PAGLAPIT KAY KRISTO
Kabanalan sa pamamagitan ng pananampalataya
Noong si Adan ay hindi pa nagkakasala, ay maaaring magkaroon siya ng isang matuwid na likas sa pamamagitan ng pagtalima sa kautusan ng Diyos. Datapuwa’t hindi niya ginawa, at dahil sa kanyang pagkakasala ay naging makasalanan ang ating mga katutubo, at hindi natin magagawang matuwid ang ating mga sarili. Sapagka’t tayo’y makasalanan, walang kabanalan, ay hindi natin ganap na matatalima ang isang banal na kautusan, Wala tayong sariling katuwiran upang maitugon sa mga kahilingan ng kautusan ng Diyos. Datapuwa’t para sa atin ay gumawa si Kristo ng isang daang matatakasan. Nabuhay Siya rito sa lupa sa gitna ng mga pagsubok at tukso na kagaya ng nasasagupa natin. Namuhay siya ng isang kabuhayang walang bahid-kasalanan. Siya’y namatay dahil sa atin, at ngayo’y nagkukusa siyang kunin ang ating mga kasalanan at ibigay sa atin ang kanyang katuwiran. Kung ibibigay ninyo sa Kanya ang inyong sarili, at tatanggapin ninyo Siyang inyong Tagapagligtas, kung mag- kagayon, kahi’t na naging puno ng pagkakasala ang inyong kabuhayan, ay itinuturing kayo na matuwid alang-alang sa Kanya. Likas ni Kristo ang tumatayo sa lugar ng inyong likas, at kayo’y tinatanggap sa harapan ng Diyos na parang hindi kayo nagkasala. PK 86.2