PAGLAPIT KAY KRISTO

27/147

Huwag purihin ang sarili

Maaaring, tulad ni Nikodemo, ay tinapik-tapik natin ang ating sarili, na sinasabi nating matuwid ang ating kabuhayan at wasto ang ating asal, at inaakala nating hindi na kailangang papagpakumbabain pa ang ating mga puso sa harapan ng Diyos, gaya ng marapat gawin ng karaniwang makasalanan; datapuwa’t pagka sumisilay sa loob ng ating puso ang liwanag na nagmumula kay Kristo, ay makikita natin kung gaano karumi nga tayo; mapagkikilala natin ang kasakiman ng ating layunin, at ang pakikialit natin sa Diyos, na dumungis sa bawa’t kilos natin. Kung magkagayo’y makikilala nating katulad nga lamang ng maruruming basahan ang ating sariling katuwiran, at ang dugo lamang ni Kristo ang makahuhugas sa dungis ng ating mga kasalanan, at makababago ng ating mga puso upang mawangis sa Kanya. PK 37.1