PAGLAPIT KAY KRISTO
Tagumpay sa pamamagitan ng pananampalataya
Sa pamamagitan ng pananampalataya ay makatitingin tayo sa panahong hinaharap at mapanghahawakan natin ang pangako ng Diyos na lalago ang ating karunungan, ang pag-iisip ng tao ay mapapaugnay sa pagiisip ng Diyos, at ang bawat kapangyarihan ng kaluluwa ay mapapalapit sa Pinagmumulan ng liwanag. Ikagagalak natin na ang lahat ng bagay na gumulo sa ating pag-iisip ayon sa kalooban ng Diyos ay pawang ipaliliwanag sa panahong yaon; ang mga bagay na mahirap unawain ay paliliwanagin, at sa mga bagay na ngayo’y wala kundi kaguluhan at pagkabigo ang natutuklasan ng ating kapos na pag-iisip, ay makikita natin ang pinakasakdal at pinakamagandang pagkakaayos sa panahong iyon. “Ngayo’y malabo tayong nakakikita sa isang salamin; nguni’t pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan: ngayo’y nakikilala ko ng bahagya, nguni’t pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin.” 1 Corinto 13:12. PK 157.2