PAGLAPIT KAY KRISTO
Karanasan ni pablo
Sinasabi ni Pablo, na “tungkol sa kabanalan na nasa kautusan”—kung ang pag-uusapan ay ang mga gawang nahahayag lamang—siya ay “walang kapintasan” (Filipos 3:6); datapuwa’t nang matanaw niya ang likas na ukol sa espiritu ng kautusan, ay nakita niyang siya’y isang makasalanan. Kung hahatulan ng ayon sa titik ng kautusan, gaya ng ginagawang paggamil dito ng mga tao sa hayag na kabuhayan siya ay hindi nagkasala; datapuwa’t nang tingnan niya ang mga kalaliman ng banal na iniaatas ng kautusang ito, at nang makila niya ang kanyang sarili gaya ng pagkakita sa kanya ng Diyos, siya’y tumungong nagpapakumbaba, at nagpahayag ng kanyang kasalanan. Ganito ang kanyang sinasabi: “Nang isang panahon, ako’y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa’t nang dumating ang utos ay muling nabuhay ang kasalanan, at ako’y namatay.” Roma 7:9. Nang makita niya ang likas na ukol sa espiritu ng kautusan, ay lumitaw ang kasalanan ayon sa tunay na kasuklam-suklam na kalagayan, at nawala ang kanyang pagmamapuri. PK 38.2