tao. Ang salitang iyon ay naghahayag ng mga dakilang tampok ng tunggaliang ito, isang tunggalian na sumasaklaw sa pagtubos ng sanlibutan; at may natatanging mga pagkakataon kung kailan ang mga katanungang ito ay nakakakuha ng di-pangkaraniwang pansin, at nagiging pinakamahalaga sa lahat ang maunawaan ang ating relasyon dito. MPMP 16.1
Ganito ang panahong kasalukuyan, sapagkat ang lahat ay nagpapa- hiwatig na maaari nating panghawakan ngayon ng may katiyakan ang pag-asa na ang matandang tunggaliang ito ay malapit ng magtapos. Subalit marami ngayon ang waring nakalaan upang ituring na kabulaanan ang kasaysayan kung paano nasangkot ang ating sanlibutan sa dakilang usaping ito; at ang iba naman, bagaman iniiwasan ang ganitong kaisipan, ay itinuturing na isang bagay na lipas na at hindi na mahalaga, at sa gano'n ay kinalilimutan na lamang. MPMP 16.2
Subalit sino ang hindi magnanasang tumingin sa lihim na dahilan ng gano'ng kataka-takang pagtalikod; upang mabatid ang espiritu noon at matutunan kung paano maiiwasan ang mga ibinubunga noon? Ang aklat na ito ay tungkol sa mga kaisipang iyon. Ito ay may hilig magpatanyag ng isang buhay na pagnanasa sa mga bahagi ng salita ng Dios na malimit ay nakakaligtaan. Binibihisan nito ng bagong pakahulugan ang mga pangako at mga hula sa Banal na Kasulatan, nililinaw ang pagka-walang sala ng Dios sa mga paraan ng pakildtu- ngo sa panghihimagsik, at ipinakikita ang kahanga-hangang biyaya ng Dios sa paggawa ng isang paraan ng kaligtasan para sa makasalanang tao. Sa ganito tayo ay ibinabalik ng kasaysayan sa isang panahon kung saan ang mga panukala at mga layunin ng Dios ay maliwanag na inihayag sa piniling bayan ng Dios. MPMP 16.3
Bagaman ito ay tungkol sa mga paksang gano'n karangal, mga paksang kumikilos sa kailaliman ng puso at pumupukaw ng pinaka- masiglang damdamin ng kaisipan, ang pamamaraan ng aklat na ito ay madaling maunawaan, at ang wika ay malinaw. Itinatagubilin namin ang aklat na ito sa lahat ng nasisiyahan sa pag-aaral ng banal na panukala ng pagtubos sa sangkatauhan at nakadadama ng anumang pangangailangan sa kaugnayan ng kanilang sariling kaluluwa sa ga- wain ni Kristo; at sa lahat ng iba pa ito ay aming itinatagubilin, upang gisingin sa kanila ang hilig sa ganitong mga bagay. MPMP 17.1
Nawa ang pagbabasa ng aklat na ito'y maging pagpapala sa ika- bubuti ng mga mambabasa, at humantong sa kanilang paglakad sa daan ng buhay, ang siyang taimtim na dalangin ng mga TAGA-PAGLATHALA. MPMP 17.2